Kabanata 26: I Miss Him

54 3 1
                                    

- Laica's POV -

Hays. The week is about to end pero hanggang ngayon hindi parin nagpapakita si Mathew. Hindi ko alam kung bakit, dahil ba sa akin? Iniiwasan niya ba ako dahil sa hinalikan niya ako? Anong connect nun? Ayaw niya nang pumasok dahil nadidiri siya sa akin?

Agh! Napasabunot na lamang ako sa sarili ko, kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isip ko.

"Laica, ayos ka pa ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Irica habang nandito kami sa bench at naghihintay ng sasakyan.

Bumuntong hininga na lamang ako at pilit na ngumiting hinarap siya. "Ayos lang ako. Wag kang mag-alala."

"Anong wag mag-alala? Laica ilang araw ka ng wala sa sarili. Kulang na lang makalbo ka na kakasabunot jan sa buhok mo!" Angal nito.

"Wag ka ngang OA Irica. I'm good." Saad ko.

She sighed, "Dahil ba ito sa hindi pagpasok ni King?"

Hindi ako sumagot, guilty eh. Ramdam niya rin naman. Hays, bakit ba apektado ako ng husto kay King? Nakakabaliw kapag hindi ko siya nakikita kahit isang araw lang.

"Laica, masanay ka na kay King. Minsan lang talaga pumapasok 'yon, diba sabi ko naman sa iyo dati pa. Once in a blue moon lang, once a month or once a year pumapasok, ganun 'yon. Kaya nga lumipat na lang ako kay Luke eh, doon ka na lang kaya kay Rio?" Pagpapaliwanag ni Irica upang gumaan ang pakiramdam ko.

"Bakit?" Tanging salitang lumabas sa bibig ko.

"Anong bakit? Napakabusy kaya ng taong 'yon, siya ang may-ari ng pinakasikat at pinakamalaking kumpanya, naghahandle rin ng napakaraming branches in and out of the country. Baka nagkaproblema sa kumpanya niya o di kaya... sa Dark World." Saad ni Irica at ibinulong na lamang ang mga huling kataga.

Pero narinig ko iyon, "Dark World?" Tanong ko na agad naman siyang napatingin sa akin.

"H-Huh? Ah wala." Tanggi ni Irica at napapansin kong medyo nababalisa ito.

"Irica, may tinatago ka ba sa akin?" Pagtatakang tanong ko.

"Tago?" Bigla na lamang itong ngumiti, "Ano ka ba Laica, ano naman itatago ko?" Tawa nito. "Tara na nga, baka naghihintay na sa atin si manong." Tumayo si Irica at nagsimula ng maglakad.

Napaisip naman ako, tama nga naman si Irica, nagmamay-ari si King ng napakalaking business sa napakabatang edad. Possible ngang nagkaproblema ang Kumpanya niya kaya hindi na siya nakapasok dito sa school. Hays, kung anu-ano kasi iniisip ko.

Assumera talaga ako eh, sino ba naman ako para problemahin niya diba? Sino ba naman ako para maging rason upang hindi siya pumasok ng school.

Pagkarating namin ni Irica sa gate, tamang-tama na dumating si Manong driver. Agad naman kaming pumasok sa sasakyan at nagsimula ng humarurot ito patungo sa bahay.

Pero habang tumatakbo ang sasakyan, naisip ko. May mga businesses naman sina Rio at Luke eh bakit araw-araw sila sa school? Si Irica naman palagi lang tulala at nakangiti na parang baliw. Ewan ko ba kung anong nangyari dito, ilang araw din itong wala sa sarili tulad ko. Pero tuwing nakikita niya si Luke, higit pa sa fangirl kung magwala.

Nang makarating sa bahay ay agad akong tumungo sa kwarto para magbihis.

*****

Gabi na at hindi parin ako makatulog, Lunes na naman bukas pero baka hindi ko ulit makikita si Mathew. Napakabilis nga ng mga araw, hindi ko na namamalayan.

