Love... the voice of the man last night always replayed on my mind, sino ba kasi ang taong iyon? Kung tinatanong niyo kung bakit hindi ako natatakot, eh kasi matagal ko na siyang napapansin sa kwarto ko tuwing gabi parang... binabantayan ako, and I don't feel threatened but I feel... safe. Para bang sanay na akong kasama siya, iyong presensya niya... I felt so comfortable with it. At isa pa, hindi naman siya nananakit, kung gayun edi sana matagal niya nang ginawa, matagal na akong patay.
"Class dismiss!" Sambit ng guro. Teka, tapos na!? Ba't ambilis naman ata ng klase ngayong araw, ni hindi ko man lang namalayan na tapos na pala ang klase sa buong maghapon.
Nagsimula nang maghakot ng gamit ang mga kaklase ko at nagsilabasan na rin ang iba. I sighed, ano bang itinuro ngayong araw? Wala man lang akong maalala, eh kasi naman Laica, lumilipad ang isip mo! Kung saan-saan napapadpad eh.
Nag-ayos na rin ako ng gamit ko at tumayo na sabay lakad sa labas. "Kasalanan 'to ng King na 'yon eh. Mukhang babagsak ako sa school na 'to nang dahil sa kan- ouch!" Napaupo ako sa lakas nang pagkabunggo ko.
"Miss, ayos ka lang ba?" Narinig ko ang baritonong boses ng lalaki kaya naman napaangat ako ng tingin at nakita ang isang mala-anghel na gwapong lalaki, pero bakit parang mas gwapo parin 'yong demonyong King na 'yon!? Aish, tigilan ko na nga kakaisip sa demonyong walang awang lalaking 'yon.
Inabot ng lalaki ang kamay niya para tulungan ako sa pagtayo, pero mabilis naman akong tumayo at pinagpag ang damit ko ng hindi tinanggap ang kamay nito. "Ayos lang ako."
"Sorry hah, I was drawn to my phone, may nagmessage kasing importante kaya hindi ko namalayang nakasalubong na pala kita." Pagpapaliwanag nito.
"No worries, ako rin itong absent minded kaya hindi ko namalayang paparating ka." Ngumiti ako ng mapakla. Ano ba naman kasing nangyayari sa akin? Hays.
Inaamin ko, inlove na ako sa demonyong King na 'yon pero ganito ba talaga ang inlove? Nakakawindang. Isa pa, sa dinami-rami ng lalaki, doon pa talaga sa pinakamataas na star nahulog eh.
"It's okay, by the way, I'm Fourth." Pagpapakilala nito sabay abot ulit ng kamay. Nakangiti ito ng napakatamis, grabe kung hindi ko lang nakilala si King, nainlove na ako rito, ang gwapo eh. Anlandi mo Laica! Magpakatino ka nga, nandito ka para mag-aral, hindi para lumandi.
Tumango ako bilang pagtugon "Nice meeting you, I'm Lai-" Aabutin ko na sana ang kamay nito nang biglang may humugot ng kamay ko at kinaladkad ako patungo sa- teka "Hoy! Sino ka!? Saan mo ako dadalhin!?"
Sa suot nitong panlalaking uniporme, alam kong estudyante ito rito pero ang pinagkaiba lang may suot itong black varsity jacket at dark blue cap, pansin ko ring may shade pa itong suot.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Kidnapping na to ah!" Pag-aaklas ko pero hindi ko parin matanggal ang kamay ko sa higpit ng hawak nito.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba ng binuksan nito ang pintuan ng isang pinakamalapit na classroom at tinulak ako papasok saka niya isinara ang pinto, hindi naman kalakasan kaya nakatayo parin ako but worst dahil uwian na, wala ng estudyante sa classroom na 'to. Shit!
Hinarap ko siya pero hindi ko makita ang mukha dahil sa shade at cap nito. "Help!" Sigaw ko nang buong lakas habang tumitingin sa gilid kung paano ako makakawala rito. "A-anong gagawin mo?" Kaba kong tanong ng makita itong papalapit sa akin sabay namang pag-atras ko.
"You're mine." Sambit nito sa matigas ngunit mahinang boses, pero dinig na dinig ko.
Mine? Ang alam ko ako lang ang nagmamay-ari sa sarili ko. Ngunit biglang lumakas ang pintig ng puso ko sa kakaibang pakiramdam nang tinanggal nito ang cap na suot, kahit na may shade pa itong suot isang tao lang ang pumasok sa isipan ko, impossible. Bakit niya naman ito gagawin, dahil ba sa sinigawan ko siya kahapon? Hindi, impossibleng si King ito.
Tumawa na lamang ako ng mapakla dahil sa kakaiba at pinaghalong nararamdaman "Mine? Huwag mo nga akong pinagbibiro, hindi ito oras para makipaglaro, pakawalan mo na ako."
Mas lumapit pa ito dahilan para mapa-atras ulit ako, hindi ko namalayang pader na ang naatrasan ko... wala na akong kawala.
Tinanggal nito ang suot na shade at hinarap ako, "Hindi ako nakikipagbiruan." Sambit nito sa seryosong tono, nang makilala ko ito at makita ang mga mata nito'y para bang binuhusan ako ng mainit na tubig at tanging lakas nang kabog ng puso ko na lamang ang naririnig, nakalimutan ko na atang huminga. Ano ba 'to, tumaas na ata ang init sa mukha ko! Shiz, ni hindi ko alam ang gagawin. Para bang may nagpasabog ng fireworks sa buong katawang lupa ko. Lumapit pa ito ng husto hanggang wala ng space ang namamagitan sa aming dalawa "You're mine, Laica..." He leaned closer at mas inilapit pa nito ang mukha habang ako na ma'y na estatwa sa kinatatayuan ko, totoo ba to? Nananaginip ba ako? "Only mine." Bulong nito as he bit my earlobe.
Oh shit! Totoo nga! Biglang nabuhay ang katawang lupa ko at sinubukan siyang itulak pero anlakas niya! Hindi man lang natinag. "Ano ba King! Kung may-"
"Mathew." Pangaral niya using his husky voice habang kampanteng inaayos ang hibla ng aking buhok na humarang sa gilid ng mukha ko para bang wala siyang ginawang masama.
"King, Mathew whatsoever-"
"Only Mathew." Pagputol nito sa sinasabi ko habang pinagmamasdan ang... labi ko? Sa sobrang lapit nito, I can feel his breath fanning on my face, grabe ka'y bango ng kaniyang hininga. He's the perfect man for all the girls' dream.
Hindi mapigilang dumapo ang aking mga mata sa labi nito, those pink kissable lips... para bang inaakit ako, there's the pull na gusto ko siyang halikan... damhin... hagkan, pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil hindi ko alam kung ano ang mismong nangyayari sa akin, gusto ko siyang maramdaman, para bang miss na miss ko na siya. Ilang araw ko pa lang siyang kilala pero pakiramdam ko ay napakatagal na panahon na. Para bang hindi ako ito... parang may ibang tao ang komokontrol sa katawan... at puso ko.
"I miss you." Mahinang sambit niya na puno ng pagmamahal at pangungulila dahilan para makaramdam ako ng kirot sa puso, para bang naaawa ako sa kaniya... at para bang nararamdaman ko ang paghihirap na dinadanas niya.
Nagulat na lamang ako nang maramdaman ko na lamang ang mga labi nito sa labi ko... kissing me passionately.
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Viễn tưởng"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...