Kabanata 8 : Cousin

124 48 1
                                    

Laica's POV

Paggising ko, ramdam ko ang himbing at sarap nang tulog kahit na pakiramdam ko ay may kasama ako rito sa loob ng kwarto buong magdamag, pero baka guni-guni ko lang.

Tumayo na ako at nag-inat, pagkaraay binuksan ko ang bintana at agad bumungad sa akin ang kay liwanag na araw at mga kakahuyan. Napangiti ako, bukid na pala ang kasunod ng bahay, para nga kaming naninirahan sa isang sitio, ngunit nangunot ang nuo ko nang makita ang isang napakalaking bahay... hindi ito bahay... para itong isang palasyo.

Malayo ito kung titignan, kailangan pang malagpasan ang iilang bukirin ngunit dahil sa mataas ito, pati na rin ang kinalalagyan nito ay kitang-kita mula sa kinatatayuan ko ngayon.

Para bang nag-iisa lamang ito sa bukid, malay ko bang baka may mga bahay pa sa tabi niyan hindi ko lang nakikita. Palasyo ba talaga 'yan? Kamukha kasi ito ng mga nakikita ko sa Princesses Movies.

Namangha ako, baka may nakatirang hari at reyna sa palasyo na 'yan o baka nama'y Prinsipe, kinilig naman ako habang iniisip ang isang gwapong prinsipe.

I sighed at napatingin na lamang sa baba gayunding napanganga ako sa nakita, "Wow! Mga bulaklak!"

Iba't-ibang uri ng mga bulaklak ang nakatanim sa bakuran. May mga tulips, daffodils, hyacinth, crocus, flox, goldenrod at iba pa. Ang maganda pa ay nakabracket ang mga ito, para akong nasa dream house!

"Laica! Kain na!" Tawag ni Mommy.

"Coming!" Tugon ko rito habang manghang nakatingin parin sa mga naggagandahang bulaklak.

*****

Habang kumakain kami ng breakfast ay hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kagabi. Naguguluhan ako... pakiramdam ko kasi ay para bang may kasama ako sa kwarto buong magdamag.

Nang magising ako madaling araw ay nasilayan ko ang pigura ng isang lalaki. Pero baka nga namalikmata lang ako dahil bigla na lamang itong naglaho, ni hindi ko man lang nakita ang mukha kundi ang likod lamang nito.

"Dad, pumunta po ba kayo sa room ko kagabi?" Tanong ko kay Daddy.

Agad namang nagtitigan sina mommy at daddy na para bang nag-uusap ang kanilang mga mata.

"W-wala anak, bakit mo natanong?" Tanong ni daddy.

"Para kasing may nakita akong lalaki kagabi sa kwarto, pero baka namalikmata lang ako." I shrugged.

"Baka nga namalikmata ka lang anak, lalo na't napakaraming nangyari kahapon sa byahe." Sambit ni mommy.

Oo nga naman, nang dahil sa mga nakita ko kahapon habang nagbabyahe kami baka nadala ko rito ang mga palaisipan, that's why I've become delusional yesterday night.

I nodded in understanding. "Baka nga." At ipinagpatuloy ang pagkain.

Ilang sandali pa'y napatigil ang lahat sa biglaang pagbukas ng pinto.

"Tita! Tito!" Sigaw ng isang babae na dinig sa buong bahay.

Biglang napaubo si Mommy nang makita ang nasa pinto, uminom ito ng tubig at dali-daling tumayo.

"Irica!" Mom exclaimed with open arms.

Tumayo na rin si Daddy na may ngiti sa mga labi. Lumingon ako para tignan kung sino ang babaeng pumasok sa bahay.

Isang napakagandang dilag ang aking nakita, maputi ito at makinis ang balat, chestnut ang kulay ng buhok, dark green naman ang mga mata... para siyang isang anghel.

Tumakbo ang babae patungo kay Mommy at hinagkan ito.

"Kumusta ka na Irica? Halika't kumain ka muna rito." Yaya ni Daddy sabay inom ng tubig, tapos na rin siyang kumain.

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon