4

685 42 2
                                    

4

"You look sleep-deprived, Dawn." Her Kuya Dusk gently caressed her cheek. "Come on, what's wrong? You can tell it to ahia."

How she wished she could tell the reason why she looked like a panda because of the dark circles on her eyes. "Puyat lang sa pagrereview, ahia. May exam ako." Kahit ang totoo ay hindi siya pinatulog dahil sa pag-uusap nila ni Killian kahapon.

Pagkatapos siyang mabuking ay naging normal lang ulit ang kanilang conversation. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa na gusto siyang makita ni Killian o mahiya dahil nahuli siya ng lalaki.

Isa lang naman ang pwedeng magsabi kay Killian, Karter will never betray her, so Ridge could be the culprit. Sobrang inis niya kaya gusto niya sanang komprontahin si Ridge pero hindi niya pala alam ang number ng lalaki, hindi nga rin niya mahanap ang social media accounts niya.

"Do you still want to go with us? Sabihan natin si Mama na medyo pagod ka at kailangan mo nang magpahinga."

Umiling kaagad si Dawn, "No, Kuya. I want to go, it is the least I could do for Ate Jackie."

Tumango naman si Dusk sa kanya, "Go inside the car now. Susunduin pa natin si Mama."

Ang dala nilang sasakyan ay ang Avanza. Pumunta sila sa Museology para sunduin ang mga empleyado nilang makikisakay sa kanila, pati ang kanyang ina.

"Dawn, diyan ka na sa front seat. Join your Kuya Dusk, dito na ako sa backseat." Utos ng ina at sumakay sa backseat.

Tumango si Dawn atsaka isinandal ang ulo sa headrest dahil sobrang bigat ng kanyang mga mata. "Matulog ka muna, Dawn. I'll wake you up when we get there." She just nodded her head as a sign of her response to her Kuya Dusk.

Sa buong biyahe ay diretso ang tulog ni Dawn hanggang sa gisingin na nga siya ng kanyang Kuya Dusk. Sa isang ancestral house ng pamilya ng nanay ni Jackie ang burol, kaya tumagal ang biyahe nila ng dalawang oras dahil sa may Cabanatuan pa sila pumunta.

"Thank you, Kuya."

Ngumiti si Dusk atsaka siya hinalikan sa noo. Si Dawn at ang kanyang Mama ay nakahawak sa magkabilaang braso ni Dusk, kaya nakagitna ang panganay ng mga Yin.

Nakilala nila ang mga kapamilya ni Ate Jackie, kita niyang magang-maga pa ang mga mata ng kasamahan nila dahil sa nangyari. Ulilang lubos na si Ate Jackie kaya masakit para sa kanya ang pagpanaw ng ina.

"Jackie, nandito ang mga Mijares." Anunsiyo ng isang kamag-anak.

Napaupo ng tuwid si Dawn sa narinig kahit pa halos ingudngod na niya ang mukha sa may balikat ng kanyang Kuya Dusk dahil sa matinding pagkaantok.

How can I forget!

Malapit din sa mga Mijares si Ate Jackie, dahil noong lumalaban silang dalawa ni Karter sa mga duet singing competition, ang nanay ni Ate Jackie ang nagsisilbing coach nila noon, naging head pa ng MAPEH department ang nanay ni Ate Jackie noon sa TPU.

Tinapik ni Dusk ang kanyang balikat, "Let's greet them, Dawn."

"Y-Yeah." Pasimple niyang inayos ang buhok atsaka humawak sa kamay ng kanyang Kuya Dusk ng sila ay tumayo.

Doon ay nakita nga niya ang mga Mijares. Nakita niya ang nakangising si Karter habang pasimpleng ginalaw ang mata papunta sa direksyon ng kanyang Kuya Killian, na nakatingin sa kanya!

Parang nanghina ang tuhod ni Dawn lalo pa at ngumiti si Killian sa kanya.

"Hi Ate Dawn." A cute voice got her attention.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon