Patuloy pa rin sa pagdidiscuss ang guro for my last subject pero heto ako ngayon, nakatingin sa bintana. Iniisip ko ang mga pangyayari kanina, ganoon ba talaga ka respetado ang King na iyon dito sa school? Lahat ay lumuhod sa kaniya.
Kunsabagay, siya ang may ari ng school at sa simpleng pagkakamali lang kaya niyang magpatalsik ng kahit na sino.
Pero... tuwing naaalala ko siya I could feel tingles around my system. Napapa-english tuloy ako. Hays, ano bang nangyayari sa akin? Ngayon ko lang ito naramdaman.
I shook my head, nope, hindi pwede to. Laica! Sa dinami-raming lalaki diyan ba't doon pa? Sa lalaking kay taas pa ng Big Dipper, ang hirap abutin nun, sabi pa nga ni Irica mailap daw sa babae.
"Uyy, iniisip mo si King noh." Bulong ni Irica sabay ngisi.
Since same class lang naman kami for the last subject, eh tabi na kami ng upuan, wala namang say ang teacher.
"King? No way, bakit ko naman siya iisipin." Depensa ko.
"Nanlulumo mukha mo eh." Saad nito sabay tawa nang mahina.
"Tch." Tumingin na lamang ulit ako sa bintana.
"Pero aminin, na starstruck ka kanina sa kagwapuhan niya noh." Suron nito sabay sundot sa tagiliran ko.
Umiwas naman ako at umusog unti sa gilid "Tumigil ka na nga Irica. Makinig ka na lang kay teacher may matutunan ka pa."
"Sus, makapagsalita 'to parang nakikinig eh. Hayaan mo Laica, gagawa tayo nang paraan mapalapit sa 3ks." Ngiting sambit ni Irica.
Parang hindi ko gusto ang mga ngiti nito ah. I sighed at hinayaan na lang siya. Kung ano man ang pinaplano nito labas na ako doon.
*Kring!*
"Class dismissed." Saad ng guro at umalis.
"Kainan na!" Maligayang sigaw ni Irica, napatawa na lamang ako sa asal nito.
"Tara!" I cheered at lumabas na kami ng classroom patungong Cafeteria.
While on the way, hindi parin matigil si Irica sa kakasalita tungkol sa 3ks.
"Sabi sa rumors, may office raw dito ang 3ks, doon daw sila tumatambay pero inikot na namin ang buong school wala kaming nahanap na office ng 3ks. Kaya hanggang ngayon, their office remains a mystery." Kwento nito.
Napataka naman ako "Paano naman nalaman na may office ang 3ks dito if it remains a mystery? Wala bang nakakita?"
"Uyy, interisado siya oh." Napatawa ito "Don't worry couz, kapag makita ko sasabihin ko kaagad sa'yo. Wala pa raw nakakita eh. Ang sabi kasi hindi raw lumalabas ang 3ks sa school hangga't hindi pa off, pero hindi naman sila mahagilap, so saan sila tumatambay? Edi sa Secret Hideout, office na rin yun." Saad nito.
"Magkaiba 'yon ano." Depensa ko.
"Ah basta, pareho 'yon." Pagpipilit naman nito.
I sighed "Oo na lang." Sabay tawa.
Nang makarating kami sa Cafeteria, nakakapagtaka naman, iilan lang ang mga estudyanteng kumakain, karamihan eh mga lalaki.
"Sigurado akong hinahunting naman nila ang 3ks. Tuwing papasok kasi sila, especially si King, asahan mo iilan lang ang nandito sa Cafeteria, hindi kasi kumakain dito and 3ks kaya naghahanap ang halos karamihan ng mga estudyante. Ang usap-usapan eh sa Secret Hideout lang sila." Usal ni Irica habang patungo kami sa counter.
Tumango na lamang ako.
Nang matapos namin makuha lahat ng inorder ay pupunta na sana kami sa table sa may bandang dulo, suddenly the door opened and when we turned around habang buhat ang tray na may pagkain. Lahat ng mga estudyante ay nagsitayuan, gulat na gulat sa iniluwa ng pinto.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantastik"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...