21
Sa pangalawang beses na pagtulog ay ramdam ni Dawn ang unti-unting pag-gaan ng kanyang pakiramdam. Idagdag pang kay bango ng kanyang naamoy sa matigas niyang unan.
Wait, matigas?
Marahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Doon niya napagtantong hindi pala unan iyon, katabi niyang natutulog si Ridge at nakasandal ang ulo ni Dawn sa kanyang dibdib.
Napansin din niyang nakasuot na ng cotton shirt si Ridge. "Where did he get his clothes?" Mahinang sambit niya at napangiwi dahil medyo masakit pa rin ang kanyang lalamunan pero hindi na kasingsakit kanina.
Napatingin siya sa kanyang wall clock at nakita niyang alas otso na ng gabi. Napakislot pa si Dawn dahil humigpit ang yakap ni Ridge sa kanya at naramdaman ang buga ng hangin sa tuktok ng kanyang ulo.
Maingat ang galaw ni Dawn, iniangat niya ang ulo para pagmasdan ang mukha ni Ridge na natutulog. Napangisi naman siya dahil sobrang angas din ng kanyang hitsura kahit tulog dahil bahagyang salubong ang kanyang mga kilay.
Ginalaw niya ang isang kamay para ang kanyang hintuturo ay mahaplos ang makakapal niyang mga kilay at matangos na ilong. Tutok na tutok si Dawn sa ginagawa ng biglang dumilat ang mga mata ni Ridge, naibawi niya tuloy ang kanyang kamay.
"S-Sorry." Paghingi niya ng tawad dahil mukhang nagising niya si Ridge.
Hinawi ni Ridge ang kanyang bangs at dinama ng palad ang kanyang noo, "You're getting better. How's your throat?" Tanong ni Ridge at hinapit lalo ang kanyang baywang.
Tumikhim si Dawn, "Medyo matalim pa rin pero hindi na ganun kasakit." Paliwanag naman niya at halos maduling ang mga mata dahil sa pagtitig kay Ridge na sobrang lapit.
Hinaplos ni Ridge ang kanyang pisngi atsaka binaba ang ulo para hagkan ang kanyang labi, "Gutom ka ba? Kaninang hapon pa yung kinain mo."
Tumango naman si Dawn, "Medyo."
Gumalaw si Ridge atsaka sabay binangon ang kanilang mga katawan, "Let's cook then."
"Wala pa ba si Mama?"
"Baka pauwi na siya, I asked one of my drivers to pick her up." He took his phone that was on the side table, "Malapit na raw sila, the driver just texted me."
Umalis sa ibabaw ng kama si Ridge, pinagmasdan ni Dawn ang suot ni Ridge, nakapagpalit na rin ng sweat shorts ang binata.
"Where did you get your clothes?" Tanong ni Dawn atsaka na rin umalis sa kama.
"My assistant brought it for me." He answered. "Is there any food you like?"
"Kahit ano." Sagot naman ni Dawn.
Hinawakan ni Ridge ang kanyang kamay at pinagsiklop ang kanilang mga daliri. "Let's go."
Nang buksan ni Ridge ang kanyang pintuan ay nakarinig nang pagsinghap si Dawn. Pagkatingin niya ay kita niya ang gulat na hitsura ni Lincoln.
"Lincoln. You're home." Pahayag ni Dawn akmang hahakbang na siya ng biglang humarang si Ridge, hindi na niya makita si Lincoln dahil sa malaking bultong nakaharang. "Hey, Ridge."
"What are you doing in her room?" Malamig na tanong ni Lincoln.
Hindi makita ni Dawn ang reaksyon ni Lincoln dahil kay Ridge.
"Why are you asking, Engineer?" Maging ang boses ni Ridge ay malamig din. Hindi siya nakarinig ng sagot mula kay Lincoln.
"Ridge, ano ba?" Pilit niyang tinutulak si Ridge pero hindi nagpapatinag ang lalaki.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...