Tinitigan ko ang sarili sa salamin "Bumagay rin pala sa akin ang uniform." Nakangiti kong sambit.
Polo shirt ito na puti, tinapalan ng itim na long sleeve atsaka maroon stripe na mini skirt with black high heeled shoes. Mayroon ngang necktie pero nakalagay naman sa loob, tch nagnecktie pa. Bumagay naman sa akin, mahaba ang itim kong buhok abot hanggang bewang, maputi at skinny naman ang balat ko, nasa 5'6 ang taas at may kurba naman ang katawan.
Napangiti ako sa sarili.
"Perfect!" Napatingin agad ako sa pintuan at nakita si Irica sa doorframe na nakangiti ng malapad sa akin. "Bagay na bagay sayo couz! You're stunningly beautiful." saad nito habang papalapit.
"Bagay din sayo ang uniform Irica, napakaganda mo." Sambit ko habang tinitigan siya mula ulo hanggang paa... ang ganda niya.
"Huwag ka ngang bolera, crush ko nga ni hindi ako matignan eh." Usal nito sabay pout.
"Bulag naman iyon kung hindi ka pa mapansin, tara na." Aya ko at lumabas na ng kwarto sumunod naman si Irica.
I heard her sighed "Mapansin lang ako nun, pwede na akong mamatay."
"Mag-ingat ka nga sa mga sinasabi mo, ako natatakot sa'yo eh." Sambit ko habang patuloy kaming naglalakad pababa ng hagdan.
"Excited na akong pumasok, sana darating si crush ngayon." She giggles.
"Oh anak, ready ka na?" Tanong ni Mommy mula sa sala.
Lumapit kami rito "Yes mom." Sagot ko nang nakangiti at humalik sa kaniyang pisngi.
"Nakahanda na ang sasakyan para ihatid kayo anak. Mag-ingat ka hah." Biglang sulpot ni daddy mula sa labas.
"Of course dad!" Saad ko sabay halik sa pisngi. "I will be fine."
"Babantayan ko po siya doon tito, tita." Sambit ni Irica at umalis na kami ng bahay.
Habang nasa sasakyan ay hindi ko mapigilan ang tumingin sa labas.
"Magugustuhan mo talaga ang school Laica, maganda doon. Marami ding pogi lalo na si crush hihi! Pero mag-ingat ka nga lang dahil marami ding bullies." Sambit ni Irica habang nakatulala parin sa hangin.
"Hindi naman ako pupunta doon para makipag-away kaya hindi ko naman siguro sila makakabangga." Sambit ko.
Bumuntong hininga siya "You can't tell."
"What do you mean?" Takang tanong ko.
"I mean, hindi natin alam ang mangyayari kaya hindi natin masasabi so we better have to be careful." Sambit nito at ngumiti.
Tumango ako "You're right, thank you for telling me."
"No worries couz, oh were here!" Maligayang sambit ni Irica.
Agad naman akong napatingin sa windshield kung saan makikita ang paaralan, tamang-tama lang na papasok ang sasakyan sa gate ng school.
I gasped widely agape, ito ba talaga ang school ng bayan na 'to!?
Napakalaki niya, napakamoderno, malayong-malayo sa dating unibersidad na pinag-aralan ko, to think that I was studying in a City. Para itong paaralan ng mga elites and royals, ni hindi ako makapaniwala na ito ang paaralan ng bayan na malayo sa syudad. Malalaki ang mga buildings at puno ng bermuda grass ang ground maliban sa road na cemented.
Bumaba kami ng sasakyan habang ako ay nakanganga paring nakatingin sa kabuuan ng paaralan.
"Welcome to Gargantilla University!" Masiglang sambit ni Irica.
I look at her "It's so beautiful." mahina kong sambit, hindi pa rin makapaniwala.
"Yeah I know, I'm beautiful." Sabi nito sabay ikot "Just kidding! Told you, you'll like it." Pagmamalaki niya.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...