Maaga akong nagising at nagbihis na, today is Friday. Tomorrow, makapagpahinga na rin ako mula sa klase since it will be Saturday.
Biglang nag popped sa isipan ko ang mukha ni King, makikita ko kaya siya mamaya? Hindi ko alam ang mukhang ihaharap sa kaniya, baka nga nakalimutan na ako nun eh. Para kasing sa ginawa niya kahapon eh sanay na sanay na siyang humalik sa babae, baka naman kasi lahat ng babae eh hinahalikan niya. I sighed, sino ba naman kasi ako para gawin niya 'yon diba, impossible namang na attract sa beauty ko.
"Laica! Irica is here." Tawag ni mommy.
"Coming!" Sagot ko at dali-daling nag-ayos, dahil medyo mahaba naman ang buhok ko, inilagay ko ito sa gilid ng leeg ko upang matago ang hickey na hanggang ngayon hindi pa rin nawawala, nilagyan ko na 'to kanina ng liquid foundation na pantay sa kulay ko para hindi masyadong pansin. Hinugot ko na rin ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto.
Bumaba akong hagdanan at natagpuan si Irica sa salang umiinom ng gatas.
"Tara na?" Sambit kong tanong.
"Oh Laica, teka sandali." Mabilis na ininom ni Irica ang isang baso ng gatas sa iilang lagukan lang, "Tara!" Aya nito at tumungo na sa pintuan, nauna pa sa akin.
Nang makalabas ako'y nakita ko si Irica na naghihintay na sa kotse, pumasok na rin ako'ng kotse at hinarap siya "Excited ka ata?" Tanong ko.
Ngumisi ito na para bang may madilim na plano "Sigurado akong darating mamaya si Luke, Laica. Kaya naman ipinaghandaan ko ng mabuti ito." Binuksan nito ang bag niyang kanina'y nakasabit sa kaniyang likuran, inilabas nito ang sandamakmak na make-ups.
"Ano yan?" Gulat kong tanong.
"Make-ups," pasimple niyang sagot "Hindi mo ba 'to alam? Ito 'yong nilalagay-" pinutol ko na ang sasabihin niya.
"I know what is that, ba't ang dami!? Ikaw lang ba gagamit niyan lahat?" Tanong ko habang naramdaman kong tumatakbo na ang sasakyan.
Kung ilalagay niya sa mukha niya lahat, makapal naman ata masyado, makikilala pa kaya siya ni Luke?
"Of course not, share tayo dito noh. Para naman umayos 'yang mukha mo at mapansin ka ni King. Hindi ka mapapansin nun kung haharangan mo lang siya gaya nu'ng nerd noong nakaraan." Sambit nito.
Tch. Napansin na ata ako nun eh, hinalikan pa. Pero... "Ahm... Irica..?"
Humarap ito sa akin habang naglalagay ng blush on sa mukha niya "Yes couz?" Balik nitong tanong.
"Ahm... in any case bah... may nabalitaan ka bang, nakahalikan ni King? I mean, marami na ba siyang nahalikan?" Nagdadalawang isip kong tanong.
Bigla itong napatigil sa ginagawa at tumingin sa akin ng diretso sabay ngisi "At bakit mo naman natanong iyan, Laica?" Panghahamon nitong tanong.
"Ah... eh..." sasabihin ko bang hinalikan ako ni King kahapon? "Ah, wala. Sumagi lang kasi sa isip ko. Alam mo namang gwapo siya diba? Kaso nga lang nakakaturn-off kung, playboy." Depensa ko.
Natawa naman ito "Si King? Playboy?" Sambit nito habang tumatawa.
Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?
"Si King lang ang kilala kong, dakilang LOYAL." Madiin pa nitong binigkas ang salitang loyal habang nakangiti ng malapad.
"Loyal?" Tanong ko.
"Diba sinabi ko sa'yo noong nakaraan, hindi 'yan tumitingin sa kahit na sinong babae. Swerte mo nga tinignan ka noong nakaraan eh, iyong naglakas loob kang sagupain siya," natawa naman ulit ito "Pero, nakakapagtaka lang, tinignan ka rin niya kahapon..."
Hinalikan pa nga ako nun kahapon eh, pero hindi ko sinabi kay Irica baka hindi ako tigilan.
"Anyways, as I have said. Sa sobrang pagmamahal niya sa yumao niyang asawa, 'di na siya ulit nagmahal pa o nagbigay ng pagtingin sa kahit na sinong babae, kahit pa ipinalandakan ng mga babae 'yong sarili nila kay King, sa tingin mo may hahalikan pa 'yon?" Sambit nito atsaka tumawa naman ulit.
So, ako pa lang talaga ang hinalikan niya maliban sa yumao niyang... asawa? Pero bakit?
"Nakita mo na ba, ang... asawa ni King?" Tanong ko, medyo nahirapan pa akong banggitin ang salitang asawa, bigla na lamang akong... nalulungkot sa hindi ko malamang dahilan.
Napaisip ito "Hindi eh... hindikonanaabutan." Sagot nito pero 'yong mga huling salita hindi ko na naintindihan sa sobrang hina ng boses niya.
"Ano ka'mo?" Pagtatanong ko.
"Ah... eh wala, ang sabi ko, hindi ko nakita." Sagot nito.
Tinitigan ko siyang maigi, parang may iba sa kinikilos nito.
"O'sya tutuloy ko na 'tong pagmemake-up ko, maglagay ka na rin diyan sa mukha mo nang gumanda ka lalo." Saad nito.
"Sige, ituloy mo na." Tumingin ako sa bintana ng kotse at humugot nang malalim na hininga.
Pero bakit? Bakit niya ako hinalikan kung mahal na mahal niya ang yumao niyang asawa? Anong nakita niya sa akin?
Kung tanungin ko kaya siya? Eh ayaw ko namang lumabas na, papansin at isa pa, nahihiya talaga akong lapitan siya. Tuwing naiisip ko pa lamang si Mathew biglang umiiba ang pakiramdam ko, sumisikip ang dibdib ko habang lumalakas ang kabog nito. Malaki ang epekto niya sa akin, bakit... bakit sa kaniya pa kasi.
Bakit... bakit niya ako pinapahirapan ng ganito? Iyong pakiramdam na gustong-gusto ko siyang hagkan, gusto kong palagi siyang nakikita... nakakasama, ang pakiramdam na... umaasa akong mamahalin niya rin ako, ito 'yong nararamdaman ko ngayon. Lumala lang ito dahil sa nangyari kahapon, pakiramdam ko kasi, may sumabog na nakatagong pagmamahal sa puso ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling, pero ramdam ko, ramdam ng puso ko.
Ilang araw pa lang eh... pero parang ilang taon na. Hindi ko namalayang, may tumulong luha na pala mula sa mata ko, mabuti na lang at nakaharap ako sa bintana kaya hindi agad napansin ni Irica. Palihim ko itong pinunasan... bakit? Bakit ako nasasaktan ng hindi ko man lang namamalayan? Nang hindi ko... napapansin.
I think, he needs to answer this.
*****
Nang makarating kami sa school ay agad kaming nagtungo ni Irica sa classroom. Ilang sandali pa'y pumasok na rin ang teacher namin at nagsimula nang magdiscuss ngunit pagkatapos ng ilang sandali... nakarinig kami nang sigawan dahilan upang mapatayo ang karamihan sa classroom, kasali na doon si Irica.
"Laica! Siguradong dumating na ang baby Luke ko." Kinikilig na sambit ni Irica, hindi lang naman siya ang nag-ingay kundi halos lahat ng mga babae kong kaklase.
"Tumahimik ka nga, Irica. May klase pa tayo eh." Sambit ko rito ngunit ramdam ko ang puso kong nagsisimulang kumabog ng hindi dapat sa kaisipang, maaari ngang dumating si Mathew.
"Ano ka ba naman Laica, excuse ang mga students kapag dumating ang 3ks ano, that's respect for the 3ks, tignan mo iyong iba nagsisilabasan na sa mga classrooms nila para makita ang 3ks at makapagbigay galang. Kitams, may teacher pa nga oh." Saad nito habang nakatingin sa bintana.
Ganoon ba dapat dito? Kailangang magbigay galang sa tatlo? Wow hah, para namang mga royals ng kaharian na dapat sinasalubong, iginagalang nga talaga sila pero kung titignan, ginagalang sila dahil sa taglay nilang yaman. Impossible namang may iba pang reason since, si Mathew ang may ari ng school at ang iba niyang mga kasama ay most influential din.
"Tara na!" Mabilis akong napatayo dahil sa biglaang pagguyod sa akin ni Irica at kinaladkad ako patungo sa kung saan makikita ang inaasahang 3ks.
***** viona99 *****
I hope na nagustuhan mo, please vote and comment. Thank you!
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...