Sinubukan kong habulin si Irica ngunit hindi ko na ito naabutan dahil bigla na lamang itong nawala sa paningin ko.
Woah! Ang bilis naman tumakbo nun.
Naglakad na lamang ako patungo sa lugar kung saan nagkakagulo ang mga estudyante, hindi pa naman ako nakakalapit nakita ko na si Irica na patungo sa direction ko habang nakanguso.
"Anong problema at mukhang disappointed ka yata?" Tanong ko sa kaniya nang makalapit ito.
"Wala si Baby Luke ko." Mangiyak-iyak nitong sabi.
"Eh bakit nagkakagulo doon?" Tanong ko ulit, para ngang famous celebrity ang dumating eh, pero mga estudyanteng nagtutumpukan lang ang makita ko, natabunan na siguro 'yung dumating sa sobrang dami.
Ngayon ko lang nakitang andami pa lang estudyante ng school na 'to, iyong mga naghihintay kanina ay mas dumami nang higit pa sa bilang na inaasahan ko.
"Si Rio lang kasi 'yong dumating eh, wala ang love of my life ko." Malungkot nitong sambit.
"Sinong Rio?" Naiinis na siguro ito sa dami kong tanong.
"Diba sabi ko sayo, 3Ks ibig sabihin tatlong kamahalan... si Rio, Baby Luke at ang lider nilang si King." Paliwanag nito.
"Ah ganoon ba, so... Principal's Office?" paninigurado ko rito baka mamaya'y tatakasan naman ulit ako.
"Yup!"
We headed again towards the Principals Office "I'm so sorry Earlier, I got so excited to see Luke. OMG! He's so damn handsome kung makita mo lang." Saad nito na kumikinang pa ang mga mata "Kahit man lang sana masilayan ko siya, gusto ko na talaga siyang makita, nagsasawa na ako sa mga pictures lang." Pagrereklamo pa nito.
"Diba sabi mo kapag may darating ni isa lang sa 3ks ay magpaparty ka?" Sambit ko rito, pinaalala ang mga salitang binitawan niya kanina.
Napatahimik ito "About that, nadisappoint akong hindi nagpakita si loveydabs ko eh but since dumating si Rio, libre na lang kita ng lunch?" She said wearing her puppy eyes.
Natawa naman ako "Sure!"
"Ilang weeks na ring walang pumasok ni isa man lang sa kanila kaya I was surprise na dumating si Rio, sana bukas si Baby Luke naman o 'di kaya'y si king!" Kinikilig nitong sambit.
Naku huwag naman sana si King eh baka hindi ako magustuhan at patalsikin ako rito sa school na 'to, nag-iisa pa naman ito dito sa bayan. Hindi nagtagal nakarating din kami sa Principal's Office, grabe napakahaba ng prusisyon nakarating din sa wakas!
"Go on." Sambit ni Irica "Maiwan na kita Laica, magsisimula na kasi ang klase ko maya-maya."
Ngumiti ako "Sige, maraming salamat Irica."
"Walang anuman, see you at lunch sa Cafeteria!" Sambit nito at umalis.
Huminga ako nang malalim saka hinarap ang pintuan ng Principal's Office.
Kumatok ako at nang may ikatlong beses "Pasok." Sambit nang babae sa matinis na boses sa loob.
Binuksan ko ang pinto at saka pumasok, I was surprise nang bumungad sa akin ang napakagandang babae, seems like on her 20s.
Don't tell me she's the School Principal?
Mula sa kaniyang sinusulat sa papel ay walang gana itong nagtaas ng ulo ngunit nang makita ako ay para itong nakakita ng multo sa gulat. "Jusmeyo! My Que-" Gulat na sambit nito ngunit pawang bigla itong napatigil ng marealize ang sinasabi.
"Po?" Tanong ko at agad na kinuha ang bag sa likuran ko sabay kuha ng small circular mirror sa bulsa nito. Tinitigan ko ang mukha sa salamin, okay naman ah, wala namang dumi.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...