Kabanata 28 : Detention Office

24 0 0
                                    

- Laica's POV

Nang makarating kami ni Irica sa school, dumiretso na agad kami sa klase namin and since separate ang classrooms namin ni Irica pumasok na lamang kami sa kaniya-kaniya naming kwarto, mabuti na lamang at nakarating ako on time sa first class ko pero ang utak ko lutang parin, ni hindi ko alam kung kelan babalik sa tamang wisto. Hayyss.

Nagsasalita ang professor sa harap pero palagi na lang sumasagi sa isip ko ang mga tanong kung kelan kaya babalik sa Mathew, damn, bakit ba miss na miss ko yun, hinalikan lang naman ako eh nag assume na ako agad.

Pero sana hindi niya ginawa iyon, ang halikan ako tapos hindi man lang magpapakita, parang nagpapahiwatig na nagsisisi siya sa ginawa niya. Ang hirap din naman, galit ako sa ginawa niya pero ang puso ko hinahanap ang presensya niya.

Masakit din naman saakin ang mahulog sa taong naglalaro lang pero bakit ba kasi ako? Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay.

Hanggang ngayon, wala pa ring balita sa nagbabalik niya pero narinig ko naman sa mga kaklase ko na pumasok ulit si Rio at Luke, samantala, wala pa rin si Mathew. Ito talaga ang ayaw ko, ang pakiramdam na napaglaruan ang feelings ko.

"Ms. Baltar!!!"

"Sir!" Napatayo ako sa gulat ng marinig ko ang sigaw ni Prof saakin resulta king bakit nagsitawanan ang mga kaklase ko.

Nalaman ko na lamang na kanina pa pala nakatayo si Prof sa harap ko habang kinukuha ang attention ko. Oh damn... kanina pa ako tulala ni hindi ko man lang namalayan kung ano ang nangyayari.

Kasalanan to ng Mathew na iyon eh.

"I've been calling you which seems like forever and you've been spacing out! Do you have any idea how hard it is to talk in front so that my students will learn something from me and you're not even listening!" Sigaw niya na puno ng galit.

Yumuko na lamang ako, "I'm sorry sir, it won't happen again."

"Of course it won't happen again! To the detention office, now!" Sigaw niya ulit na nagpatalon sa kaluluwa ko sa takot.

Hindi na ako nag-isip pa at mabilis na kinuha ang bag ko, gayun din ang iba ko pang gamit saka kumaripas na nang alis patungo naman sa detention office. Naku naman, Laica! Bakit kasi napakalutang mo! Nawala ka tuloy at napagalitan pa ni prof.

Hayyss, nakakapagod na nga mag-isip kay Mathew, nang dahil pa sa kaniya may record na ako sa detention. Lahat ng 'to, dahil talaga sa kaniya eh, simula ng makilala ko siya.

At simula na rin ng makalipat kami sa lugar na 'to, hindi maganda ang mga nangyayari saakin.

Patuloy ako sa paglalakad, mabuti na lamang at naka tour ako dito kasama si Irica noong isang araw, busy kasi siya kakahanap kay Luke niya raw. Kaya ayun, alam na alam ko kung saan ang detention office.

Hayysss, Detention Office, never ko pa talaga na experience kung ano ang Detention Office, ano ba ginagawa doon? Eh ano kaya ang pinapagawa? Sobrang bait ko kasi dati eh, walang Mathew na nag-iinvade ng utak ko.

Nang makarating ako sa Detention Office, kumatok ako ng tatlong beses pero wala namang sumasagot nang biglang may tumulak sa akin na babae, mabuti na lang magaling ako magbalance kaya hindi ako natumba. Agad naman itong pumasok sa Detention Office kahit na walang katok.

Ganito ba talaga ugali ng mga napupunta dito sa office na 'to? Parang mga walang manners.

Pero binuksan ko na lamang din ang pinto, baka ganun talaga dito at nagulat ako sa nakita ko. Grabe, para bang may cinema sa harap, napakaraming tao mostly babae, kung hindi naman eh bakla. Andami talaga nila eh, iyong iba nga may popcorn pa na dala. Pero malawak din naman pala ang detention office, marami ring upuan, mostly filled by the students pero may mga vacant parin naman. Kung titignan, mas marami pa ang umaattend sa Detention Office kaysa sa classrooms.

