Kapanata 16 : Titig

80 13 0
                                    

Nang makaalis kami sa Cafeteria biglang nagsalita si Irica "Alam mo Laica, kaninang umaga akala ko namalikmata lang ako nang makita kong nakatitig sa'yo si King pero kanina lang... nakita ko mismong tinitigan ka eh." Mapagtakang sabi nito. "Strange... napakatagal ko na rito pero hindi ko pa 'yon nakitang nangyari."

"Siguro kasi kaninang umaga ako lang mag-isang nakatayo lahat nakaluhod, baka nga nagalit 'yun eh. Sa Cafeteria naman eh nakaharang tayo sa daraanan nila." Pagdepensa ko rito, ayaw kong mag-assume, masakit 'yon lalo na't napakaraming magagandang babae ang nababagay sa kaniya, iyong mga modelo at celebrities na siguradong kapansin-pansin, ano naman panlaban ko?

Irica sighed "Kunsabagay, pero malay mo couz' baka may chance ka." At ngumiti ito nang malapad "Lalo na't napansin ka na ni King kanina, ang cool mo eh!"

"Pero... ganun ba talaga 'yon? Napakacold ng mga mata niya parang..." sambit ko nang mahina pero si Irica na ang tumuloy sa sasabihin ko.

"Parang walang buhay? Ganun talaga 'yon simula nang mamatay ang asa-" Natigil ito sa pagsasalita nang marealize ang sinabi sabay tingin sa kabilang dako.

Napatigil naman ako sa paglalakad at hinarap siya. "Asa... wa?"

"Ah... eh... nevermind. Tara na, baka malate pa tayo sa klase." Sambit nito at nauna nang maglakad. Anong problema nun?

Napaisip naman ako, may asawa si King? Pero napakabata niya pa kung titignan, he's in 20 I think? Or 21. A person can marry at the age of 18, kung ganun... nito lang namatay ang asawa niya?

Hinabol ko si Irica at sumabay sa kaniya sa paglalakad. "Kelan namatay?" Tanong ko.

"Huwag mong isipin 'yon Laica. Masyado nang matagal 'yon. Basta sa ngayon ang isipin mo..." Hinarap niya ako at nagpatuloy sa pagsasalita "Past is past and now, you are the present so, go and grab the king!" Pagchecheer nito sabay tulak sa akin.

"Loko ka, curious lang ako, kasi napakabata niya pa para makapag-asawa." Sambit ko.

Ngumiti naman si Irica "Hindi nakabase sa edad ang pag-aasawa Laica, nasa puso... sa pagmamahal." Nagsimula na ulit siyang maglakad.

Nanatili naman ako si kinatatayuan ko, mahal na mahal niya siguro 'yong babae. Kaya pala napakalamig ng kaniyang mga mata na para bang namatay na ang sigla... hindi niya siguro matanggap ang pagkawala ng asawa niya. Kahit na hindi pa ako nakaranas magkaboyfriend, alam kong masakit 'yon, ramdam ko.

I sighed, teka... may klase pa ako!

*****

"Laica anak, ayos ka lang ba?" Mom asked, full of concern.

Dinner na at magkakasama kaming kumakain nila mom and dad. Hindi ko namalayang pinaglalaruan ko na lang pala ang pagkain ko habang iniisip ang mga nangyari kanina sa school.

"A-ayos lang ako mom. Don't worry." I smiled reassuringly.

"Hhmm... inlove ka na ba Laica?" Mapagbirong tanong ni Daddy sabay ngiti.

"What? Naku Dad hindi noh." Pagdepensa ko rito.

"Eh bakit tulala ka?" Tanong naman ni Mommy.

"Ah wala, may naalala lang mom, nga pala may gagawin pa ako." Sambit ko sabay inom ng tubig "Akyat na po ako, salamat sa pagkain!" Tumayo na ako at tumakas, ay este pumunta sa kwarto.

Nang makarating ako ay agad na akong pumunta sa CR para mag half bath.

After then, I decided to lay on my bed.

Sino kayang napangasawa ni King? Sigurado akong maganda siya.

Huminga ako nang malalim, teka ba't ko nga ba siya iniisip? I shook my head.

I have to sleep.

------ ------ ------

Third Person's POV

Maiging pinagmamasdan ng Hari ang natutulog na dalaga. Umupo ito sa tabi ng dalaga "I never thought how the Human World race you, you're braver than you were, my love."

Iniisip nito ang sinabi ng dalaga kanina sa Cafeteria, tatayo na sana ito nang susugurin ang dalaga ngunit naunahan siya nito.

Hindi inaasahan ng Hari ang sinabi ng dalaga sapagkat alam niyang ayaw ng yumaong Reyna nang gulo gayun din ang labanan. But she handles pretty well the situation without causing a fight.

"I was thinking, what if we have a baby? Gusto ko, maranasan niya ang simply at magandang buhay." Saad ng Reyna.

"You want a simple life?" tanong nito na may bahid na lungkot.

"Hindi naman sa ganun, I want a life with you and I don't care how hard it could be as long as I'm with you." Ngiting sagot ng Reyna.

"I guess, you have lived a simple and happy life... I'm sorry... I wasn't there. Seems like, living with me will just make your life miserable." Malungkot na saad ng Hari sa mahinang boses.

Nais nitong hawakan ang kamay ng dalaga ngunit ayaw niyang magising ito kaya't buong lakas niyang nilalabanan ang sarili "I'm yearning for your touch, my love... I am yearning for you. I hope one day... you'll come back to me."

------ ----- -----

Laica's POV

"Laica! Bilisan mo, kanina pa naghihintay sa'yo si Irica." Sambit ni mama habang kumakatok sa pinto.

"Coming!" I yelled at tinignan muli ang sarili sa salamin.

I smiled, maganda na.

Agad akong lumabas ng kwarto at tumungo sa sala kung saan naghihintay si Irica.

"Antagal mo naman mag-ayos couz', may pinapagandahan ka ano." Makabuluhang bulalas niya at nagtaas-baba pa ng kilay.

"Wala noh." Depensa ko naman.

May pinapagandahan ba ako? Suddenly, a picture of King popped on my head. No, hindi pwede. "Tara na nga."

Nauna na akong lumabas at sumunod naman si Irica.

*****

"Andyan na sila!" Narinig kong sigaw ng babae sa di kalayuan habang papatakbo sa kaliwang direksyon.

"Kyaaa! Bilisan mo!" Sigaw naman ng isa kong schoolmate sa isa niyang kasama dala-dala ang Cellphone.

Naku naman, kakarating lang namin ni Irica dito sa school, ingay agad ang sumalubong sa amin.

"OMG! Dumating ulit sila!? Kyaa! Come on couz!" Mabilis akong hinatak ni Irica patungo sa parking lot ng 3ks.

"Ikaw na lang pumunta doon Irica, gusto ko munang magpahinga sa classroom." Sambit ko habang sinusubukang alisin ang mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Huwag ka ngang KJ, I'm sure gusto mong makita si King." Reply nito.

"Tch." Wala na akong magagawa since malapit na kami sa parking lot kaya hinayaan ko na lamang siyang kaladkarin ako.

Lumabas sa dalawang kotse sina Rio at Luke... ilang sandali pa'y lumabas din si King sa Black Hummer Car. Hinawakan ko ang dibdib ko... ang lakas nang tibok.

Nakita ko ang lahat ng mga estudyante gayun din ang mga guro na nakikiusyuso ay nagsiluhodan, sumunod naman si Irica kaya gumaya na rin ako, baka mamaya'y mapatalsik na ako rito, tama na 'yong katangahan ko kahapon noh.

I sighed, alam kong hanggang tingin na lamang ako sa taong unang nagpatibok ng puso ko... pero bakit ikaw pa?

Naglalakad ang 3ks sa roadway habang nakabantay ang mga bodyguards sa bawat kilid. Ngunit nagulat ang lahat nang biglang may tumayo na babae at tumakbo patungo sa harap ni... King.

"What the heck..  she's dead." Mahinang usal ni Irica.

***** viona99 *****

Sana ay nagustuhan mo, sorry dahil napakatagal ng update ko. Sadyang nadistract ako sa Chinese drama. Naging hiatus ako pansamantala but I'll try to be back in updating often.

Thank you so much for waiting!

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon