Laica's POV
Maaga akong nagising at nag-ayos para sa panibagong klase. Matapos kong magbihis ay agad na akong bumaba at nakita si Irica na naghihintay sa sala.
"At last! Let's go?" Tanong nito na nakangiti.
"Ansaya mo ata ah." Sambit ko nang mapansin ang kakaibang aura nito.
"Pakiramdam ko kasi papasok na si Baby Luke eh." Saad nitong kumikislap pa ang mga mata.
"Laica naghihintay na ang driver sa labas. Mag-ingat kayo hah." Sambit ni mommy.
Wala si daddy ngayon maagang umalis, may bago na raw kasi siyang trabaho kaya kailangan daw maaga siya sa first day niya.
"Opo mommy." Agad ko naman itong hinalikan sa pisngi at naglakad na kami ni Irica papuntang sasakyan.
Habang nasa byahe wala akong ibang narinig kay Irica kundi ang Baby Luke niya raw, kung gaano ito kacute at kagwapo minsan nama'y naririnig ko si King.
King... bakit parang may kakaiba sa akin tuwing babanggitin niya ang salitang 'to?
Hindi maalis ang tingin ko sa labas mula sa windshield, napakaganda ng tanawin gayun din ang mga puno.
Binuksan ko ang bintana at inilabas ang kamay ko, dinadama ang masarap na ihip ng hangin, I smile sabay inhaled nito. I don't know why... but I really feel at home in this place.
"Napakababaw ng kaligayahan mo Laica. Alam mo, napakagaan ng loob ko sayo." Narinig kong sambit ni Irica kaya napatingin ako dito. "You're purely human but I don't feel you indifferently."
Nangunot naman ang nuo ko "Purely human? Kung makapagsalita ka parang hindi ka tao ah." Natatawa kong saad.
"I-I mean ano, human with pure heart, napakabait mo kasi, eh ako minsan maldita, madalas naman may saltik." Natawa ito "Parang hindi nga tao, pero nagkakasundo tayo."
"Oo naman, magpinsan tayo eh." Saad ko at ngumiti.
"Oo nga naman."
Nakarating na rin kami sa wakas, bumaba na kami ng sasakyan at nagsimula nang maglakad.
"Hindi ba't sa Room 12 ang first class mo?" Tanong ni Irica.
"Yup." Simpleng sagot ko habang nakatingin sa field na nadadaanan namin.
"Mabuti naman, sa Room 11 lang kasi ako ng Litareture Building kaya sabay na tayo." Alok nito.
Ngumiti ako nang malapad "Sige."
Nang makarating kami sa hallway ng second floor, I could see the gate kung saan daw dumaraan ang 3ks.
"Grabe, napakarami paring umaasa na darating sila o kahit isa lang sa kanila." Saad ni Irica habang nakatingin din dito.
Nakatayo kasi ang Literature Building patagilid sa roadway na daraanan talaga ng ilang mga estudyante patungo sa gate ng 3ks.
"Tulad mo." Simpleng usal ko.
Ngumisi ito "Yeah, just seeing the love of my life makes my day!"
"Kyaaa!" Biglang naghiyawan ang mga estudyante sa baba kaya tinignan ko kaagad si Irika baka tumakbo na sa baba mabuti na lamang dahil tumakbo lang ito sa may railings gayun din naman ang mga estudyante na nagsilabasan sa mga classrooms at tumingin sa baba.
Lumapit naman ako sa kaniya at tumingin sa baba, kitang-kita pala rito ang lahat. Napakaraming estudyante ang nagtutumpukan malapit sa gate, mas lumakas ang hiyawan nang bumukas ang gate at pumasok ang dalawang itim na kotse, sa likod nito nakasunod ang Blue Ferrari, Maroon Bugatti at Black Hummer Car. Ang galing ko lang magscan ng sasakyan eh.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...