2

888 42 1
                                    

2

Pinapakinggan pa ni Dawn ang speech ng tagapagmanang D'Matteo nang maramdaman ang biglang paghawak ng kanyang ina sa kanyang braso.

"Mama?" Bahagyang nangamba si Dawn lalo pa at salo-salo ng ina ang kanyang ulo. "What are you feeling po?"

Nilingon siya ng kanyang ina, "Hija, I think I'm having a migraine."

"We should go home, Mama." Aya niya atsaka pinaikot sa mismong braso niya ang paunang braso ng ina at inalalayang makalakad.

Eksaktong nagpalakpakan naman din ang mga tao dahil tapos na siguro sa speech niya ang binatang D'Matteo.

Hinanap nila si Miss Garcia kaagad, "You were so great back there." Parang pilit pa ang pagkakasabi ni Miss Garcia nang lumapit sila. Ayaw sigurong tanggapin ang pagkapahiya kanina.

"Miss Garcia, since we're done, I hope it's okay for us to leave, my Mama does not feel okay."

"Sure. Thanks for tonight, Mrs. and Ms. Yin."

Problemado pa si Dawn dahil wala silang sasakyan, kaya naman pumuwesto sila sa may façade ng hotel para makapag-abang ng taxi.

"Saglit lang po, Mama." Nais ni Dawn na maglakad palayo roon para makapag-abang ng taxi dahil hindi sila masyadong kita sa pwesto ngayon.

"I'm sorry, Dawn. Hindi ko rin matawagan si Dusk dahil paniguradong nasa Magnitune pa siya."

"That's fine, Mama. Let's just wait for a taxi." Balak niyang iwan saglit ang ina para makapag-abang sa may sidewalk.

"You're waiting for a taxi, ladies?"

Sabay silang napatingin sa lalaking nakasuot ng all black suit. Nangunot ang noo ni Dawn dahil hindi naman niya kilala ang lalaki. Napayakap siya tuloy sa kanyang ina, "Who are you?"

The guy must have felt their anxiety, "Oh, I'm sorry." Napakamot siya sa kanyang batok, "I'm a staff here po. Stay here, and I'll be looking for a taxi."

Hindi pa man sila nakakasagot ay lumayo ang lalaki at ilang sandali pa ay bumalik na ang lalaki at nakabuntot na roon ang isang taxi.

Nawala ang kaba sa puso ni Dawn, mukhang sinsero naman talagang tumulong ang lalaki. Pinagbuksan pa sila ng pintuan. "Ahm, thank you po." Magalang na pasasalamat ni Dawn habang inaalalayang sumakay ang kanyang ina.

The guy smiled and nodded, "I'm glad to help." Nilingon niya ang taxi driver, "Sir, please make sure to drive them home safely."

"Oho."

Pagkasakay nila ni Dawn ay kita pa niyang pumuwesto sa may likuran ng taxi ang lalaki tila tinitignan ang plate number ng taxi.

Nagkibit-balikat na lamang siya atsaka na sinabi ang address sa taxi driver.

"Ma, kailangan ko na po sigurong matutong magdrive." Pahayag ni Dawn habang inaalalayan na sa paghiga ang ina matapos nilang makapag-hilamos.

Her mother made a weak smile, "Ask your Kuya Dusk about it. Para na rin magamit iyong Picanto, walang gumagamit."

Sa kanilang pamilya, tanging ang Ate Luna at Kuya Dusk lamang niya ang marunong magmaneho, kaya naman sina Dawn at ang kanyang ina ay hatid-sundo ng kanyang Kuya Dusk.

Pwera na lamang kay Dawn na nagcocommute kapag uuwi galing sa eskwela.

"I'll tell him." She leaned forward and kissed her mom's forehead. "Good night, Mama."

"Good night, darling."

Dawn went to her own room. She could not sleep because of what happened tonight. Nang maalala niya ang gwapong si Killian Mijares na nakasuot ng isang suit ay kaagad niyang binuksan ang phone at pinuntahan ang kanyang Instagram.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon