Tumakbo ang babae at tumigil sa harapan ni King dahilan upang mapatigil ang 3ks sa paglalakad.
Maganda 'yong girl pero may pagkanerdy, may dala itong gift bag na dahan-dahang inabot kay King.
Mabilis namang lumapit ang mga bodyguards at hahawakan na sana ang babae ngunit kinuha ni King ang gift bag kaya napatigil ang lahat, gayun din ang mga nanonood, ni wala akong marinig na bulungan.
Mabait naman pala-
I gasped nang itinapon ni King ang gift bag sa likuran nito without even glancing at the inside atsaka hinawi ang babae dahilan para matumba ito, sabay lakad na parang walang nangyari.
Napakuyom na lamang ako ng kamao, grabeh, ansama nun ah!
Lalong kumulo ang dugo ko nang makitang umiyak 'yong babae, ni walang pakialam ang tatlo lalo na si King. Para bang nawala ako sa wisto, kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, tumayo na ako at mabilis na sinugod si King.
Sinalubong ko silang tatlo since patungo naman sila sa Entrance Building kung saan malapit lang ako. Napatigil ang tatlo sa paglalakad, naramdaman kong napatingin sa akin si Luke at Rio, pero parang walang nakita si King dahil straight parin itong nakatingin sa harap.
Huminga ako nang malalim at tiim bagang sinigawan siya.
"Hoy! Wala ka bang awa!? Nagmamagandang loob lang 'yong tao tapos sasaktan mo!?" Galit kong sumbat habang dinuduro si King.
"Shit, naku Laica." Narinig kong usal ni Irica sa hindi kalayuan, nakakabingi kasi ang katahimikan, ni wala akong marinig na ingay o bulungan mula sa iba, kaya naman rinig na rinig ko kung sino man ang magsasalita.
Shit! Nga naman Laica, bakit ka pa sumugod? Gusto mo bang mapatalsik sa school!? Narito na ako, wala na akong magagawa... kailangan ko na lang itong panindigan. Bahala na si Batman.
Napansin ko ang pagpigil tawa ni Rio, habang gulat naman si Luke. Lumakas ang pintig ng puso ko nang tumingin sa akin si King at nagtama ang aming mga mata... napatulala na lamang ako sa ganda ng kaniyang mala kulay hazel at mapupungay na mga mata... despite of the coldness it shows, pakiramdam ko ay umiikot na lamang sa aming dalawa ang mundo. Kung titignan, napakagwapo niya pala sa malapitan, ni wala akong ibang makita kun'di siya lamang. Ano bang nangyayari sa akin? Kindi ko man lamang magalaw ang aking mga paa, kahit na gustuhin ko pang tumakbo.
I shook my head, ano ba naman Laica, suplado yan! Arogante pa! Tandaan mo, galit ka sa kaniya, sinaktan niya ang inosenteng tao.
Naramdaman ko ang paglapit ng mga bodyguards sa akin, hahawakan na sana ako ng isa sa kanila ngunit napatigil ito.
"Don't touch her." I could feel the chills on my spine dahil sa lamig ng boses ni King, na para bang binuhusan ako ng malamig na tubig. But I cannot deny the fact na... nagagandahan ako sa boses nito. It was firm but somewhat... alluring. What the heck, am I saying?
Humakbang ito papalapit sa akin, sinusubukan kong basahin ang isip nito, but staring deeply into his hazel eyes, nawawala ako. Para bang nilulunod ako nito, ni hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.
"M-mali ang ginawa mo, mag s-sorry ka sa kaniya." Lakas loob kong sambit but I stuttered, lahat ng gusto kong sabihin, ang galit ko ay parang nailunok ko bigla. Ni ayaw lumabas ang nais kong sabihin dahil patuloy parin siya sa paglapit sa akin na para bang walang naririnig.
Bakit ba kasi ako pasugod-sugod dito ni wala man lang akong dalang armas!? "Anong g-ginagawa mo? Wag kang lalapit."
I saw his slender plump lips curl into a smirk dahilan para mapaatras ako at mapatid sa sarili kong mga paa, pumikit na lamang ako para damhin ang kahihiyang ginawa pero imbis na bumagsak ako sa ground ay naramdaman ko na lamang ang makisig na mga kamay na nakahawak sa aking bewang para hindi ako tuluyang matumba... para bang familiar. 'Yong feeling na, De Javu. Pero... paano? Saan?
Nakaramdam ako ng paghugot ng malalim na hininga dahilan para mapamulat ako ng mga mata, at para bang nagsasabong ang puso ko dahil... napakalapit lang ni King! And shez, napakabango pa nito. Pero, nakapikit ito na para bang may... iniinda? Para itong... nahihirapan.
Then, I realized our position, shocks nakaalalay pala ang mga bisig nito sa akin para hindi ako tuluyang matumba, syempre nahihirapan siya kasi mabigat ako, naku naman Laica!
Iminulat nito ang kaniyang mga mata, kaya dali-dali akong tumayo ng tuwid at dumestansya kay King pero hinawakan nito ang aking kamay and he leaned closer to me.
"I don't wanna ever see you..." he said, ito na, patatalsikin na ako rito sa school dahil sa sarili kong katangahan. Mas lumapit pa ito "Kneeling for anyone else." He whispered in my ear na para bang ako lang talaga ang makakarinig at tuluyan na siyang umalis, sumunod naman si Rio na nagpipigil tawa at si Luke wearing his emotionless face.
Naiwan naman akong tulala, tama ba ako ng narinig? O sadyang nabingi lang ako? Mas malakas pa kasi kabog ng puso ko kesa sa ibinulong ni King.
"I don't wanna ever see you... kneeling for anyone else." Iyon ba talaga? O baka "I don't wanna ever see you... here in school." Ano ba talaga!?!?
"Laica! Anong sabi ni King? Tanggal ka na raw?" Naramdaman ko naman ang pag-alog sa akin ni Irica.
Dahan-dahan akong napatingin kay Irica "Iyon ba sabi niya?" Tanong ko na para bang wala sa sarili pero napapansin ko naman ang mga estudyante at mga nakikiusyoso na unti-unting nagsisialisan.
"Ako ba kausap ni King? Eh diba kayo nag-usap? Ba't ka kasi pasugod-sugod ayan tuloy." Panunumbat nito pero nagsimula na akong maglakad patungo sa classroom habang iniisip kung anong sinabi ni King.
"Alam mo Laica, marami ng nangyaring ganoong scene but no one ever dared to stand against them, ikaw lang talaga ang naglakas loob na gustong mapatalsik dito sa school eh." Dagdag pa ni Irica habang nakasunod sa akin. "O ano na ngayon ang gagawin mo?" Tanong pa nito.
Ano na nga ba ang gagawin ko? "Edi, hindi ako magpapakita sa kaniya, hindi niya naman malalaman na nasa school parin ako o di kaya'y lumuhod sa kahit na sino kung hindi niya ako nakikita."
Napatigil si Irica "Lumuhod?" Tanong nito.
Napakagat labi na lamang akong napatingin sa kaniya "Ah... eh... tara na baka malate pa tayo." Sambit ko at mabilis siyang kinaladkad patungo sa classroom.
*****
Habang nagdidiscuss ang guro, ito naman si Irica ginugulo ako since magkatabi lang kami ng upuan "Alam mo Laica, sa dinami-raming nagkakandarapa kay King, ikaw ang pinakamaswerte, akalain mo yun, sinalo ka ni King at infairness hinawakan pa kamay mo. Hihi, mabango ba? Package na 'yon kahit mapatanggal ka pa rito sa school noh. Wala pang nakakagawa nun, ever since you know."
Bigla na namang nag popped sa isipan ko ang nangyari kanina... napakalapit lang ng mukha niya sa akin, it was a mere inches away, hindi ko naman ikinakaila, gwapo siya. He's pale white na aakalain mo'y bampira, he has a red slender lips na napakaattractive and hazel eyes na... nakakalunod. Makisig din ang pangangatawan nito, in short... he's perfectly an ideal man for every girls' dream.
But, I am not that girl, having a perfect man in life means complexity. Gusto ko ng simpleng pamumuhay lang, iyong walang gulo, iyong hindi ako mahihirapan.
Pero, hindi natuturuan ang puso. Kahit na walang puso ang lalaking 'yon... bakit? Bakit sa kaniya pa tumibok 'tong puso ko? I sighed.
At kahit na ilang araw ko pa lang nakita si King, pakiramdam ko'y napakatagal ko na siyang kilala. Naalala ko pa 'yong sinalo niya ako kanina... para bang nangyari na dati pero wala akong ibang maisip kundi... iyong stranger, noong malapit na akong mabangga. Ngunit, malabong siya 'yun.
"Hello to earth Laica!" Mahinang tawag ni Irica habang iwinawagayway ang kamay sa harapan ko. Tumingin ako sa kaniya at nakitang nakangisi ito "It seems like, you're drawn into him. So worth it naman pala ang pagpapatalsik sayo rito eh."
"Tumigil ka na nga Irica, makinig ka na lang kay teacher." Sumbat ko rito.
Bumuntong hininga ito "Magawa nga 'yon kay Baby Luke ko. Pero teka, mabait naman si Luke ko eh, hindi nga lang namamansin. Kidnappin ko kaya?" Narinig kong usal ni Irica.
***** viona99 *****
I'm back! Thank you so much for supporting this story guys❤. Lovelots!
Please leave your feedback, highly appreciated ❤.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...