Isa lang ang rason kung bakit, ang nagbabantay kasi is no other than...

"Uy! What do we have here?" Nakangising sambit ni Rio habang nakatingin saakin, hawak-hawak ang ballpen sa kamay, kanina lang nagsusulat ito sa desk sa harap.

Para ngang nagpeperform siya ng writing sa stage kasi halos mga taong nandirito eh tulala sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit, para bang may laman ang mga ngisi ni Rio, kaya naman naghanap na lamang ako ng vacant chair sa bandang likod at umupo. Ni hindi ko na pinansin pa si Rio, pagbaling ko ulit ng tingin sa kaniya, nakangiti na ito sa cellphone niya.

Baka naman may chicks na katext.

Ano bang ginagawa dito? Mukha naman walang ginagawa, kaya pala maraming mga students dito. Kung hindi tumakas sa klase, may libreng show galing kay Rio. Eh parang hindi naman ito detention para sa iba eh, kung titignan ang mga babaeng tulala kay Rio, sa tingin ko, prize pa ito para sa kanila. Eh parang sinadya lang nila makapunta lang dito sa detention office.

Ito pala ang tambayan ni Rio? Ano naman kaya ang tambayan ni Mathew? Bumuntong hininga na lamang ako ng magsimula na ulit akong mag-isip kay Mathew.

Siya ang rason kung bakit nandito ako eh! Galit dapat ako. Pero... hayyss.

Wala akong magawa kundi binuksan ko ang bag ko at kumuha ng papel saka pencil, at nagsimula na lamang akong mag sketch ng kung ano man ang pumasok sa isip ko.

Nakakabagot pala dito buti na lang kahit papano mabawasan ang mga alalahanin ko sa arts. Mahilig ako eh, lalo na mag draw ng mga puno o di kaya'y kagubatan na may lawa at malaking waterfall na usually palagi ko na lang ginuguhit. Ewan ko ba kung bakit, nakakagaan lang sa pakiramdam ang nature. Lalo na mga bulaklak at tahimik na lugar, pakiramdam ko nga mabubuhay ako sa mga bukid kahit mag-isa.

Masaya na rin ako kahit papano lalo na't mayroon akong very supportive na parents.

Kaso lang, pakiramdam ko kulang parin pero bakit nung... mga panahon na kasama ko si Mathew... makiramdam ko nasagot na iyong kulang... hindi ko alam kung saan nga ba ang kulang pero parang siya ang sagot sa hindi ko pa malamang tanong.

"Okay everyone listen!" Suddenly, biglang pumalakpak si Rio na may pagngisi habang kinukuha ang attention ng lahat. "Your punishment and the session for those under the detention has ended. Except, you!" Sabi niya sabay turo saakin, "Iyong bago lang dating, Laica Baltar, right?"

Paniniguro niya, teka, paano niya alam ang pangalan ko? Ah baka sinabi ni Prof na darating ako, baka naman pahirapan ako dito?

Tumango na lamang ako kay Rio bilang tugon, na may halo paring pagtataka.

"Okay, everyone, you may now go. Except Ms. Baltar since she came last, she shall continue paying her punishment." Saad niya ulit.

Imbes naman matuwa ang mga estudyante eh nanlumo pa ang mga ito habang papaalis sa loob nitong room.

Eh bakit naman ako lang ang ititira? Ako lang ba ang huling pumasok?

Nang makaalis ang mga estudyante, hindi parin maalis ang mga ngisi ni Rio na para bang may inaasahan itong mangyari. Maya-maya pay may patingin-tingin pa iyo sa pintuan, teka, may hinihintay ba'to?

"I know I'm handsome but, I still wanted to live you know." Sabi niya saakin ng mapansing nakatitig ako.

Mabilis naman akong magbago ng tingin, pero nagtataka parin ako sa kaniya, lalo na sa sinabi niya. Mamamatay ba siya pagtitigan ko? OA naman niya.

Ilang sandali pa'y malakas na bukas ng pinto na nagpagulat saakin.

****** viona99 ******

Thank you so much for your continuous support in this book, I really appreciate it💕. And I'm sorry for keeping you wait but I will keep on updating again.

I hope you are doing well, may God bless you.

Enjoy the journey of Laica and Mathew!😊🥰

For more updates please follow my facebook page: Author Viona99

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon