11
"Mang Rey! Thirty pesos pa po nitong calamares!" Iniabot kaagad ni Dawn ang kanyang bayad kay Mang Rey.
"Ako po Mang Rey, twenty pesos po nitong chicken skin. Kaloka, nakakagutom ang mga ganap!" Maarteng iniabot din ni Karter ang kanyang bayad sa tindero ng paborito nilang street food.
"Aba, mukhang gutom na gutom kayo Dawn, Karter." Natatawang sambit ni Mang Rey habang isinasalang na sa may kawali ang kanilang order.
Sabay na tumango si Dawn, "Isang buwan na po kaming ganito, Mang Rey. Pero di pa rin kami nakakapag-adjust!"
Ang tinutukoy ni Dawn ay ang isang buwan na nilang pagpapractice sa gaganaping musical play sa centennial celebration ng TPU. Isang buwan na silang late kung matapos sa practice, sa ngayon kasi ay hiwa-hiwalay muna ang practice. Nakahiwalay muna ang mga nasa musical team at ang acting team.
Naghintay pa sila ng ilang minuto atsaka muling bumalik sa mga upuan kung saan sila nakatambay.
"Grabe, nakakagutom!" Sambit ni Karter atsaka nila nilantakan ang pangalawang order nila ng street food.
Halos hindi na sila magkausap ni Karter dahil tutok sila sa pag-ubos ng kanilang pagkain.
"Next week, sa may orchestra pit na tayo." Excited na sambit ni Dawn habang nagpapahinga na lamang sila pagkatapos mabusog.
Sumimangot naman si Karter, "Maglalandi ka lang niyan."
Hinampas niya ang kaibigan dahil sa sinabi, "Grabe ka naman, siyempre magiging professional ako no. Isa pa, sigurado akong magiging busy din si Killian."
"Hindi pa rin ako makapaniwalang nililigawan ka ni Kuya Killian. Iyong totoo, ginayuma mo ba?"
Muli niyang hinampas si Karter dahil sa kanyang paratang, "Wala ka bang bilib sa ganda ko? Kung makapang-akusa ka sa gayuma diyan, hmm!"
Tumawa lang si Karter atsaka sinuklay ang kanyang buhok, "Haba ng hair mo no? Sana all may crush back experience!"
Taas-noo naman si Dawn, na may kasama pang pagkumpas ng buhok. "Well, you should have believed me that doing those things would make him notice me."
"You mean stalking skills? Na-uh, not my thing."
Sinamaan niya ng tingin si Karter at akmang magsasalita ulit ng may isang kamay ang nagtakip sa kanyang mga mata.
"Tss. I need to go." Dinig niyang sambit ni Karter at tila umalis na sa pwesto nila.
"Huh? Karter? Teka." Kinapa niya ang kamay na nagtatakip sa kanyang mga mata, at ganun na lamang ang ngisi niya dahil kilala niya ang may-ari ng kamay na 'yun.
Lumapad ang ngisi sa labi niya dahil bumulong pa ang taong may-ari ng kamay na iyon, "Miss me, darling?"
Dawn giggled, "I miss you, Killian."
Tinanggal na ni Killian ang kamay na tumatakip sa mga mata ni Dawn atsaka tumabi sa kanya. "Are you done?"
Tumango naman si Dawn atsaka hinaplos ang ilalim ng mga mata ni Killian dahil sa medyo nangingitim iyon dala ng puyat. "Killian, nakakapagpahinga ka ba nang maayos?"
Napapikit si Killian sa ginawang paghaplos ni Dawn at kalaunan ay yumuko upang ipatong ang noo sa balikat ni Dawn. "Ganito ang maayos na pahinga sa akin, Dawn."
Di niya mapigilang manigas sa kinauupuan niya nang maramdaman ang pagdampi ng labi ni Killian sa kanyang leeg. "Killian, n-nasa public place tayo."
Ramdam niya naman ang mainit na paghinga ni Killian dahil sa kanyang paghalakhak bago tuluyang lumayo sa kanya at umayos ng upo.
"Next week, kasama na kayo sa rehearsals." Tumayo na si Killian atsaka hinawakan ang isang kamay ni Dawn para makatayo na rin at makaalis sa lugar.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...