19 Years Later,
"Good morning people, good morning world!" Masigla kong bati nang makarating sa bahay.
Kagagaling ko lang kasi sa paaralan at nakakapagod nga naman pero enjoy syempre lalo na't nandoon si kwas hihi, andoon din ang bestfriend ko na napakakulit.
"Laica! Good you're here." Mom exclaimed at agad akong niyakap.
Niyakap ko siya pabalik, "Miss you mom, where's dad?" I asked pulling out of the hug.
"Ah, nandoon sa loob. Inaayos iyong nasirang tubo, tumagos yung tubig eh." Saad ni mommy.
I sighed "Si daddy talaga, pwede naman syang magpatulong kay Mang Bert."
"Kilala mo naman ang daddy mo, mas pipiliin nun ang magtrabaho kung wala siyang ibang ginagawa." Sambit ni mommy at sabay kaming pumunta patungong sala.
Kung titignan may kaya naman kami, at pwede namang humingi ng tulong si daddy sa mga kasambahay pero mas pinipili niyang siya mismo ang gumawa ng mga gawaing bahay tuwing hindi siya busy, workaholic kasi si daddy kaya love na love ko yun eh.
"Sweetie!" Sigaw ni daddy nang makita ako.
"Daddy!" I ran and hugged him, he hugged me tightly.
"How's your day?" Malumanay niyang tanong.
"Okay na okay daddy!" Masaya kong sambit.
"Hhmm, so... may boyfriend ka na ba?" Pabirong tanong ni daddy, hindi ko alam kung bakit pero parang may bahid ng pagkaseryoso ang mga salita niya.
"Wala po." Mabilis kong sagot, in my 19 years of existence never pa talaga ako nagkaboyfriend.
Well, I am Laica Baltar, mailap sa mga lalaki pero may mga crushes hihi.
Namutawi naman ang ngiti sa kanilang mga labi "Pero may crush po ako." Kinikilig kong saad. Hindi ko alam kung bakit hanggang crush lang talaga ako, hindi ko pa kasi naramdaman ang salitang, pagmamahal, maliban sa pamilya, para kasing may hinahanap ang puso ko, iyong tamang tao. Ewan.
Agad namang nawala ang ngiti sa kanilang mga labi na ikinataka ko. "Bakit po?" Tanong ko.
"Laica, I'm sorry to say this pero... kailangan na nating lumipat." Malumanay na saad ni Mommy.
"L-lipat? Saan naman at bakit po?" Tanong ko na may bahid nang lungkot.
"Sa lugar na pinanggalingan natin. Doon kami lumaki ng Mommy mo, ayaw mo ba?" Tanong ni Daddy.
"Hindi naman po sa ganoon dad pero... kailangan ko rin po bang lumipat ng School?" Malungkot kong tanong, ayaw ko kasing iwan ang mga kaibigan ko lalo na ang bestfriend ko... okay isali na rin pati si crush hehe.
"You have to Laica. We already processed all your papers for transfer." Saad ni mommy.
"Don't worry you will meet new friends there or... you might meet your future boyfriend." Ngumisi si Daddy nang nakakaloko.
"Dad naman eh, kontento na ako sa inyo noh, hindi ko kailangan ng boyfriend." Depensa ko.
"Hindi natin kontrolado ang puso Laica, kapag tumibok, hindi mo na mapipigilan." Sambit naman ni Mommy, aba! Sinakyan pa ang biro ni Daddy.
I sighed "Eh mapipigilan ko pa po ba kayo sa paglipat? Naprocess niyo na po ang mga papers ko so, be it." Ngumiti ako nang mapakla.
Tinitigan ko sila mommy at daddy na nakangiting nakatingin din sa akin, kahit may katandaan na sila halata parin ang kagandahan at kagwapuhang taglay ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasía"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...