Mga ilang oras din kaming naglibot-libot dito sa lugar, tinatawag raw itong Bayan ng Gargantilla at pakiramdam ko nakapunta na talaga ako dito dati, pero ang ipinagtataka ko lang ay never pa talaga ako nakapunta dito. Magaan kasi ang pakiramdam ko sa lugar na'to, I feel at home. Siguro dito ako ipinanganak, natawa na lamang ako sa iniisip.
Inaamin kong maganda ang lugar, normal na bayan pero magagara ang mga bahay ng halos karamihan na nakatira rito, pero hindi ako mapakali kanina pa, pakiramdam ko kasing may mga matang nakamasid sa akin. Ngunit iniisip ko na baka guni-guni ko lang mahirap masiraan ng bait ano, baka mapunta ako sa rehas nang wala sa oras.
Kasalukuyan kaming naglalakad patungong parke, may ibang mga taong nakaupo sa gilid, nag-ooffer nang kung anong mga paninda.
"Oh my! Cotton candy!!" Sandaling nagliwanag ang mga mata ni Irica sabay tingin sa 'di kalayuan kung saan may nagtitinda ng cotton candy.
Natawa naman ako "Paborito mo?"
"Yes! Hintayin mo ako rito bibili lang ako, bibilhan na rin kita." Natutuwa niyang sambit sabay takbo patungo kung saan nagbebenta nang Cotton Candy.
Nakangiti ko na lamang siyang pinagmasdan, para siyang bata.
"Psst... iha." Narinig kong tawag kaya agad ko namang tinignan kung kanino galing ang boses.
Nagulat ako sa aking nakita.
****
Third Person's POV
Simula pa kaninang umaga nang matapos ang pag-uusap ng Hari at Mayor ng bayan na isa ding immortal ay agad siyang bumiyahe pauwi ng palasyo ngunit naisipan nitong dalawin muna ang dalaga, kahit na mayroon siyang itinalagang mga bantay dito ay hindi parin siya mapakali, nais niyang masigurong ligtas ang minamahal.
While driving his Black Hummer Car ay agad nitong natanaw ang dalaga kasama ang isang babae na sa pagkakaalam niya ay isa ring immortal, kaya mabilis niyang pinark ang sasakyan habang hindi naalis ang tingin nito sa minamahal na para bang inaakit ito kasabay ng puso niyang kaybilis kung tumibok at kay lakas kumabog.
He sighed, makuntento na lamang siyang tumingin mula sa malayo.
Nakikita niya rin ang dalawang kawal na itinalaga niyang magbantay sa may kalayuan. Inutusan nitong hindi magpahalata sa dalaga at sinunod naman siya ng mga ito.
Sandaling umalis ang babae at naiwang nakatayo ang kaniyang minamahal na Reyna. May tumutulak sa kaniyang lumapit at magpakilala sa dalaga ngunit nauunahan siya nang pangamba, ayaw niyang maging dahilan na mawala pa itong muli sa kaniya... lalo na't maraming tao sa paligid, kinuyom niya na lamang ang mga kamao sabay huminga nang malalim.
Ang pagmamahal niya sa dalaga ay hindi mapapantayan, kahit pa sarili ay kayang kalabanin nito.
"Psst... iha."
Narinig niyang tawag, kahit sarado ang bintana at soundproof sa loob ng sasakyan, ang kakayahan nito ay napakalakas at dinig kahit gaano pa kalayo kung nanaisin niya lamang, basta't nasa kaniyang sinasakupan.
Agad tumingin dito ang Hari at nakita niya ang isang matandang nakaupo sa gilid ng kalsada, tinatawag nito ang dalaga. Tinitigan itong maigi ng hari, na para bang naghahanda ito sa kung ano mang pwedeng mangyari.
"Ikaw nga, halika." Yaya nang matandang babae, lumapit naman ang dalaga na may bahid nang pagtataka.
"Bakit po?" Malumanay na tanong ng dalaga dahilan upang mapapikit ang hari sa napakaganda niyang boses, sa loob ng halos pitungpung taon, muli niyang narinig ang boses ng minamahal, wala itong pinagkaiba.
Para itong isang anghel, sapagka't ito nga'y isang anghel na tagapangalaga ng kagubatan. Huminga ulit siya nang malalim, pinipigilan ang pusong nais kumawala, at muling binuksan ang mga mata sabay tingin sa minamahal.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...