Kabanata 2 : Gate of Death

218 78 4
                                    

Lumipas ang mga araw, buwan at mga taon, kalahating daang taon na ang nakalipas kung susukatin ngunit sariwa parin ang mga ala-ala ng asawa sa puso at isip ng hari.

Marami ang nagbago, isa na rito ang pakikitungo ng hari, para itong bato na may pinaghalong tigre, walang puso, cold at mainipin masyadong malayo sa dating hari.

Dahil dito, naging katakot-takot ang Dark World. Ang kagubatan ay napuno ng mababangis na hayop na may mga taglay na itim na enerhiya, ang ibang mababait na hayop nama’y nagsitago sa takot, naging madilim at mausok ang kapaligiran ngunit patuloy parin ang daloy sa mundong ito. Hindi na nga lang maitutulad sa dati na masaya, malaya at payapa.

Marami na ring umaaligid na mga itim na enerhiyang nilalang na nasa anyong tao, kaya ang mga mabubuti ay nabalot nang takot, nagtago at ang iba ay napili na lamang manirahan sa mundo ng mga tao at iniwanan ang Dark World.

Ang Reyna ang tagapangalaga ng kagubatan, siya ang dahilan kung bakit nananatili itong payapa at mahiwaga dahil tanging ang dating Reyna lamang ang makakatalo sa lahat ng mga itim na enerhiyang ito gamit ang liwanag nang kaniyang kapangyarihan subalit... wala na ang reyna dahilan para magsilabasan ang kadiliman, ang hari nama’y wala nang sigla, pawang wala na ring buhay dahilan upang mawalan nang pag-asa ang sinasakupan.

Hindi nakayanan ng hari ang lungkot at pighati kaya’t napagdesisyonan niyang pasukin ang Gate of Death kahit labag sa batas nang pinuno ng lahat.

Tinawid niya ang lahat nang pagsubok kahit alam niyang buhay ang kapalit, lumipas ang mga araw, buwan at naging taon nalagpasan niya ang pinakahuling pagsubok pero kitang-kita rito ang panghihina, hindi niya pagmamay-ari ang mundong iyon dahilan para hindi gumana ang kaniyang kapangyarihan.

Gusot-gusot na ang kaniyang damit, puno ng sugat ang katawan ngunit hindi parin maiaalis ang kagwapuhang taglay nito, kahit pa siguro’y ganito ang kalagayan ay maihahambing parin siya sa mga modelo.

Kaya kahit sa taglay nitong kasupladuhan ay hinahangaan parin siya ng mga kababaihan sa kaniyang Mundo, dahil kahit ilang taon na ang nagdaan, mukha nito’y hindi nagbago parang isa parin itong binata.

Hinanap ng hari kung saan nakalagay ang lahat ng mga namatay, ni hindi niya na malaman ang panahong ginugol niya makita lamang ang pangalan ng minamahal, wala nang kain at tulog maibalik lang ang asawa sa buhay.

Kung tatantyahin, taon na rin nang pumasok siya sa Gate of Death. Hindi nga naman siya tao dahil hanggang ngayon ay buhay pa, napaisip na lamang ito.

Pumikit ang hari at bumuntong hininga, unti-unti na itong nawawalan nang pag-asa na makita ang asawa ngunit sa pagdilat ng mga mata’y... kumislap ito. Nakita niya ang pangalan ng asawa na nakalagay sa pinto.

Dali-dali itong tumungo rito at binuksan ang pintuan, agad namang bumungad rito ang isang napakagandang... sanggol.

Nilapitan ito ng hari, bahid sa mukha nito ang pagmamahal at labis na pangungulila, at nakita niya rin sa bandang dibdib ng sanggol ang isang balat, hugis puso ito na sa gitna ay pawang gumamela, patunay ngang ito na ang reyna.

Sa loob nang maraming taon, muling napangiti ang hari. “I got you, love.” sambit niya sabay buhat sa sanggol.

Lumabas ang Hari sa Mundo ng Kamatayan kasama ang minamahal. Ngunit hindi ito tulad ng dati nang mamatay ang Reyna, hindi isang dilag ang kaniyang dala kundi ay isang sanggol.

Matapos ang ilang araw mula nang makalabas ang hari sa Gate of Death, napagdesisyunan niyang hindi maaaring manatili ang sanggol sa kaniya sapagkat sa oras na malaman ng kamatayan ang kaniyang ginawa ay maaaring bawiin din agad ang minamahal, lalo na’t mahina pa ito.

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon