34 (PART 1)
"I need to see you, Ridge. Please." She begged while her gripped on the phone tighten.
Ridge remained quiet for few seconds, "What's wrong, Dawn? You've been like these since yesterday."
She bit her lower lip that it almost bled but she did not care, "Please, Ridge." Gumaralgal ang kanyang boses. "Meet me at the sanctuary tonight. I don't care what time are you going to see me. If you truly want me in your life, you're going to show up. Kung mahal mo 'ko ... pakikinggan mo 'ko, pupuntahan mo 'ko."
"Dawn, baby I don't—"
Hindi na niya pinatapos si Ridge at binaba ni Dawn ang tawag. Nanghihinang umupo siya sa gilid ng kanyang kama at naipatong ang dalawang palad sa kanyang mukha.
Tumunog muli ang kanyang phone pero nang makita niyang si Ridge ang tumatawag ay hindi niya sinagot.
Hapon na nang magbihis siya para makapaghanda sa kanyang pag-alis. She just wore a simple tee and jeans.
"Dawn, where are you going?" Her mother looked so confused.
Dawn smiled then kissed her mother's cheek, "I just need to go somewhere po, Mama. D-Don't wait for me, malate po akong uuwi."
"Saan ka ba pupunta anak?" Hawak-hawak ng kanyang ina ang kamay ni Dawn.
Para mapanatag ay pinili ni Dawn ang magsinungaling, "May gig po ako sa Euphoria at magkikita kami ng mga co-workers ko po roon."
Tumango naman ang kanyang ina, "Papunta sina Kuya Dusk at Ate Donna mo rito, dito sila matutulog."
"That's great. Paano, Ma? Una po ako."
Lumabas na siya ng bahay at dumiretso sa may garahe para gamitin ang kanyang Cruze. Halo-halong emosyon na ang kanyang nararamdaman pero mas nagiging dominante ang kaba, kaba na baka mamaya ay mapahiya lang siya sa mga sinabi niya kay Sav at kaba sa pwedeng maging patutunguhan ng kanilang usapan.
When she reached her destination, and saw that place they called sanctuary she smiled. Maayos niyang naipark ang Cruze sa tapat ng modern nipa house.
Ang sasakyan lamang niya ang nandoon kaya napagtanto niyang wala pa si Ridge. She took the spare key she has inside her pocket and stayed inside.
Lots of memories filled her mind when she saw the place. Parang kailan lang hindi pa niya alam na siya ang crush na tinutukoy ni Ridge noong gabing dinala siya ng nobyo rito noong graduation niya at birthday naman ni Ridge.
Naupo siya sa mahabang couch para hintayin ang pagdating ni Ridge.
"Please be here, Ridge. Please." She hoped.
Mula sa pagkakaupo ay tuluyan nang napahiga si Dawn sa mahabang couch saka siya ay nakatulog sa paghihintay kay Ridge, kaya malalim na ang gabi nang bigla siyang magising dahil napagtanto niyang nakatulog siya.
She gently rose from the couch and stilled when she saw Ridge sitting on the metal wood coffee table.
"Ridge." Di niya mapigilang sumigla nang makita si Ridge.
"Bakit hindi ka sa kwarto natulog?" Tanong naman ni Ridge atsaka tumayo na, ganun din naman ang ginawa ni Dawn.
Hindi maalis-alis ni Dawn ang titig sa mukha ni Ridge, naroong hinaplos pa niya ang mukha ni Ridge at kita niyang pumikit si Ridge at binaling pa lalo ang ulo sa kanyang palad.
"You're really here." Para siyang maiiyak nang sambitin iyon ni Dawn.
Ridge opened his eyes, "Yes, Dawn. I'm here."
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...