Nang makarating kami malapit sa railings kung saan tanaw ang gate ng 3ks mula rito sa second floor, nakita ko kaagad ang dalawang sasakyan na papasok, ang Blue Ferrari and Maroon Bugatti.
Hindi ko maintindihan kung bakit, but I suddenly felt so disappointed na para bang nanlumo ako. Iniisip ko bang darating siya? Parang ganun na nga, hays. Agh! Mali ito, hindi ko dapat ito maramdaman.
"Mukhang wala 'yong my love mo couz' pero andyan si baby Luke ko. Kyaaa!" Pagsisigaw ni Irica sa kilig.
Nang magsimulang lumabas ng sasakyan ang miyembro ng 3ks, biglang nagpop-up sa isipan ko ang sinabi ni Mathew,
"I don't wanna ever see you... kneeling for anyone else."
Kung tama nga ako nang nadinig... bago pa man sila magsiluhod at yumuko upang magbigay galang, hindi ko alam pero kusang tumalikod ang katawan ko at nagsimulang maglakad pabalik sa classroom, habang iniwan si Irica na wala sa sarili dahil sobrang tuwa ng masilayan si Luke. Teka, wala naman dito si Mathew ah? Wala siyang makikita kung ano man ang gagawin ko at wala siyang pakialam sa mga possible kong gawin.
But on the other hand, tinatamad ako... tinatamad akong makipagsalamuha sa iba, gusto ko munang mapag-isa. Bakit hindi siya dumating? Siguro nagising siya sa katotohanan kung bakit niya iyon ginawa... kung bakit niya ako hinalikan, siguro nandiri siya kaya ayaw niyang pumasok at magpakita. Maybe... maybe I am overthinking, but those are the possibilities.
I sigh as I looked at the window watching the scenery outside. Hinawakan ko ang lips ko, ang halik na 'yon... iyon ang first kiss ko pero parang balewala lang sa kaniya.
"No one would dare to steal my property... remember, you're only mine."
Bakit niya ba sinabi ang mga kataga na iyon? Anong ibig niyang sabihin doon? Ano gusto niya iparating?
I sighed... ano ba ang tingin niya sa akin? Na isang laruan na kapag matapos gamitin pwede ng iwan na lang? Hindi niya dapat ginawa iyon... masakit lang sa akin kasi parang pinaasa niya ako. Eh bakit ba kasi umasa ako, halata namang impossibleng mamahalin ako ng taong 'yon. Antaas kaya niya.
Isang panaginip nalang sa akin na once upon a time, a King kissed me on the lips. Oh damn, hindi ko siya kayang alisin sa isipan ko.
- Irica's POV -
Saan na ba si Laica? Andito lang iyon kanina eh, iniwan na lang ako. Hays bahala na nga.
"Luke! Baby!" Patuloy kong pagsigaw habang papasok sila sa entrance building.
Bumuntong hininga na lamang ako nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Marami na akong ginawa para sa kaniya pero no effect eh, hirap din makalapit. Ewan ko ba, pero pakiramdam ko... deep inside my heart na kami ang itinadhana para sa isa't-isa.
Hindi ako magiging ganito ka baliw sa isang lalaki ng walang malalim na dahilan... napabuntong hininga ulit ako habang inaalala ang mga nangyari noong unang araw na nakilala ko si Luke Walter.
Flashback
"Mommy! Daddy!" Tawag ko sa kalagitnaan ng kagubatan pero wala akong makita ni anino nila.
Labing dalawang taon ako noon nang pinasok ang bahay namin ng mga itim na nilalang. Dinala nila ang mga magulang ko patungo sa madilim na gubat, nailigtas ako ni mommy dahil sa binigyan niya ako ng proteksyon upang hindi makita ng mga itim na nilalang. Ngunit, hindi ko kayang mawala sila kaya naman sinugod ko ang madilim na kagubatan.
"Mommy!" Iyak ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung saan ako tutungo ang tanging nasa isip ko lamang ay ang makita ang mga magulang ko.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...