Isang lalaking nakaitim ang nakatayo sa gitna ng kalsada, pero patuloy parin sa pagtakbo ang sasakyan.
“Daddy, you’re going to hit him!” Sigaw ko ngunit parang walang naririnig si daddy.
“Laica, please be calm. Close your eyes.” Utos ni mommy.
Calm!? Sa mga nangyayari magagawa ko pa kayang kumalma!? Pero pinikit ko parin ang aking mga mata.
Sandali pa’y, “Agh!” humiyaw ako sa narinig kong ingay na para bang may nabangga at dumaan sa bubungan pero patuloy parin ang bilis ng sinasakyan gayun din ang bilis nang tibok ng puso ko dahil sa takot.
Shit! Binangga ba ni Daddy ‘yong lalaki!?
Binuksan ko ang aking mga mata at nakitang wala na ang lalaki, tumingin ako sa likuran ngunit wala naman akong nakita maliban sa madilim na kagubatan.
------ ------ -------
Third Person's POV
Puno nang pag-alala ang makisig na binatilyo sa loob ng isang sasakyang napakatulin kung tumakbo.
“Agh!”
Kahit na sa kalayuan ay dinig niya ang hiyaw ng dalaga sa pamamagitan nang kapangyarihan nitong marinig ang kahit gaano man kalayo basta't nanaisin niya lamang. Ramdam din nito ang takot ng dalaga.
“Drive faster!” Matigas niyang utos.
“Kamahalan, I am the fastest driver at ito na ang pinakamabilis kong pagmamaneho.” Sambit ng isa ding binatilyo habang nagmamaneho ng sasakyan.
“Shut the fuck up, Rio. If something bad happen to her I’ll cut off your head.” Maawtoridad na sambit ng makisig na binatilyo na kung tatawagin ay kamahalan.
Tumawa ang isa pang lalaki na nakaupo sa passenger seat.
Sinuntok ito ng nagngangalang Rio “Sabi ko na nga ba Luke ikaw ang magmaneho eh.” Bulong nito na bakas ang takot sa mukha.
“You are the fastest driver right?” Nangingiting mahinang sambit ni Luke.
Umismid na lamang si Rio “Ambagal mo kasing gumalaw.” Saad nito.
“You two shut up!” Galit na sigaw ng kamahalan, bakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito.
Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa dalaga ngunit dahil sa nangyaring kaguluhan kanina sa palasyo, nagkaroon nang pagpupulong ang lahat ng mga nasa mataas na posisyon, dahilan upang siya'y natagalan.
Gayunpaman, hindi mapapantayan ang excitement nitong nadarama dahil sa loob ng ilang taong pagtitiis, masisilayan niya na ulit ang minamahal.
Sa kabilang banda,
Si Laica nama’y hindi mawari kung ano ang gagawin dahil sa takot na nararamdaman, mabubuhay pa kaya sila? Ito na ba ang katapusan niya? Mga palaisipang dumadapo sa kaniyang isipan.
Sandali pa’y isang grupo nang mga kalalakihang nakasuot nang itim ang nakatayo sa gitna ng kalsada, napakarami nila na kung titignan ay nasa bilang ng mahigit sampu.
Madilim man ngunit dahil sa ilaw nang kanilang sasakyan at liwanag ng buwan, nakikita niya ang mga ito pero hindi ang mga mukha, hindi sapat ang liwanag para maaninag pa ang mukha ng mga ito.
“Oh diyos ko.” Mahinang sambit ng ina.
“M-mommy…” Bulalas ni Laica sa takot.
“Hindi ko alam kung malalagpasan natin ito Leah, ngunit susubukan ko.” Tumigil ang kanilang sinasakyan at kumuha nang bwelo pagkatapos ay pinatakbo ito nang mabilis.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...