39
Napangisi naman siya nang marinig ang maiingay na talak nina Tracy pagkalabas sa common elevator.
"Uy, Dawn? Halika na." Pag-aaya nina Connie sa kanya.
Lunch break na kasi at minsan ay sinusundo pa siya ng tatlong kasama sa 35th floor. Umiling si Dawn atsaka pinakita ang isang kulay pink na insulated lunch bag. "I brought my own food."
Napanguso naman silang tatlo, "Na naman? Huwag ka namang magbaon minsan. Ang lonely mo kaya rito." Nagpalinga-linga pa si Tracy sa may pintuan ng opisina ni Ridge. "Hmm, andiyan ba si senyorito yummy?"
Mahinang naghagikgikan silang tatlo sa harapan niya habang siya ay napailing lang, "Nandiyan, pero lalabas na niyan dahil maglalunch na."
"Hah? Hindi ba binibili mo ng lunch?" Takang tanong ni Yna naman at hindi maalis-alis ang titig sa pintuan ng opisina.
Umiling naman si Dawn, "Nagtataka rin ako, ang sabi niya hindi ko na raw trabaho yung sa lunch niya." Napalingon lahat sila sa pintuang bumukas at niluwa niyon ang matangkad at makisig na si Ridge.
"Good afternoon po, Sir Ridge!" Sabay-sabay na bati ng tatlo.
Tumango naman si Ridge at napalingon kay Dawn, "It's lunchtime." Mula kay Dawn ay nalipat ang tingin niya kina Tracy. "I see, you're going to have lunch with her?"
Umiling naman silang tatlo at nagsalita si Connie, "Hindi po."
Nabalik ang tingin ni Ridge sa kanya at mukhang handang sermonan siya nang pinakita ni Dawn ang lunch bag niya. "I brought my own food, Sir Ridge."
Isinara ni Ridge ang bibig atsaka tumango, "Well then." Huling sambit niya at diretsong naglakad sa executive elevator.
Nang tuluyang mawala si Ridge ay nagtilian sina Tracy.
"Nakita mo kung gaano kahapit yung slacks niya?"
"Oo! Ang sexy ng mga hita! Sarap kumandong at gumiling sa ibabaw niya!" Nag-init ang pisngi ni Dawn sa narinig kay Yna.
"At ang shoulders! Ang broad! Sarap kumapit habang niyayanig niya yung mundo mo!"
Napailing na lamang si Dawn sa pagpapantasya ng tatlo. Nang makaalis na silang tatlo ay inumpisahan naman ni Dawn na ihapag ang kanyang tanghalian.
Sa loob ng lunch bag ay ang bento box style lunch box. Napaikot niya ang dila sa labi nang makita ang laman ng kanyang pagkain na nagpagutom sa kanya lalo. Grilled chicken thigh, corn salad and sliced apple. In her previous work, she got used to it, eating homemade food.
Hindi naman sa hindi siya nasasarapan sa pagkain sa cafeteria, ang gusto kasi ni Dawn ay mas nakakain niya ang gustong kainin at napipili niya kung ano ang healthy. Kaya madalang na lang siyang nakakasabay kina Tracy, Connie at Yna.
She was still enjoying eating the slices of apple when the executive elevator chime. Napatayo naman siya nang makitang si Ridge iyon. Nang makita siya ni Ridge ay lumapit naman sa kanya ang kanyang boss.
Nakatingin si Ridge sa nakalapag niyang bento lunch box. "You don't like the food in the cafeteria?"
"Ahm, hindi naman. Kapag kasi nagbabaon ako mas napipili ko yung pagkain. Masarap naman yung pagkain sa cafeteria. I just want to eat healthy food too."
Nakatingin ngayon si Ridge sa hawak-hawak ni Dawn na hiwa ng mansanas, "Ahm, gusto mo Sir Ridge?" Kinuha niya ang lunch box atsaka nilahad iyon kay Ridge.
Nakangiting kumuha naman si Ridge ng isang piraso at kaagad kumagat. Napangiti naman si Dawn dahil parang nagustuhan ni Ridge gaano katamis ang mansanas na kinakain.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...