43

784 43 15
                                    

43

TWO YEARS AGO, United States of America

Mabibilis ang tibok ng kanyang puso habang nararamdaman ang unti-unting pagkatanggal ng bandage na tumatakip sa kanyang mga mata.

"You can open your eyes now, but do it slowly." The doctor who performed the corneal transplant surgery spoke.

She swallowed an imaginary lump in her throat and slowly opened her eyes. She heard the gasp coming from her mother when she finally opened her eyes.

Una niyang nakita ang kanyang ina na namumula ang mga mata habang ang mga kamay ay takip-takip ang kanyang bibig.

Lumingon siya sa may kanan niya at kita niya ang nakangiting Kuya Dusk bitbit ang kanyang anak at katabi si Ate Donna. Naroon din sa pwesto nila ang kanyang Ate Luna.

She nervously chuckled and a single tear escaped from her eye, "I-I can see you now guys."

"Oh my God!" Lumapit sa kanya ang kanyang ina atsaka mahigpit na niyakap. "You did well, anak."

"Mama." Iyak ni Dawn at niyakap siya nang mahigpit. "Thank you. Thank you, Mama."

Hindi rin matigil ang pamilya ni Dawn sa pagpapasalamat sa doktor na gumawa ng kanyang corneal transplant.

Hindi rin naman sila nagtagal sa States, kaagad din silang umuwi sa Shanghai dahil doon na ang buhay nila, ngunit ang Kuya Dusk niya at ang kanyang asawa ay umuwi na ng Pilipinas dahil doon naman ang buhay nila.

Ang kanyang Ate Luna naman ay nasa Beijing dahil doon na rin kasi siya bumuo ng pamilya. Kaya si Dawn ay naiwan sa bahay ng kanyang guakong at guama, kasama ang kanyang ina.

Because of the consistent rehabilitation, she was able to at least recover from her severe injuries. Nagagamit naman niya ang kamay sa pagsusulat pero hindi pa rin kaya ang sobra-sobrang activities gaya nang nagagawa niya noon.

"Kamusta ang trabaho?" Tanong ng kanyang Mama Autumn nang makauwi siya galing sa kumpanyang pinapasukan niya.

"I'm enjoying it, Mama." Masayang sagot niya.

Anim na buwan na siyang nagtatrabaho sa isang venture capital company bilang isang executive secretary. Nagustuhan niya ang secretarial job dahil na rin siguro sa mataas na pasahod.

"Mama, ayaw mo bang bumalik sa Pilipinas?" Biglang tanong iyon ni Dawn sa kanyang Mama Autumn habang sila ay gumagawa ng xiao long bao.

"Sa Pilipinas?"

Ngumiti si Dawn, "Mmm. I mean, don't you miss that place?"

"Is this about Ridge?"

Lumapad lang ang ngiti ni Dawn, "Kinda."

Napangiti na rin ang kanyang Mama Autumn, "Mahal mo pa rin. Let's think about it? Kawawa din naman si Cloud, he kept on asking about his father."

Sabay silang napalingon sa may isang upuan kung saan busy ang napakacute na bata sa paglalaro ng kanyang miniature xylophone.

"I wonder what will be his reaction when Ridge sees him."

Napalingon sa direksyon nila ang bata, parehas silang napasinghap ng kanyang ina. Walang dudang anak ni Ridge ang bata dahil sa malaking pagkakahawig nila.

The kid is their son, Cloud Allridge. Hindi niya sukat akalaing magbubunga ang nangyari sa kanila ni Ridge bago siya tuluyang umuwi ng China. Gustuhin man niyang tawagan si Ridge nang malaman niya ang kanyang pagbubuntis ngunit nasasaktan at natatakot pa rin si Dawn sa lahat nang nangyari.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon