15

549 29 4
                                    

15

Palakad-lakad siya habang tinatanaw din ang makapigil hiningang view ng Vienna. Napangiti siya habang nakikita ang mga nag-gagandahang architectural formations mula sa napakalaking bintana.

Ilang ring lang at nasagot ang kanyang tawag, "Hi, darling!" Masayang bati niya sa nobyo sa kabilang linya.

"Hi, darling. How was the second day?"

Pumunta sa single-bed niya si Dawn atsaka humiga roon, "Medyo nakakapagod ngayon. But the good thing is, I was able to find a loft near the school."

Sa pangalawang araw kasi niya sa Vienna ay kailangang makahanap ni Dawn ng pansamantalang titirahan niya base sa mga rekomendasyon ng Primehall, ang school kung saan niya ipupursue ang kanyang graduate studies.

"It's four in the afternoon, there, right Dawn? Magpahinga ka muna." Pahayag naman ni Killian sa kabilang linya.

Tumango-tango naman si Dawn, "I just called to ask about your check-up yesterday?"

Noong umalis kasi si Dawn ay hindi siya naihatid ni Killian sa airport dahil sa mga tila pantal na nakikita sa kanyang balat, natakot si Killian na baka nakakahawa pala iyon at mahawa si Dawn kaya si Kuya Dusk na lang niya ang naghatid. "Hindi mo ako binalitaan. German measles ba?"

"Yes. Mabuti na lang talaga at hindi na ako nag-insist na ihatid ka. I'm currently at my condo to isolate myself."

Napalabi naman si Dawn, "Sinong nag-aalaga sa'yo niyan diyan?"

Killian chuckled on the other line, "I can handle myself, this is not the first time I had it. Magiging mabilis lang recovery ko because I got a shot already. In fact, the rashes are almost gone, they are starting to fade."

"I'll visit you there once I go home, okay?"

"Okay, Dawn. Just visit me here in my unit."

"I miss you already! Akala ko apat na araw lang, naging isang linggo na pala."

Nadinig niya ang halakhak ni Killian sa kabilang linya at ang pagsinghot, sinisipon din yata ang kanyang nobyo. "I miss you too, Dawn. So damn much. I wish I could be there for you, always."

Napangisi naman si Dawn, "You owe me a week-long date."

"I love you, Dawn Yin. Only you deserve our name, Mijares. Sa'yo ko lang ibibigay ang pangalan ko."

Ibinaon ni Dawn ang mukha sa unan, "Killian naman eh, oo na, I miss you and I love you so much. Let's take our rest now, mmkay?"

"Okay, darling. I love you. I really do."

"I know."

"Let me sing you a lullaby, darling. So that you could sleep well." Killian offered and cleared his throat while Dawn fixed her body on top of the bed, took a pillow and hugged it.

Inilagay niya sa loudspeaker mode ang kanyang phone at itinabi iyon sa kanyang unan. "Go on." Di niya mapigilang kiligin dahil sa napakasweet na si Killian.

When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love
Will your eyes still smile from your cheeks

Hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi kahit nakapikit na ang kanyang mga mata.

And darling I will be loving you 'til we're 70
And baby my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon