Lumipas ang araw at gabi na nang marealize kong nakatulala na lamang ako dito sa bintana tanaw ang kadiliman ng gubat. Hindi ko namalayang oras na ang lumipas simula ng iniisip ko si King. Bakit nga ba hindi siya maalis sa aking isipan? Ano nga bang meron sa kaniya?
Kagwapuhan, oo inaamin ko naman eh, hindi naman kasi maikakaila iyon... pero, ang mga nangyari kanina... it keeps replaying on my mind. Paano ba naman kasi Laica, nahulog na loob mo dun!
I sighed, darating kaya siya bukas? Oh shit, umaasa ba ako? This isn't me anymore, my hormones is taking the lead on my systems. This shouldn't be.
Naisipan kong isara na lamang ang kurtina since my window is a sliding glass covered with a pink curtain at pinatay ang ilaw sabay dumiretso na sa higaan, komportable kasi akong matulog kapag patay ang ilaw. I closed my eyes, para madali na lamang akong makatulog since ang hirap ngayon dahil hindi ako dinadalaw ng antok ngunit bigla na lamang nag popped up sa isipan ko ang mukha ni King. Shit! Nababaliw na ba ako!?
I looked at the time above the table near my bed to see that it was already 10 pm, I could see the time since the numbers produces light which is visible at dark. Hinayaan ko na lamang ang sarili na muling pumikit at piliting matulog.
"Aish!" Napabalikwas ako ng bangon sabay ginulo ang buhok ko. Bakit ang hirap matulog? Tinignan ko ang orasan, it's already pass midnight.
I sighed.
"Still can't sleep, love?"
Gulat na gulat ako ng marining ang malumanay at napakagandang boses lalaki mula sa corner ng kwarto ko. Dahil sa dilim hindi ko maaninag ang mukha kahit na katawan pa nito, wala akong makita.
"Sino ka!?" Tanong ko as I cowered closer to the headboard of the bed. Nakatulog ba ako at panaginip lang 'to? Pero... his voice seems familiar, I just don't know when and how did I met that same voice.
"Don't be afraid of me, love." Sambit nito sa malungkot na boses at hindi ko maintindihan kung bakit para bang bumigat ang puso ko.
Huminga ako malalim sabay pikit, idinilat ko ang aking mga mata at muling nagsalita "Ikaw ba ang pumupunta rito tuwing gabi?" I asked, this time, kumalma na ako.
"I can't leave you alone at night, love. this place is not what you think it is." Sagot nito. Wait- his voice! Parang magkatulad sila ni... King! Pero impossible iyon, King's voice is too cold, nakakatakot at para bang boses pa lang nito deadly na.
But him... he's different, napakamalumanay ng boses nito na para bang may halong... care and... love. Love?
"Bakit? Bakit mo ito ginagawa? Bakit mo ako binabantayan?" Tanong ko na may buong pagtataka.
"It's late love. You should go to sleep." Malumanay na sambit nito dahilan para mapahikab ako dahil sa antok. His voice is like a lullaby, ewan ko ba, naaddict ata ako sa boses niya.
I nodded na para bang nahypnotize ako sa boses nito, I laid back down since inaantok na rin naman ako at isa pa, paniguradong panaginip lang ito, panaginip nga ba? Aish! Itulog mo na kasi Laica, ayan tuloy, nababaliw ka ng naririnig ang boses ni King, malumanay pa! Aba, iba na epekto ni King sa akin ah. Tch.
"Alam mo, kaboses mo 'yung arroganteng King sa school." Mahina kong sambit as I sighed "He just invade my mind, pati ba naman pagtulog ko naririnig ko pa boses nun. Nababaliw na ata ako." Pahiga akong tumagilid to find the most comfortable position and closed my eyes.
Sa sobrang antok ko'y nakatulog na ako pero bago pa man ako makarating sa dream world ay nakaramdam ako na para bang may humalik sa noo ko, "I love you." The whispers I heard at hindi ko na alam kung ano ang nangyari.
*****
"Hoy! Buhay ka pa ba?" Tanong ni Irica habang naglalakad kami sa roadway patungong canteen.
"O-oo naman, bakit?" Balik kong tanong.
"Kanina pa ako satsat ng satsat dito, ni parang hindi ka naman nakikinig." Reklamo nito.
"Nakikinig ako... continue mo lang." Sambit ko.
"Ahh nakikinig ka, tapos na akong magsalita eh. Kung nakikinig ka nga, anong sinabi ko?" Panghahamon ni Irica.
Ngumiti ako "Ahm... ano bang sinabi mo?" Tanong ko habang kinakamot ang leeg dahil nahuli lang naman ako.
She sighed "And sabi ko Laica, dumating daw sila King kanina, na late lang sila."
"Ahh sila King lang naman pala, wait- King!? Akala ko ba absent sila?" Taranta kong tanong, naku baka makita ako.
"Akala ko nga rin, mostly kung late, paniguradong hindi na dapat iyon pumunta, ewan ko ba kung bakit dumating silang tatlo, second subject na nga sa umaga saka sila dumating eh. But on the other hand, kyaaa! Makikita ko pa si Baby Luke!" Kinikilig na hiyaw ni Irica.
"Paano ba yan, baka makita ako ni King." Pangangamba ko, baka magreklamo iyon kung bakit nandito pa ako.
"Edi huwag kang magpakita, madali lang iyan." Sambit ni Irica na wala man lang halong pag-alala. Iniisip lang nito si Luke eh.
Teka... para bang nakakaramdam ako na may nagmamasid sa akin. I looked around, nakikita ko ang mga lalaking naglalaro ng basketball sa may field kung saan may basketball court sa kabilang gilid, mga babaeng nanonood at ibang namamasyal, may mga nakikita rin akong nadedate.
Pero, ano tong nararamdaman ko? Iba eh, para bang may nagmamasid sa akin but looking around, wala naman. I sighed, kunsabagay, baka sira lang instinct ko since palagi ko naman itong nararamdaman, however, this time malakas ang instinct ko not the usual I had.
Bigla na lamang dumapo ang tingin ko sa pinakamalapit na building and looking right at the second floor... nagtama naman ulit ang aming mga mata dahilan para bumilis ang pintig ng puso ko, those hazel eyes were like the most beautiful stars I've ever seen, kahit maliwanag ang paligid at malauo siya, pakiramdam ko ay napakalapit niya, my eyesight became a telescope that I could see him the nearest. At para bang may connection kaming dalawa, parang gusto ko siyang puntahan, kausapin... at hagkan. What the heck? Anong nangyayari sa akin? Hindi na ito normal.
"Wala na akong magagawa, nakita na ako Irica." Bulalas ko habang hindi naalis ang tingin sa kaniya, naramdaman ko namang tumingin si Irica sa direction na tinitignan ko at agad namang nagtitili sabay kaway ng kamay, katabi lang naman kasi ni King si Luke na nakatingin sa direction namin at Rio na nakangisi... bakit parang ako ang tinitignan nilang tatlo? Dahil ba ito sa ginawa ko kahapon?
I shook my head para bumalik ako sa katinuan at hinawakan ang kamay ni Irica sabay lakad ng mabilis.
Bakit simula nang dumating ako rito sa bayan ng Gargantilla... napakaraming kababalaghan at kakaibang pangyayari ang nangyari sa buhay ko, ano ang hindi ko alam? Sino ang lalaking pumupunta sa kwarto ko? Panaginip lang ba iyon? Panaginip lang ba ito lahat?
"I can't leave you alone at night, love. this place is not what you think it is."
Hindi. Hindi panaginip, ano ang hindi ko alam? Ano ang lugar na napuntahan namin ng pamilya ko? That is what I have to find out.
**** viona99 *****
I'm so sorry for the delay, I got so busy that I lose time for writing. But then, babawi ako. Maraming salamat sa support!❤❤
BINABASA MO ANG
Mine From Death
Fantasy"Please take care of my wife." Inabot ng Ginoo ang isang babaeng sanggol sa dalawang mag-asawa. Halata ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Ngunit mahal na Hari, hindi kami karapat-dapat na mangalaga sa mahal na Reyna sapagkat isa na lamang k...