Kabanata 13 : Schedule

85 27 1
                                    

Nakikita ko ang isang matangkad na lalaki, moreno ito at hindi maikakaila ang kagwapohan, pero ang nakapagpatigil sa akin ay pamilyar ang mukha nito.

Saan ko nga ba ito nakita?

Luminga-linga ito sa paligid habang ang mga kababaihan ay busy naman kakapicture sa kaniya, may pasigaw pa ang ilan.

Sandali pa'y nagtama ang aming paningin, pero panandalian lang. Napansin kong ngumiti ito saka naglakad patungong counter. Maraming mga babaeng lumapit sa kaniya pero binigyan niya lamang ito nang ngiti atsaka nilagpasan, tuwang-tuwa naman ang mga babae.

Halos lahat ng mga kalalakihan nama'y sumaludo sa kaniya.

"He's Rio Mondragon, may-ari ng Mondragon Enterprise, marami itong branches sa iba't-ibang lugar. Kaya napaka-influential ng tao na 'yan ngunit mag-ingat ka because despite of his sweet look, napakababaero niya. Marami na 'yang pina-iyak na mga babae pero hanggang ngayon ay wala paring sineryoso." Sambit ni Irica.

Kung titignan tinitingala nga siya ng lahat, paano na lang kaya kung nandito pa ang dalawa niyang kasama.

Halos lahat ng mga mata ay nasa kaniya parin hanggang sa pakikipag-usap nito sa isang babae sa counter.

Ang ibang mga babae naman ay napakasama kung tumingin sa babaeng kinakausap nito.

I sighed, at hinarap na lamang ang mga pagkain sa table saka nag-umpisa na akong kainin ang spaghetti na binili ni Irica. Dalawa naman ang plates so I'm sure akin ang isa.

Familiar talaga 'yong lalaki, hanggang ngayon iniisip ko kung saan ko siya nakita.

Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng maingay na mga bulungan, tumingala naman ako at nakita ang lalaking naglalakad patungo sa pinto, aalis na ito.

"Good noon everyone, I have a good news." Narinig kong sabi sa speaker na dinig sa buong Cafeteria. "Rio Mondragon came and paid all the excess for today's meal. So, eat all you can today, it is for free."

Agad namang naghiyawan ang lahat ng mga estudyante dito sa Cafeteria. Wow, ang yaman nga.

"Omo! Nalibre tayo couz! Mabuti hindi pa ako nakapagbayad." Maligayang sambit ni Irica.

"Ganito ba talaga dito? Kapag papasok iyong Rio, libre na ang meal?" Tanong ko.

Kung ganun, sana araw-araw na lang siyang pumapasok para naman makapag-ipon ako.

"Iyon nga ikinagulat ko eh, kaytagal ko na dito sa school pero ngayon lang nanlibre si Rio sa lahat." Saad ni Irica. "Swerte natin ngayong araw, si Rio Mondragon pa ang nanlibre." Kinikilig niyang dagdag.

"Kahit wala siya, libre mo naman ako." Natatawa kong sambit.

------ ------ ------

Third Person's POV

Inip na tumayo ang hari saka hinarap ang mga empleyado. "The meeting is adjourned, you may go." Matapos niya itong sabihin ay agad siyang lumabas mula sa hall kung saan ginanap ang meeting ng mga matataas na empleyado ng kaniyang Kumpanya.

Nagkaroon kasi ng problema sa isang branch nito sa Cebu kaya naman mabilis niya itong inaksyonan.

He owns the biggest computer company worldwide kung saan marami ng branches at stalls ang napatayo sa iba't-ibang ibayo ng mundo. Gayun na lang ang inis nito nang magkaroon ng employees rants dahil sa masamang pamumuno ng manager dito. He needs to orient his people at pinatanggal niya lahat nang may mga hindi magagandang asal so they have to appoint new qualified employees.

Kahit na gusto niya nang makita ang asawa, kailangan niya munang asikasuhin ang lahat ng mga gusot sa kaniyang Kumpanya.

He sighed, mabuti na lang at natapos na rin. Mabilis itong tumungo sa sasakyan at pinaandar ito. Magdidilim na ang paligid siguradong nakauwi na ang kaniyang minamahal.

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon