Kabanata 24 : Locker Room

64 5 0
                                    

- Irica's POV -

Kakatapos lang nang ikatlong class ko at napag-isipan kong pumunta muna sa locker room para magbihis ng PE uniform. Medyo malagkit na rin ang damit ko eh, maghapon ko ba namang suot. Isa pa, Physical Education ang last subject ko ngayong araw.

Kumusta na kaya si Laica? Hindi mapinta ang mukha niya kanina noong malamang hindi dumating si King Mathew.

Nagkakagulo raw ngayon sa West Territory. Nagiging aggresibo ang mga itim na nilalang, hindi ko alam kung ano ang dahilan ngunit mukhang may kinalaman ang kakaibang aura na naramdaman ko kahapon.

Balita ko'y sumugod si King Mathew doon, pero nakakapagtaka kung bakit nandito si Luke ko at si Rio, usually... they always go together lalo na kapag labanan ang pinag-uusapan.

Isa pa, isa sa responsibilidad ng dalawang Duke bilang kanang kamay ng Hari ay ang proteksyonan ito. Sa mundo ng mga immortals, kilala si Luke at Rio bilang mga Duke o kataas-taasan kasunod ng Hari. Royal blood flows on their veins... kaya may mga kakaibang kapangyarihang taglay ang mga ito. Maliban sa Malalakas, mabilis at makisig, sila'y may mga taglay na biyayang kapangyarihan.

Rio could control anything he sees, kahit na anong bagay... he could even make himself float. King Mathew had acquired the power of a fireball at bali-balita ring may taglay pa siyang kapangyarihan na tanging ang namayapang Reyna lang ang nakakaalam.

Si baby Luke ko nama'y taglay ang kapangyarihan ng Hypnotismo. Kaya niyang kontrolin o mapasunod ang kahit na sino sa oras na tumingin ito sa mga mata niya. Iniisip ko pa lang mas lalo akong napapabilib sa kaniya... mas lalo lang nahuhulog ang loob ko.

Nang makarating ako sa locker room ng mga girls. Hhmm, mukhang ako lang ata mag-isa dito ah, kaya isinara ko ang pinto at nilock ito. Habang patungo sa kung saan naroroon ang locker ko, tinitignan ko ang bawat sulok kung may tao. Wala naman, kaya napangiti ako.

Nang makarating ako sa harap ng locker ko ay agad ko itong binuksan at nakita ko naman ang PE Uniform ko. Nakakatamad pumunta pa sa restroom para magbihis, kaya dito na lang ako magbibihis.

Tinanggal ko na ang uniporme ko hanggang sa undergarments ko na lang ang natitira, isusuot ko na sana ang PE Tshirt ko nang may biglang narinig ako na kaluskos mula sa bintana.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Puno nang kaba, damn it. Unti-unti kong iniikot ang paningin ko at nang makita ko ang bintana ay agad namula ang mga pisngi ko.

Nakikita ko si... Luke na dumadaan sa bintana papasok sa loob. Likod pa lang nito'y alam ko nang siya si Luke Walter. Nakatulala akong wala sa sarili habang hawak ang PE Tshirt.

Nang humarap ito ay nagtama ang aming mga mata, may bahid itong pagkagulat at pakiramdam ko'y may sarili kaming mundo. Sandali pa nang marealize ko ang lahat, I immediately covered my body using the white PE T-shirt at sisigaw na sana nang sa isang iglap ay nasa harapan ko na ito as he quickly covered my mouth using his hand para hindi ako makasigaw.

"Sshh, they will hear you." Sambit nito na may pangamba.

Mabilis ko namang hinawi ang kamay nito kahit na sobrang bilis nang pintig ng puso ko dahil sa sobrang lapit niya.

I shook may head, inaamin ko, kinikilig ako na naiihi sa kilig. Pero gosh, nahihiya ako sa sitwasyon namin ngayon. I'm only wearing my undergarments, covered by my T-shirt, at damn hell, kitang-kita ang legs ko!

"Bakit ka ba nandito?" I asked irritatingly, this is not what I have imagined our meeting to be.

"Bakit ba dito ka nagbibihis? As far as I know this is a locker, a public place." He said as he looked at me up and down.

I felt my cheeks reddened up, sa sobrang kahihiyan at dinagdagan ng galit, pakiramdam ko ay umakyat sa ulo ko lahat. Hindi ko namalayang sinampal ko na siya. "Pervert! Hindi ka ba tatalikod!?"

Hinawakan niya ang pisngi niyang sinampal ko at tumalikod rin, "Feisty." He murmured and I could feel him grinning, I could even feel myself blushing.

Ang cute niya at napakatahimik, nakalimutan kong ganito pala siya, gwapo pero medyo bastos. Agh!

Dali-dali ko namang sinuot ang PE T-shirt ko at jogging pants with a fast beating heart.

Nang matapos akong magbihis ay hinarap ko na siya, "Sa susunod, 'wag kang papasok sa isang room lalo na't pagmamay-ari ng babae."

Sambit ko sa kaniya dahilan upang humarap siya, mabuti na lang at ako lang ang nandito sa Locker, kung may ibang nakakita sa kaniya, naku ewan ko na lang.

"Bakit naman kita susundin?" Mapaglarong sambit nito.

I pressed my lips as I took a harsh breath then I took steps closer to him. He was shocked by my actions as he took steps back wearing confusion in his face. "What are you doing?" He asked but I ignored him until he can't back off anymore as his back touches the other shelves of locker.

I grabbed his collar and leaned on him, "Susundin mo ako... kung ayaw mo nang gulo."

Ayaw kong makipag-away, lalo na sa mga babaeng baliw sa kaniya. I am willing to fight for him, kahit walang kami... kahit na may pagkasuplado at nakakairita. For me, it just added to his handsomeness.

I let go of him and stepped back, nang patungo na sana ako sa pintuan bigla akong nakarinig nang malakas na katok sa pinto.

Napatigil ako at tumingin kay Luke, "A-ano 'yon?"

Hindi normal ang mga pagkatok, malakas ito at medyo mabilis na pawang may halong excitement... ngunit bigla na lamang may sumigaw "Luke! Luke I know you're in there!"

Sa tono pa lang nito mukhang alam ko na kung bakit siya nandito, tumakas na naman ito sa mga tagahanga niya.

Napabuntong hininga na lamang ako nang kumibit balikat si Luke as he lean on the locker shelves in a cool like manner na pawang walang nangyayari. He is so cool and I could compliment him all day long but damn it! Nasa kalagitnaan ako ng problema! Lalo na nang mas dumami pa ang mga tao sa labas.

"Good thing you locked the door." Narinig kong Sambit nito pero hindi ko na siya pinansin.

"Oh damn, paano ba 'to, may klase pa ako." Sambit ko sa sarili.

Strikto kasi masyado iyong PE teacher ko, terror na sa terror 'yon. Lagot ako.

Kung bubuksan ko ang pinto, mas malaking problema. Pagtutumpukan nila si Luke at hindi ko hahayaang mangyari 'yon.

Biglang may idea na pumasok sa isipan ko, sabay tingin ko kay Luke. Napansin nitong nakatingin ako sa kaniya kaya kumunot ang noo nito, "What are you looking at?"

Napangisi ako.

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon