Laica's POV
Nang biglang bumukas ng malakas ang pinto, bigla kong naramdaman 'yong parang malakas na aura, ewan ko ba pero nung nilingon ko kung sino ang pumasok... biglang sumabog ang puso ko.
Para bang Tumigil ang mundo ko, kahit ang paghinga ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin, ni hindi ko na alam kung paano ako gagalaw.
Para bang ang oras Tumigil ng pumasok ang taong matagal ko ng hinihintay... na parang kay tagal ng hinahanap ng puso ko. Ang lakas ng dating niya na kung maglakad para bang tunay na Hari.
Dire-diretso ang lakad niya na para bang hindi niya ako nakikita. Gusto ko siyang lapitan at sumbatan dahil sa ginawa niyang pagpapaasa saakin. Pero hindi pa rin ako makagalaw at para bang wala akong lakas.
Madali akong bumaling sa harap at yumuko na lang bago niya pa mahuli na nakatingin ako sa kaniya.
Mathew... ba't ngayon ka lang nagpakita?
Nang dumaan siya sa tabi ko since pinakalapit sa bandang gitna ang inupuan ko, naamoy ko kaagad ang familiar niyang scent na hinahanap hanap rin ng presensya ko, paborito ko kasi ang scent niya, alluring siya masyado tapos parang... masarap, na para bang matagal ko ng naamoy ta's biglang nawala na parang ngayon ko lang ulit nahanap.
Ewan ang gulo ko rin, pero iba talaga ang dating ng pabango niya saakin... nakakaadik.
"Kamahalan! Good you're here, ikaw naman pumalit sa pwesto ko, may date pa ako eh." Nakangising sambit ni Rio kaya mabilis akong tumingala at tumingin sa kaniya.
Pumalit? Tinignan ko ulit ang paligid. Damn, wala ng ibang tao dito. Kung aalis si Rio... dalawa na lang kami ni Mathew ang matitira. Sobrang awkward naman nun, hindi pwede 'to.
"Get the fuck out of here Rio." Matalim na Sambit ni Mathew na kahit ako parang kinilabutan sa boses niya, para bang pinapalibutan siya ng nakakatakot na aura.
Imbes na matakot si Rio, mas ngumisi pa ito na kala mo nanalo.
"As you wish, your majesty." Tumayo si Rio at yumuko nang may paggalang pero ang mapanlokong ngiti nito hindi natanggal.
Mabilis din naman itong naglakad papaalis pero nang makadaan saakin ay Tumigil tsaka hinarap ako, tumingin ito kay Mathew na ngayon ay nakaupo na sa desk habang busy sa mga papeles na kanina niya pa dala-dala.
Muling bumaling ng tingin saakin si Rio na may mas malapad na ngiti, "It's a pleasure to meet you, Your Grace." Sambit nito na may puno ng paggalang sabay yuko, na akala mo parang nasa Disney Knights habang nagbibigay galang sa Prinsesa.
Aabutin niya na sana ang kamay ko pero biglang kumalabog ang desk sa harap. Kaya napatalon ang kaluluwa ko sa gulat, si Rio nama'y mabilis na tumayo ng tuwid habang nagpipigil tawa.
Tumingin naman ako sa harap at nalamang pinalo ni Mathew ang desk ng malakas, tapos... para akong nanlamig... sobrang nakakatakot ang aura nito. Para bang nakakakita ako ng apoy sa paligid niya, teka, namamalikmata lang ba ako?
I blinked my eyes, at kinusot ito, bigla namang nawala ang mga apoy na nakita ko, namalikmata lang nga siguro ako kanina.
"Aalis na talaga ako," Tawang-tawa na sabi ni Rio, "Bye, Laica! Gusto ko pang mabuhay." Sabi niya sabay takbo.
Nagtataka naman ako sa sinabi nito tsaka ibinaling na lang ulit ang atensyon sa harap. Hindi nagsasalita si Mathew pero nakayuko parin ito, ni halata namang hindi nagbabasa. Parang nagpipigil pa nga, galit ba 'to kay Rio? Nag-away ba sila?
Ayaw ko namang manghimasok sa buhay nila, bahala sila malaki na sila para mag-away, they should also know what is right and wrong. Bigla na lang akong kinabahan nung marealize kong dalawa na lang kami ni Mathew ang natitira dito sa loob ng Detention Room. Nang tignan ko siya ulit, nakafocus na siya sa pagsusulat, mukhang busy nga, baka sa trabaho niya, dinala niya pa dito sa school.
Imbes na tumingin ako sa kaniya, binaling ko na lang ang atensyon ko sa pagdodrawing, nakakagaan lang kasi talaga ng pakiramdam.
Pero ang presensya niya ang nakakaagaw ng atensyon ko. Bakit ba kasi niya ako hinalikan? Ano yun trip lang? Gusto ko talaga marinig sa kaniya ang kasagutan eh pero kung titignan siya ngayon, wala siyang pakialam saakin.
Trip nga lang talaga, bumuntong hininga na lamang ako at sandaling napahawak sa puso ko ng bigla itong kumirot. Nasasaktan ako, dahil alam ko sa puso ko na mahal ko siya... ilang araw lang iyon eh... ilang araw pa lang ng makilala ko siya. Pero bakit naman ganito na kalalim? Ang mahirap pa nito, hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko. Mas lumalalim lang habang tumatagal.
Tinignan ko ulit si Mathew, ang posture nito... mukha ang pagkaayos ng kaniyang buhok kahit bawat paggalaw niya, sa mata ko ay perpekto na. Nararamdaman ko rin itong feeling na gusto ko siyang hawakan, hagkan ng mahigpit... hindi ko maintindihan kung bakit ganito ko siya ka miss. Iyong parang halos dumaan na ang ilang siglo.
Noong naramdaman kong tumutulo na naman ulit ang luha ko, mabilis na tumingin ako sa gilid, may bandang bintana para hindi niya mapansin at mabilis na pinunasan ito.
Hindi ko na kaya, simisikip ang dibdib ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak, hindi naman ako iyakin eh. Para bang merong nakabaon sa puso ko na hindi ko pa nahagilap.
Gusto ko na talagang umalis dito, tunay ngang parusa ang Detention Room. Pero hindi ko alam kung kelan matatapos ang parusa ko dito.
"Why'd you get here?" Nakuha ang attention ko ng narinig kong nagtanong si Mathew, wala itong emosyon, blangko lang ito pero hindi na ito galit katulad kanina.
Tinignan ko siya pero hindi parin siya nakatingin saakin, busy pa kakasulat sa papel niya.
Hindi ko siya sinagot, inindyan niya nga ako matapos niya akong halikan ni wala man lang explanation. Tapos hindi pa siya nakatingin, eh sinong kausap niya? Ang papel niya? Edi mag-usap sila.
Isa pa ano namang isasagot ko? Kasalanan mo bakit ako napunta dito? Taas naman niya para sabihin ko 'yon. Eh kasalanan naman kasi niya, siya na lang laman ng isip ko ni hindi ko na nga alam isasagot ko kapag mag-exam na.
Nanatili akong tahimik at nagpanggap na nagpapatuloy sa pag drawing pero ang totoo, lutang ang isip ko ngayon.
Really, gusto ko na talagang umalis.
Tatayo na sana ako ng bigla siyang nagsalita ulit, "I'm asking you, why'd you ended up here?" Mas naging commanding ang boses niya na parang kailangan ko na talagang sumagot o may hindi magandang mangyayari.
Nang tumingin ako sa kaniya, this time nakatingin na siya. Again, ang puso nagkakarerahan ng masilayan ko ulit ang mga hazel eyes niya. Bakit ba nang-aakit ang mga mata na 'yan? Hays.
Pero pinukulan ko na lang siya nang mapanghamong tingin, "Ba't mo 'ko hinalikan?"
***** viona99 *****
Another Chapter, I hope you like it! 🥰 Enjoy!
For more updates, please like and follow my Facebook Page: Author Viona99
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...