Kabanata 4 : Balat

163 60 8
                                    

Matapos kong maligo ay agad akong lumabas nang banyo suot lamang ang twalya na nakabalot sa aking katawan, naghanap ako ng susuoting damit at nakita ko ang pink shirt, kinuha ko na rin ang mga undies at jeans ko.

Magbibihis na sana ako nang biglang nadapo ang mga mata ko sa salamin. Tinitigan ko muna ang sarili, hindi naman masama, hanga din ako sa aking metabolism dahil maganda ang kurba ng katawan ko. Makinis naman ang aking balat at... okay may mukha naman hehe. Maraming nagsabi na maganda raw ako, ayaw ko namang magbuhat ng upuan, pero may panlaban din naman.

Ngunit biglang napadako ang mga mata ko sa aking bandang dibdib, kitang-kita ang balat na hugis puso, sa gitna nito'y pawang hugis gumamela. Inborn na raw ito sabi pa ni mommy.

"Laica, anak! Dalian mo!" Speaking of, rinig ko ang sigaw ni mommy mula sa labas.

Dali-dali akong nagbihis nang damit at nagsuot ng sapatos.

"Andyan na po!" sigaw kong tugon at agad binuhat ang maleta na inimpake ko kagabi.

Nang makalabas ay agad akong sinalubong ni daddy para tulungan.

"Mukhang napakarami naman nito anak, hindi mo na kailangan pa ang mga damit. May nakahanda na doon para sa iyo, lalo na't naayos na lahat ng mga gamit natin doon." Kwento ni daddy.

Namangha naman ako sa kaniyang sinabi, halatang napaghandaan na nila ito nang husto "Talaga daddy? Baka hindi magkasya sa akin ang mga pinili niyong damit." 

"Ano ka ba naman anak, sa'yo 'yon kaya siguradong kakasya." Sambit ni mommy at agad naman siyang pinukulan nang kakaibang tingin ni Daddy dahilan para kagatin ni mommy ang bibig na para bang may nasabi itong mali.

"Sa akin?" Tanong ko.

"O-oo, ipinahanda namin 'yon para sa iyo. Wala ka bang tiwala sa taste namin ng daddy mo?" Mabilis na sagot ni mommy.

Ngumiti ako "Syempre naman, tiwalang-tiwala ako!"

"O siya tara na, baka gabihin tayo. Delikado." Sambit ni Daddy, mukhang naisakay niya na ang lahat ng mga gamit sa sasakyan.

"Bakit naman po delikado?" Takang tanong ko habang papasok sa sasakyan.

Tumikhim si Daddy "Maraming hindi mapagkakatiwalaan ang namamasyal sa gabi anak. Kailangan lang natin nang doble ingat."

Tumango ako, tama nga naman si Daddy, marami kasing mga basagulero o kaya'y lasinggero ang lumalabas tuwing gabi.

"Malayo pa po ba ang pupuntahan natin? 9am pa lang po kasi." Tanong ko nang makasakay na si Daddy sa Driver seat, kami naman ni mommy eh sa backseat na sumakay.

"Oo anak, malayo pa." Sagot ni daddy sabay na umandar ang sasakyan.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay bigla kong naalala ang mga kaibigan ko, tinawagan ko sila isa-isa kagabi at nagpaalam, naiintindihan naman nila. At isa pa, magkikita pa kami kapag palarin ng tadhana.

Ilang oras na ang lumipas at dumapo na ang hapon ngunit hindi parin kami nakakarating sa aming patutunguhan.

"Henry, sa tingin mo hindi tayo abutan ng gabi?" Tanong ni Mommy kay Daddy, bakas sa boses nito ang pangamba.

"Sa tingin ko nga'y aabutan tayo ng gabi, Leah." Sagot ni Daddy at sa boses nito'y may bahid nang takot.

Napatingin ako kay Mommy at nakita ko ang mukha nitong puno nang pag-aalala at takot.

"Mommy, ayos lang po iyan. Nasa sasakyan naman tayo, mahihirapan ang kung sino mang sumubok na manakit sa atin." Sambit ko upang mapagaan ang kaniyang pakiramdam.

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon