"What are you looking at?" Tanong nito na may pangamba.
Ngumisi ako at lumapit sa kaniya, "Balita ko... marunong ka raw maghypnotize." Sambit ko rito.
"And?" He sighed as he realized what I wanted to happen, "No. I'm tired." He said as he stood straight and went to the corner. He sits onto the floor with his one knee bent.
Pumunta ako sa harapan niya, despite his handsomeness. Ininda ko ang mga nagwawalang kabute sa loob ng tiyan ko pati narin ang mga nagkakarerahang kabayo sa puso ko. Ayaw kong mapahiya sa PE class ko huhu, ayaw kong mapagalitan ng terror na teacher na yun. Lumuhod ako sa harapan ni Luke para magkalevel kami. Damn, ang gwapo niya talaga, malapit ko ng makalimutan ang plano ko.
Tinignan niya lang ako ng may halong pagtataka, habang nagpout naman ako. "Please... just hypnotized them, sabihin mo sa kanilang umalis o bumalik sa classrooms nila. Kailangan ko talagang maka-attend nang PE class." Pagmamakaawa ko pero parang wala siyang narinig dahil isinara lang nito ang mapupungay at kulay asul niyang mga mata. Ah, bakit ba kahit saang parte sa kanya pakiramdam ko ang gwapo-gwapo niya? Hays.
Kahit ngayon inis na inis na ako, d ko parin mapigilang hangaan siya.
"Agh! Ba't ba hindi ka madala sa pakiusap. Kainis naman oh, bakit ngayon pa kasi!" Pagmamaktol ko at tumayo saka humarap sa kumakalabog na pinto.
Sa totoo niyan, natetempt na talaga akong buksan ang pinto pero iniisip ko palang na lingkisan si Luke ng maraming mga babae... shit, umiinit na agad ang ulo ko.
Hindi ko mapigilang sabunutan ang sarili ko at bumuntong hininga na lamang habang nag-iisip. Samantalang ang gwapong nilalang na kasama ko dito, sarap na sarap sa pagtulog na parang walang problema.
Bigla namang sumulpot sa isipan ko si Prof. Gardo, teacher namin sa PE. Baka mamaya patakbuhin niya ako sa track ng ilang laps. Lagot ako!
"Lukeeee!" Mangiyak-iyak akong lumapit ulit sa kaniya at lumuhod akong hinarap siya.
There, he opened his beautiful crystal blue eyes under his eyeglasses, siya lang talaga ang nagtataglay ng ganito ka gandang mga mata. Damn, ang gwapo niya talaga, parang slow motion lang ang lahat. "What?" Irita niyang tanong.
My tears were about to fall, pero syempre, acting lang ano. Magaling kaya akong umakting.
Hinawakan ko ang kamay niya at inalog-alog ito, kahit na ramdam ko ang kakaibang pakiramdam nung magtama ang mga balat namin... binalewala ko na lamang ito para matuloy ko ang plano ko. "Ihypnotize mo na kasi sila, kailangan ko talagang pumasok sa class. Magagalit teacher ko eh." Pagpipilit ko na parang bata habang pinipilit kong tumulo ang mga luha ko.
Tinitigan niya ako ng seryoso, hindi ko alam kong ano ang iniisip nito pero patuloy kong inaalog ang kamay niya na parang bata. Tinignan niya ang kamay niyang inaalog ko at saka inis na tumayo.
"Kung binuksan mo na lang kaya ang pinto at umalis." Sambit nito at sumandal na lamang sa wall.
"Ayaw ko nga!" Mabilis kong sagot habang tumatayo, agad naman siyang napatingin sa akin. Nung marealize ko ang sinabi ko, kinagat ko ang ang ibabang labi ko at nag-isip ng rason. "M-mamaya madamay pa ako sa kagagawan mo." Rason ko.
Pero sandali pa ay may biglang nabago sa mga mata nito, ang simpleng walang emosyon ay napalitan ng... lungkot? Nah, namalikmata lang siguro ako, naging cold na naman ang mga mata nito, as usual.
He sighed, at naglakad patungo sa pintuan. Sa way nang paglalakad niya mukhang wala siya sa mood. Grabe, nakalimutan kong bipolar pala ito, sa pagkaka-alam ko wala naman akong sinabing masama.
Sumunod na lamang ako malapit sa likuran nito, syempre ayaw kong may makalapit na ibang babae. Kung sakaling may magtangka, mabilis akong makaharang. Tch, akin lang si Luke noh. Sadyang, nagmamadali lang talaga ako ngayon kahit baliw na baliw akong makasama siya.
"Luke! Come out, please! Luke!" Mga tawag na naririnig ko sa labas habang kumakalabog ang mga pinto.
Nang bubuksan niya na ang pinto ay nagready na ako. Tamang-tama naman ng nabuksan ang pinto saka siya nagsalita. "Stop." Malamig ang tono nito that sent chills down my spine at nagpatigil sa mga nababaliwang mga babae.
I couldn't blame them, baliw din ako kay Luke at inaamin ko yan. Pero ang boses niya, ang lamig talaga, nakakatakot. On the other hand, I have already accepted him no matter who he is, what he is and what he can do. Kaya kailangan kong masanay sa kasungitan niya.
He looked at every girl in front na naestatwa sa kaniya. At dahil nandito ako sa likod, hindi ko makikita ang hypnotismo niyang mga mata. "Go back to your rooms, now." He ordered, at walang ano-ano'y nagsibalikan ang mga babae at mga baklang nandito sa harap ng locker room ng mga babae.
Ako naman ay napangiti habang hindi maalis ang tingin kay Luke kahit na nakatalikod ito sa akin. Pumunta naman ako sa gilid niya habang nakangiting tinititigan siya.
"Makaka-alis ka na." Sambit nitong hindi man lang tumingin sa akin.
But then, before ako umalis, hindi ko mapigilang magpabaon. Nagtip-toe ako at hinalikan siya sa pisngi na ikinagulat niya. Peck lang naman, hindi naman siguro masama at mabilis na tumakbo ng nakangiti.
Shit, nakascore ako! Kyaa!
Umpisa pa lang yan baby, sa susunod kapag wala akong terror teacher... malala pa dyan aabutin mo. Napatawa na lamang ako sa isip ko.
Nang makarating ako sa classroom tamang-tama lamang na mag-uumpisa palang sila. Phew, malapit na yun ah.
Still, hindi ko mapigilang ngumiti sa nangyari. Siguro araw-arawin ko na sa locker room. Biro lang naman. Teka, paano kaya napadpad iyon sa locker room ng mga girls?
Ano ka ba Irica, malamang para magtago sa mga babaeng baliw sa kaniya. Okay, baliw nga rin pala ako sa kaniya, mabuti't naka score.
Deserve ko naman ano. Simula nang tumapak ako sa school na ito, kahit kailan hindi pa iyon tumingin sa akin. Kanina lang nga ata.
Well, that's a good start. I smirked.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...