Kabanata 7 : Sleep

149 49 1
                                    

Dedicated to: And_rielle

Laica's POV

"Anak, ikaw na ang bahala, go see your room, I'm sure nasa taas. Feel at home since this will be our home starting today." Saad ni Mommy.

Tumango ako habang nakangiti.

"Sige anak, aalis muna kami ng daddy mo. We'll go talk to our friends, babalik kami agad."

"Yes mom!" Tugon ko at tuluyan na silang lumabas ng bahay.

Tumungo na rin ako papunta sa taas to find my room, dala ang aking maleta na puno ng mga gamit ko.

Mayroong tatlong pinto ng ibat-ibang kwarto pero ang nakakuha nang atensyon ko ay ang pinto kung saan nakasabit ang letrang 'L'. Para bang inaakay ako nito papalapit.

My name started with 'L' siguro nga ito na ang kwarto ko. Dahan-dahan akong lumapit dito bitbit ang maleta, at nang buksan ko ang pinto, I gasped.

Namangha ako sa disenyo at laman ng kwarto ko. Parang isang spoiled na dalaga ang nagmamay-ari nito, kumpleto at kung titignan... isa itong dream room.

Kuhang-kuha talaga ng disenyo ang taste ko, light pink and white ang theme, simple but elegant, pati narin ang pagkaayos. Lumapit ako sa higaan at hinawakan ang kumot, soft and delicate, ito talaga ang paborito kong tela dahil dito ako komportable.

Kung sino man ang nag-ayos ng kwarto ko ay para bang kilalang-kilala ako.

Sa bahay kasi hindi ako spoiled, kung ano ang available iyon lang ang ginagamit ko, hindi na ako nagdedemand nang kung ano man ang gusto ko, kaya nga nakakapagtakang alam nila mommy at daddy.

Napangiti ako, pinaghandaan talaga nila mommy at daddy eh. Nakikita kong mahal na mahal talaga nila ako kaya nga mahal na mahal ko rin sila.

Binuksan ko na ang maleta para maayos ko na ang mga gamit, binitbit ko ang ilan upang ilagay sa pink na closet ngunit nang buksan ko ito, nagulat ako.

Bumungad sa akin ang kay raming dress and sandals!

"Sa akin ba 'to!?" Gulat kong tanong sa sarili habang iniisa-isa kong tinignan ang mga damit.

Ang nakakapagtaka ay para bang pagmamay-ari ito ng isang prinsesa o kaya'y reyna. Ni wala akong makitang T-shirt o pantalon man lang.

Walang pajamas para pantulog maliban sa night gown at undies!

Ito talaga si Mommy, mahilig kasi 'yon sa mga dress, dati ay pinipilit ako nun magsuot pero ayaw ko, hindi kasi ako nakakagalaw nang maayos doon. Siguro siya ang pumili ng mga damit na'to.

I sighed, buti na lang at nagdala ako ng mga damit.

Inayos ko na ang mga ito at kumuha ng isang white shirt and pajama then pumasok akong banyo para makapagligo dahil pakiramdam ko'y malagkit na ang katawan ko dahil sa byahe.

Pagkabukas ko ng banyo ay namangha ulit ako "Wow hah, banyo na nga lang magara pa."

May isang glass tube sa loob kung saan naroroon ang shower then a bathtub made in glass.

Grabe, ang yaman naman namin. Kung pwede lang sana huwag na sila mommy gumastos nang malaki, 'yong mumurahin lang, mas mabuti pa kasing ibigay na lamang sa charity ang excess na pera.

Pero tumuloy narin ako at naligo. After then, so fresh!

Paglabas ko ng banyo ay agad bumungad sila mommy and daddy.

"Mom, dad ang gara naman po nitong kwarto ko." Sambit ko.

Ngumiti sila "Para sa iyo talaga 'yan anak."

Mine From DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon