Kabanata 21 : Gone

66 5 1
                                    

"Kyaa!-" Mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil hindi ko mapigilang humiyaw sa kilig tuwing naaalala ang mga nangyari.

Totoo bang, nakipaghalikan ako kay King, ay este Mathew Gargantilla!? Pero bakit ako? Dahil ba sa sinigawan ko siya? Did he kiss me for revenge?

Napakaraming tanong ang sumasagi sa isipan ko, was he serious? O baka ginawa niya lang iyon dahil trip niya akong asarin... o baka type ako? Char lang, ano namang magugustuhan nun sa akin eh andaming sexy at naggagandahang babae ang nagkakandarapa para sa kaniya.

Nang matapos kong mag take ng shower ay agad na akong nagbihis at hindi ko mapigilang humarap sa salamin, hindi pa rin nawawala ang hickey na ginawa ni Mathew pero napapangiti ako tuwing naalala ko ang nangyari kanina, this hickey I think will last for days.

I sighed, baka laro lang sa kaniya ang lahat, demonyong walang awa pa naman ang Mathew na 'yon. Sadyang, sumara ang isip ko dahil alam kong siya ang sinisigaw nitong puso ko, ngunit tuwing napapaisip akong hinahalikan niya ang bawat babaeng matipuhan niya... kumikirot ang dibdib ko. Napahawak ako sa lips ko, he's a good kisser at hindi ko iyon maikakaila. Hindi siya maging ganun ka eksperto sa paghalik kung wala siyang karanasan.

Malungkot akong humugot nang malalim na hininga at agad na pinatay ang switch ng ilaw saka dumiretso ng higaan.

Ngunit hindi ko mapigilang mapangiti ng mapakla tuwing naaalala ang nangyari kanina. Pinikit ko ang aking mga mata and let darkness consume my essence.

Mula sa hindi kalayuan, I could see a man standing in front of me as he smiles sweetly, ramdam ko ang labis na pagmamahal nito sa akin, gayun din ang nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya, my heart beats louder than it was. I could feel the comfort of the beautiful place and the bliss I felt facing him, pero... hindi ko maaninag ang mukha nito, ngunit alam ko sa sarili kong, siya ang taong mahal ko.

Lumapit ito hanggang sa isang hakbang na lamang ang pagitan namin, he holds my hand, pressing it "I'll be gone my love, take care of yourself. I'll be back for you." Sambit nito.

I smile as I nodded "Come back, okay?" I stated for assurance.

Tumango ito bilang tugon at lumapit pa sa akin, sabay hinalikan ako sa noo dahilan upang mapapikit ako habang dinadama ang labi nitong lumapat sa noo ko.

Pagdilat ko ng aking mga mata'y, wala na siya... at napakadilim na ng paligid. I looked around but the beauty of the place from earlier, disappeared and become smoky and covered with darkness.

I felt like the place is so familiar, where did I saw this? I could see a group of girls wearing black dress, habang buhat buhat ang mga duguang sako. Lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa kaba at takot na aking nararamdaman.

Then few men in black shirt was revealed, na may mga dalang itak. Sandali pa'y nagsisidatingan ang mga malalaking itim na aso, ni hindi ko magalaw ang mga paa ko, gusto kong tumakbo but I didn't find the courage to run. Biglang tumingin sa direction ko ang isang lalaking nakaitim atsaka ngumisi ito ng nakakatakot. There, sa lakas ng pintig ng puso ko na para bang luluwa sa sobrang lakas, I found myself running dahilan para mapansin din ako ng malalaking itim na aso at hinabol ako.

Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa mapatid ako sa sarili kong mga paa. Napaupo ako sa ground at hinarap sila, nakakatakot, para bang kahit na anong sandali lalapain ako ng mga aso.

Bigla na lamang akong napapikit when a big black dog lunged on me. "Aahh!"

"Aahh!" Napabalikwas ako ng bangon and I can feel the sweat on my body kaya naman binuksan ko ang drawer sa kalapit ng bed at hinugot ang isang face towel at agad ring ipinunas sa mukha ko.

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon