Kabanata 31 : I'm Not Yours

32 0 0
                                    

"Ba't mo ko hinalikan?" Hamon ko, hindi lang siya ang marunong magtanong.

Imbes na sumagot ako, tinanong ko na ang kanina ko pa pinipigilan. Gusto ko talaga malaman ang sagot niya eh, trip niya lang ba? Mas mabuti nang magkaalaman.

Pero gosh, anlakas nga ng loob mo Laica! Hinamon mo pa nang tanungan ang dakilang Hari ng school na'to!

Ang blangko at maotoridad nitong ekspresyon biglang nagbago nang hindi ko maintindihan kung ano. Binaba niya ang ginagamit niyang ballpen saka tumayo at nagsimulang maglakad patungo saakin.

Biglang lumakas ang pintig ng puso ko na para bang nagkakarerahan. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya habang naglalakad, ni hindi ko maintindihan kung ano ang nasa isip niya.

Grabe, anlakas ng dating nito na kada lakad niya'y parang lumuluhod mga tala. Teka, nakalimutan niya na bah? Bigla akong napatayo ng marealize ko na nagmamaang-maangan ito.

"Huwag kang magmaang-maangan, Alam kong ikaw 'yun-"

"I was not denying anything," Putol ni Mathew sa mga sinabi ko ng makalapit na siya sa harapan ko. Nagulat ako nang biglang dumilim ang aura nito, "Bakit may iba pa bang gagawa nun?"

Pakiramdam ko tumigil ang paghinga ko, nanigas ang buong katawan ko. Naalala niya pa nga, akala ko kinalimutan niya na. At bakit parang siya pa ang may ganang magalit matapos niya akong halikan tapos hindi magpakita ng ilang araw, tinakbuhan niya nga ata ako eh. Tapos ngayon lang nagpakita.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Lakas loob kong tanong kahit na nag-aagaw hininga na ako sa lapit na meron siya saakin.

Bakit ba kasi sobrang gwapo nito? Iyong feeling na kaharap ko ata isang Greek god eh, ang buhok nitong natural na ogranized messi hair style, sobrang bagay tignan sa mapupungay nitong mga mata. Rosy lips niya na... masarap humalik... agh! Damn, Laica! Magtino ka nga, kahit ngayon lang!

Mas lumapit pa ito nang husto rason para mapaatras ako pero nakaharang ang upuan sa likod ko. Biglang hinawi ni Mathew ang buhok ko na dumapo na rin sa pisngi ko saka inayos niya pero parang may tinignan lamang ito sa bandang leeg ko. Ang aksyon na ginawa niya mas nagpabilis lang sa pintig ng puso ko na anytime parang lalabas na sa dibdib ko. Gosh, ano bang ginagawa niya saakin? Para bang ginagayuma niya ako.

Nag smirk ito, at bigla kong naalala iyon ang bandang leeg kung saan iniwanan niya ng marka. "Just claiming what's mine." Sambit nito.

Bigla kong hinawi ng malakas ang kamay niyang nasa bandang leeg ko pa at sinabing, "I'm not yours,"

Bakit niya ba palagi sinasabing kaniya ako? Lahat ba ng mga nag-aaral dito eh pagmamay-ari niya na? Ako lang ang pagmamay-ari ng sarili, wala ng iba.

Pero ng sinabi ko 'yon bigla na lamang nagbago ang kulay ng mga mata nito, from hazel eyes para bang umitim ito... teka pwede ba 'yon? Oh baka nagha-hallucinate na naman ako?

"You're mine Laica, then why did you responded to my kiss? Don't tell me you just responded to anyone who kisses you." Matalim niyang sambit, ni hindi ko alam kung galit ba ito saakin o galit ito sa mundo, para bang malalim ang pinaghuhugutan niya.

Seryoso ba ito? Ano bang nararamdaman niya saakin? Ano naman kung may iba akong nakahalikan? At isa pa, siya lang naman ang nakahalikan ko eh.

Bakit ko nga ba siya hinalikan? Bakit ako tumugon sa halik niya? Pakiramdam ko kasi nung time na 'yon, nalunod ako, nawala ako sa sarili... nakakaadik ang halik niya na para bang matagal ko nang hinahanap.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot, para kasing hinihintay pa nito ang sagot ko.

Kaya naman tinulak ko na lamang siya at nung makabuo ng kaunting distansya, hinablot ko agad ang bag ko at aalis na sana nang hawakan niya ang braso ko. "Tell me, Laica." Saad ni Mathew na para bang humihingi ng sagot, at sa tono niya hindi niya ako titigilan hanggat hindi nya nakukuha ang sagot na hinahanap niya.

Tinignan ko siya mata sa mata kahit na parang nagpepyesta ang mga sistema ko sa loob ng katawan, "You stole my first kiss." Sagot ko atsaka hinablot ang kamay kong hawak niya pa.

Hindi na siya nakapagsalita at binitiwan na rin ako, mabilis naman akong umalis sa loob ng Detention Room kahit na ayaw ko pa siyang iwan. Kahit na miss na miss na siya ng katawan ko.

Hindi ko lang kasi talaga kaya, baka hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko at may magawa akong hindi maganda sa kaniya.

Nang makalabas na ako sa Detention Room sabay humugot ako nang malalim na hininga. Grabe, para bang pinigilan kong huminga ng isang araw. Iba talaga ang dating ng presensya niya saakin, hindi ko makayanan ang tumagal pa kasama siya, sa totoo lang, dumapo sa isip ko kanina ang hagkan siya nang mahigpit. Sobrang na miss ko siya sa mga araw na wala siya, na para bang gusto kong sabihin na huwag na siyang umalis na manatili na lang siya sa tabi ko.

Hinawakan ko ang dibdib ko, sobrang lakas parin ng pintig nito. Ano ba talaga itong nararamdaman ko? Napapaiyak na naman ako sa hindi ko malamang dahilan. Tuwing piniligilan ko ang sarili ko pagdating kay Mathew, mas nasasaktan ako lalo.

Gusto ko itong ilabas, gusto ko siyang mahalin, gusto kong ipakita sa kaniya na mahal ko siya pero hindi ako ito eh. Hindi ako isa sa mga babaeng itatapon ang sarili para lang sa lalaki. Bakit ganito na lang ang epekto niya saakin?

Bumuntong hininga ako sabay pahid sa luha kong tumulo, hindi ko na talaga kilala ang sarili ko. Para bang unti-unting lumalabas ang mga nakabaon dito sa puso ko.

Agh! Ano bang iniisip mo Laica? Umalis na lamang ako sa lugar at naglakad-lakad. Kailangan ko munang magpahangin. Pakiramdam ko kasi naubusan ako ng hangin kanina.

Gusto ko rin mag-isip-isip, marami na kasing kababalaghan ang nangyayari saakin at kailangan ko ng panahon para sa sarili ko.

Hindi ko na alam kung saan ako napadpad, basta sa bandang likuran ng school na maraming mga puno.

***** viona99 *****

Another Chapter, I hope you like it! 🥰 Enjoy!

For more updates, please like and follow my Facebook Page: Author Viona99

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon