Rio's POV
Damn, itong Detention Office talaga ang tahanan ko, since ayaw ko rin namang makinig sa mga professors eh magaling pa ako sa mga iyon eh. Mas advanced pa ang knowledge ko, gusto ko lang talaga ng happy go lucky life, at isa pa, graduate na ako ng much advance classes at tinatamad na akong bumalik sa school.
Isa lang naman ang rason kung bakit ako nag-aral ulit, hindi maiwan ng mahal na Hari ang paaralan na 'to, ewan ko ba, siguro may memories dito na ayaw niya lang mawala and since dakilang Knight ako ng Mahal na Hari heto, dakilang buntot niya na rin, syempre iyon responsibilidad ko bilang isa sa mga mataas na Duke na naitalaga as Dark World at walang magagawa ang Mahal na Hari kung sinusundan-sundan ko siya kahit na nag-iinit ang ulo niya minsan saakin, eh may mga pagkakataong umuusok pa, bwahahaha.
Atsaka, bumalik din sa pag-aaral si Luke, ang dakilang prodigee, wala atang hindi alam 'yan eh. Parang siya na ang sagot sa lahat ng katanungan. Maliban sa pagbabantay sa Hari, hindi naman ako bulag na hindi malamang may iba pa siyang rason kung bakit nag-aral 'yon, pwede namang magsilbing bodyguard lang 'yon eh. Oh 'di kaya ay spy. Andami namang mata yan eh, kahit na natutulog yan, nakamonitor mga mata niya. Tch. Pero kung ano pang ibang rason niya, interisado talaga akong malaman kaso lang magaling din siya magtago. Walang iniiwang bakas.
Bigla na lamang bukas ulit ang pinto ng Detention Office na nakakuha naman ng attention ko.
Nagulat na lamang ako ng pumasok ang Mahal na Reyna, gusto ko sanang magbigay galang pero wala pa siyang kaalam-alam ng tinay niyang pagkatao at hindi rin pwede malaman ng iba. Lalo ng nasesense kong iba't-ibang nilalang ang nandito sa loob.
Bigla na lang pumasok sa isip ko ang Mahal na Hari, kaya hindi ko na nababantayan ang Mahal na Reyna kasi paniguradong hindi siya pababayaan ng kamahalan. By the way, naalala kong ngayon ang pagbabalik niya, bigla na lamang akong napangisi ng makaisip ng... kaunting kalokohan lang naman.
"Uy! What do we have here?" Nakangising sambit ko habang nakatingin sa Reyna.
Napatingin ito sa'kin ng may pagtataka pero hindi niya ako pinukulan ng pansin dahil naghanap pa ito ng maupuan, I took the opportunity para kunan siya ng picture habang hindi pa nakatingin.
Ano kayang maging reaksyon ng Mahal na Hari, nakangisi akong tinawagan siya pagkatapos ng ikalawang ring sinagot din naman. Ganito na ito kabilis sumagot ng tawag simula ng makarating ang Mahal na Reyna dito sa lugar. Alam niya kasing, nagbabantay pa kami kaya Aktibo Aktibo sa mga tawag, nag-aalala sa asawa niya. Hays, iba talaga kapag inlove. "Kamahalan!"
"Spill it." Malamig niyang utos pero hindi ako nagpatinag.
"Mayroon pa kasi akong date today eh, ikaw na muna magbantay sa Detention room ah." Sambit ko sa paraang pakiusap pero alam kong galit na ito.
Ayaw niya kasi ng inuutusan siya, baka nga pugutan ako ng ulo nito eh.
"Are you ordering me?" Matalim niyang sabi.
Grabe nakakatakot, pakiramdam ko talaga tumayo mga balahibo ko sa katawan.
"N-no, ah eh hehe, kamahalan regalo ko po sa iyo yun." Mapakla kong Sambit.
Damn, nagpatalo ka naman Rio, akala ko makaisa na eh.
"I have no time for your fucking games, Rio." Sabi niya atsaka binaba ang tawag.
Oh damn, kailangan ko tung klarohin mamaya maparusahan ako pagbalik sa kaharian.
Madali ko namang sinend sa kaniya ang picture ng Reyna na kinuha ko kanina. "Here's my gift for you, My king. I'll leave her to you😁, asahan ko po ang reward, kamahalan!"
Nakangiti ako habang nagtatype sa cellphone, of course, tsansa na to ng Mahal na Hari sa kaniyang Reyna.
Then, sent!
Mabilis naman ako at humarap sa mga estudyante na ang habol lang eh magtambay at manood sakin.
"Okay, everyone, you may now go. Except Ms. Baltar since she came last, she shall continue paying her punishment." Saad ko na may pagngisi pa, excited na ako sa mga mangyayari.
Paniguradong susugod agad ang kamahalan dito. Hindi niya pa naman ako kayang pagkatiwalaan pagdating as chicks. Hindi naman talaga hahaha ako pa, matinik to. Pero kahit na babaero ako, malaki ang respeto ko sa mahal na Reyna... alam ko kung saan ako lulugar at kahit na nagandahan pa ako sa kaniya, kasi totoo naman talaga kahit na ang mga Legends na sa kwento lang, totoong napakaganda nga ng Reyna. Makinis at Maputi ito na parang kulay snow, mahaba ang buhok niya na natural ang wavy sa bandang baba nito. Kahit na hindi pa siya ganap na diwata, mukha na siyang diwata at kahit sino mahuhumaling sa kaniya.
Maliban sa Respeto ko sa Mahal na Reyna at Mahal na Hari, alam kong kahit na paghiwalayin pa sila ng kamatayan, ang puso nila iisa lang... konektado at makikilala nila ang pag-ibig para sa isat-isa. Walang makakasira nun, at nakikita ko iyon hindi lang sa Legend kundi hanggang ngayon.
Isa pa, may pangako akong tutuparin, kahit lumipas pa ang ilang centuries hindi ko makakalimutan ang pangako ko. Darating ang araw, tutuparin ko iyon, sa tamang panahon.
Nanlumo naman ang mga estudyanteng umalis dito sa Detention Room, pero naeexcite talaga ako sa pagdating ng kamahalan. Ano kaya magiging reaksyon niya? Puntos na to saakin ngayon ah.
Pero napansin kong nakatingin saakin ang Mahal na Reyna na may pagtataka.
"I know I'm handsome but, I still wanted to live you know." Sabi ko at ngumisi ng marealize nito ang ginawa.
Mamaya magugulat na lang akong tanggal na ang ulo ko. Seloso pa naman nun.
Kung iisipin, walang makakatapat sa pagmamahal ng Mahal na Hari para sa Reyna, siya lang ang nakita kong nagmahal ng sobra, nang higit pa. Nakayanan niyang labanan kahit na kamatayan, hanggang ngayon... lumipas ang century pero hindi parin nagbabago ang puso niya, Iisang babae parin ang minamahal niya.
Kaya nga hangang-hanga ang lahat sa pagmamahal ng Mahal na Hari, lalong lalo na ako, fan kaya nila ako.
Kaya nga gusto ko talagang palagi asarin ang Mahal na Hari, para kahit papano eh maibsan ang paghihirap niya. O 'di kaya dagdagan, ngumiti na lamang ako sa pinaggagawa ko, na minsan nang painapain ako ng mahal na Hari sa Tigre nang sinubukan kong asarin siya dati. There are times na malapit na akong mamatay, pero hanggang ngayon buhay parin kaya magtitiis na lamang siya sa'kin bwahahaha.
Ilang sandali pa'y dumating na ang inaasahan ko, nang biglang bumukas ang pinto.
Ngumisi naman ako sa nakita ko.
***** viona99 *****
Another Chapter, I hope you like it! 🥰 Enjoy!
For more updates, please follow me on my Facebook Page: Author Viona99
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...