Agh! Bakit ba kasi siya lang ang laman ng isipan ko? Ano bang meron sa halik ng lalaking 'yon para maging ganito ako. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita, inaamin ko, miss na miss ko na si Mathew. Gusto ko siyang mahawakan, mahagkan o kahit na makita lang man.

Hindi ko namalayang tumutulo na naman ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing iniisip ko si Mathew naiiyak ako.

Strange nga kasi... kasabay ng pag-absent ni Mathew, every night hindi ko na nararamdaman ang lalaking nagbabantay sa akin dito sa kwarto. Para ngang pinagplanuhan nilang indyanin ako.

'I'll be gone my love, take care of yourself. I'll be back for you.'

Bigla ko namang naalala ang panaginip na iyon, totoo kaya 'yon? Pumasok ba sa panaginip ko ang lalaking pumupunta dito sa kwarto ko para magpaalam? Simula nung hindi ko na maramdaman ang presensya niya, natatakot ako. Pakiramdam ko may masamang mangyayari sa akin, hindi ako safe. Pero kapag nandito siya sa kwarto ko, ramdam ko ang presensya niya... safe ako.

Inlove na rin ba ako sa taong 'yon? Impossible, inlove ako kay Mathew... inlove din ako sa taong pumupunta dito sa kwarto ko? Damn, nababaliw na ako.

Nang dumating ako sa lugar na ito, andaming nangyaring kakaiba sa akin. Noon, hindi ko pa naranasan ang magmahal maliban sa pagmamahal sa pamilya. Pero ngayon, dalawa pa! Aish!

Napabalikwas ako ng bangon at napansin ko sa side table ang cap na pagmamay-ari ni Mathew. Na-iwan niya ito noong hinalikan niya ako sa isang empty classroom. Biglang uminit ang mga pisngi ko tuwing naaalala ko ang mga halik ni Mathew.

Kinuha ko ang cap niya noong araw na iyon at itinago, ibabalik ko sana pero absent naman siya the rest of the week. Bumuntong hininga ako at napatingin na lamang sa bintana saka tumayo.

Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin kaya naman binuksan ko ang bintana. Tanaw rito ang napakaraming bituin at bilog na buwan.

Kelan ko kaya makikita ulit si Mathew? Pero... bakit niya naman ako hinalikan? Andami kong gustong itanong sa kaniya pero alam kong mananatili lang ito sa isipan ko.

Ngunit nagulat ako nang biglang umihip ang napakalakas na hangin dahilan kaya mahulog sa labas ang cap ni Mathew.

"Ano ba naman Laica." Napasampal na lamang ako sa noo dahil sa katangahan ko. Tumingin ako sa orasan at nakitang 11:30 na pala ng gabi.

Pero hindi ko naman hahayaang iwan na lang sa baba ang cap na 'yon. Sabi ni Daddy hindi raw ako pwede lumabas kapag gabi, tinignan ko naman ang paligid safe naman. At isa pa, bakuran ang lalabasan ko impossibleng may mangyaring masama sa akin, mabilis lang naman ako eh. Hindi na siguro masama.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto pero tahimik lang baka magising ko pa sina mommy at daddy. Hindi talaga ako mapakali na nasa labas iyong cap ni Mathew, ewan ko bah. Iyong puso ko mismo ang kusang nagagalit sakin eh. Baka magdamag akong hindi makatulog.

Nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba ang pintuan o hindi pero binuksan ko naman ito at agad nadama ang malamig na simoy ng hangin. Mabilis akong tumakbo patungo sa bakuran at kinuha ang cap ni Mathew.

Nang makuha ko ito, napangiti ako.

"Psst!"

Biglang nanigas ang katawan ko ng marinig ang pagsitsit mula sa likuran ko, para bang binuhusan ako ng malamig na tubig.

**** viona99 *****

Please kindly like and follow my Facebook Page: Author Viona99

I will post updates on the page and you can message me there. Thank you so much for reading!

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon