12
"Direktor ba talaga siya o model?" Iyon ang mahinang bulong sa kanya ni Karter habang pinagmamasdan ang matangkad na babae na may-ari ng balingkinitang katawan, porselanang kutis at may katangkaran.
"She's like a beauty queen." Iyon na lamang ang nakomento ni Dawn habang pinagmamasdan nila ang babaeng seryosong nakikipag-usap sa mga theatre actors, katabi din ng babae ay si Killian na nagbibigay din marahil ng kanyang opinyon dahil siya ay co-director.
Katatapos lang ng kanilang rehearsal sa middle act ng musical play. Mamayang hapon ang pagreresume ng rehearsal.
"Ano Dawn? Uso maglunch?" Napahalakhak na lamang si Dawn dahil sa aburidong hitsura ni Karter. Nahuli na naman siyang pinagpapantasyahan ang kanyang kapatid na si Killian.
"Teka lang, ang gwapo kasi ni Killian habang kausap niya yung director oh." Nginuso niya ang direksyon ni Killian na ngayon ay kausap ang main director na si Ms. Macey Palermo.
"Hindi ka ba nauumay sa pagmumukha ni Kuya? My gosh, Dawn! Hatid-sundo ka niya, tapos hanggang dito sa school pagmumukha niya nakikita mo."
Humagikgik si Dawn atsaka niligpit na muna ang kanyang violin, "Ikaw talaga, pakiramdam ko tuloy kapag bayaw na kita, pagmamalupitan mo 'ko!"
Pagkalingon niya kay Karter ay hindi na nakatingin sa kanya ang kaibigan, sa halip ay laglag ang panga at nakatingin sa may likuran ni Dawn.
"Huy, papasukan ng langaw bibig mo." Natatawang sambit niya at sinara ang bibig ni Karter.
Nakita niya ang paglunok ng kaibigan tila ba may nakakatakam na pagkaing nakikita kaya lumingon na si Dawn sa kung anumang nakikita niya roon sa likod.
Kaya naman pala ganun ang reaksyon ng kaibigan, kapapasok lang sa theatre hall ni Ridge. Marami ang napapatingin sa kanyang direksyon, habang si Ridge ay palinga-linga sa paligid tila ba may hinahanap.
"Shit, nandito na ang ulam ko Dawn." Tarantang bulong ni Karter sa kanya habang may kasamang pisil sa kanyang braso.
"Umayos ka nga, kaibigan yan ng Kuya mo." Singhal niya kay Karter habang pinapanood si Ridge.
Parehas silang napasinghap ni Karter nang mabaling ang tingin ni Ridge sa kanilang direksyon, hindi na nagpalinga-linga pa si Ridge at diretsong lumakad sa kanila. Humigpit ang kapit ni Karter sa kanyang braso at pinigilan ni Dawn ang mapangiwi.
"Hi Kuya Ridge!" Masayang bati ni Karter.
Tumango naman si Ridge, "Hey, Karter." Sunod ay lumingon siya kay Dawn, "Hi, Dawn."
"Hi!" Masayang bati pabalik ni Dawn. "Buti nandito ka?"
"I just had a meeting with the finance department. The centennial is very near." Sagot naman ni Ridge atsaka napatingin sa paligid. "Tapos na ang rehearsal?"
Sasagot na sana si Dawn pero naunahan siya ni Karter, "Iyong morning rehearsal namin tapos na Kuya, mamayang after lunch tutuloy ulit kami sa rehearsal."
Nagsalita naman agad si Dawn, "Tama si Karter." Ngumuso naman si Dawn, "Wala bang libreng palunch at pameryendang nabanggit sa meeting niyo?"
Tinampal ni Karter ang kanyang braso, "Dawn, ang PG mo!" Asik ni Karter sa kanya.
Nakita ni Dawn ang pag-awang ng bibig ni Ridge at kalaunan ay bahagyang ngumuso pinipigilan ang pagngisi, "Hindi nabanggit sa meeting. I'm sorry, let me do something about it next time."
"Naku, Kuya Ridge! Huwag mo masyadong sineseryoso ang sinasabi ni Dawn." Hinila siya ni Karter palayo kay Ridge. "Tara na nga, kumain na tayo!"
"Hindi ka sasamahan ni Killian?" Tanong ni Ridge.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...