- Laica's POV -
"Psst!"
Biglang nanigas ang katawan ko ng marinig ang pagsitsit mula sa likuran, para bang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Unti-unti akong umikot para harapin kung sino man ang taong tumatawag at para bang kumawala ang kaluluwa ko sa katawan nang makita ang isang lalaking nakaitim na T-shirt. Nakangisi ito ng nakakatakot na mas nagpalakas sa tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot.
Katapusan ko na ba? Shit, namukhaan ko ang lalaking ito ah. Isa siya sa mga lalaking nakita ko sa daan noong patungo kami dito nila mommy. A-aswang! Oo tama, isa siya sa mga aswang. Jusko po, bakit naman napunta ito dito?
"A-anong kailangan mo saakin?" Takot kong tanong nang magsimula itong maglakad patungo sa akin.
Pero mukhang wala itong naririnig, he licked his lips na para bang isa akong pagkain. Mabilis naman akong humakbang paatras, puno ng takot at kaba. Katapusan ko na.
Gusto kong sumigaw pero bakit walang lumalabas sa bibig ko? H-hindi ko man lang mabuka ang bibig ko.
Noong sinugod niya ako, agad kong sinangga ang mga braso ko sa mukha atsaka pumikit. Ewan ko nga ba kung bakit ko iyon ginawa, hindi ko rin alam kung matutulungan ba ako ng ginawa ko. Hays, antanga ko lang.
Teka, bakit wala akong naramdaman? Bakit walang nangyayari? Idinilat ko ang mga mata ko at nagulat ako sa aking nakita.
Hawak sa leeg ng isang taong nakagray hooded jacket ang lalaking nakaitim. Hindi ko mamukhaan ang taong iyon dahil nakatalikod ito mula sa akin, pilit namang tinatanggal ng lalaking nakaitim ang kamay nung nakagray hooded jacket. I was stunned, frozen on my spot, ni hindi ko magalaw ang mga binti ko.
I gasped noong biglang naging usok ang lalaking nakaitim at pakiramdam ko'y ilang saglit pa bibigay na ang mga binti ko sa takot.
"Get inside, now." Para akong binagsakan ng malamig na tubig nong marinig ko ang malamig ngunit familiar na boses ng lalaki na nagpabilis nang tibok ng puso ko.
Pero para akong nahypnotismo dahil agad ko naman itong sinunod. Kaninang hindi ko magalaw ang mga paa ko, ngayon mabilis pa sa alas quatro na tumakbo papasok sa bahay. Mabilis ngunit tahimik akong tumungo sa kwarto hawak-hawak ang puso kong kaybilis tumibok.
Hindi ko alam kung bakit, dahil ba sa takot ko sa nangyari o 'di kaya'y... dahil dumating na rin siya? Ang boses na iyon, iyon ang boses ng lalaking nagbabantay sa akin tuwing gabi dito sa kwarto. Siya iyong taong, napapanatag ako kapag ramdam ko ang presensya niya.
Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko na hindi ko namalayang... nakangiti na pala ako. Umupo ako sa kama at kinagat ko ang labi ko upang pigilang ngumiti.
Nakalimutan ko na nga ang takot na naramdaman ko kanina, kaya nakakapagtaka. Humugot ako ng malalim na hininga atsaka humiga sa kama, kailangan ko na talagang matulog. Gabing-gabi na at may pasok pa ako bukas pero hindi ko mapigilang mapa-isip.
Sino ang lalaking naka-itim? Bakit siya nandito sa bakuran? Paano siya nakarating sa area namin? Kakainin niya ba talaga ako kanina? At bakit... bakit bigla siyang naglaho na parang usok na itim? Agh! Andaming gumugulo sa isip ko.
Kung hindi dumating ang nakagray hooded jacket, tingin ko katapusan ko na. Lesson learned na rin sa akin ito, sa susunod hindi na talaga ako lalabas tuwing gabi.
Bumuntong hininga ulit ako, napapa-isip kung pupunta pa kaya siya dito sa kwarto? Andami kong gustong itanong pero kapag kaharap ko siya, kahit na hindi ko siya nakikita parang nawawala ang mga alalahanin ko. I'm just contented by his presence.
Habang ako'y nag-iisip, naghihintay sa kaniya hindi ko namalayang nakatulog na ako. Ngunit ilang sandali pa'y may naramdaman akong humalik sa noo ko, panaginip ko na siguro.
*****
"Couz! Bilisan mo na dyan!" Narinig kong hiyaw ni Irica sa labas ng kwarto ko.
Madali ko namang sinuot ang uniporme ko, "Wait a minute!" Sigaw ko sa kaniya.
"Couz, you should say wait an hour hindi minute!" Sambit ni Irica sabay namang dinig ko ang mga papalayong hakbang nito.
"Tch." Napailing na lamang ako sa inasal nito.
Hindi parin maalis sa isipan ko ang nangyari kagabi. Ano kayang ginawa nung lalaking nagbabantay sa akin bakit wala siya ng ilang gabi? May masama bang nangyari?
Agh, bakit ba assumera ako? Baka nagbabantay naman sa ibang bahay. Impossible namang ako lang ang binabantayan nun, bago lang ako sa bayan na ito mayroon agad knight.
Baka naman patrol lang iyon at naisipang dito sa kwarto ko magtambay. Ano ba naman itong pinag-iisip ko.
Matapos kong magbihis ay kumaripas na agad ako patungong sala kung saan naghihintay si Irica.
"Sa wakas, tara na!" Aya niya ng may malapad na ngiti.
"Mom! Dad! I'm going!" Sambit ko sa mga magulang ko sabay halik sa kanilang mga pisngi.
"Mag-ingat ka Laica." Paalala ni mommy at agad naman akong tumango.
Habang nasa sasakyan, hindi ko mapigilang mapa-isip. Papasok kaya si Mathew? I shook my head, agh! Bakit ko ba siya hinahanap?
Tsaka, lately hindi ko na kilala ang sarili ko. It seemed like, hinahanap ng isip, katawan at puso ko si Mathew... pati narin ang lalaking nagbabantay sa kwarto ko tuwing gabi. Shit, mukhang inlove na nga ako sa dalawa pero hindi pwede ito.
On the other hand, wala naman sigurong masama ang magkaroon ng admiration sa dalawang tao. Admire lang naman eh, admire lang ba? Ano ba namang isip to!
"Laica, ayos ka lang? Napapasabunot ka naman dyan sa buhok mo. Ano bang nagpapabagabag sa iyo?" Biglang tanong ni Irica kaya napatingin ako sa kaniya.
"Wala naman, napa-isip lang ako Irica." Sambit ko.
Tumingin ako sa bintana ng sasakyan at nakitang malapit na pala kami sa school.
"Ano bang iniisip mo? Si Mathew na naman iyan ano? Naku, nahulog ka na ng tuluyan sa kaniya Laica. Kung ako sa iyo, maghanap ka na ng iba, para ka nang baliw minsan eh." Saad na Irica sabay buntong hininga.
"Naguguluhan lang talaga ako, parang may hindi tama." Bulalas ko pero alam kung dinig nito.
"Hindi tama saan?" Takang tanong niya.
"Sa mga nangyayari."
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...