20 (SPG)
"Cheers!"
Nakatayo't nakapaikot sila sa bilugang lamesa atsaka nila pinagtagpo ang kani-kanilang flute glasses na may lamang sparkling wine.
Huling gabi na nila sa Malapascua Island kaya naman isang engrandeng dinner ang pinahanda ni Ridge sa isang private dining ng Paragon Resort.
"We really enjoyed our stay here, Ridge. Thank you so much." Nakangiting nagpasalamat ang kanyang guakong kay Ridge.
Yumuko naman si Ridge, "You are always welcome, guakong."
Natigil sa pagsimsim sa kanyang sparkling wine si Dawn nang humawak si Ridge sa kanyang baywang at bumulong, "Night swimming after this, hmm?"
Tumingala siya para matignan si Ridge, "Okay." Nakangiting sagot niya.
Ngumiti din pabalik si Ridge sa kanya sabay yuko para halikan siya sa noo, "I love you." Wika pa niya at parehong binalik ang atensyon sa sinasabi ng kanyang Mama Autumn.
Naisuot na lahat ni Dawn ang kanyang swimwear, kaya naman para sa night swimming nila ni Ridge ay isang dolphin shorts na may kapares na sleeveless top ang kanyang isinuot.
Isinuot niya ang isang oversized jacket atsaka na siya lumabas. Muntik pa siyang mapasigaw dahil bumungad sa kanya si Ridge na mukhang kanina pa naghihintay doon.
"Kanina ka pa diyan?" Tanong niya atsaka isinarado ang pintuan ng kwarto.
"Not really."
Napayakap si Dawn sa sarili, "Ridge, hindi ba masyadong malamig niyan?" Tanong niya atsaka siya iginiya ni Ridge pababa.
"We'll just take a dip." Hinawakan ni Ridge ang kanyang kamay, "You're gonna love the view. The sky is full of stars and it's supermoon."
Nagulat siya sa nalaman kay Ridge, "Supermoon?"
Tumango si Ridge, at naexcite naman si Dawn.
Habang naglalakad sila sa dalampasigan ay nakatingala si Dawn at inaaliw ang sarili dahil sa napakalaking buwan at napakaraming bituin. "Ang laki nga ng moon, Ridge."
"I told you. Dito na tayo."
Tumigil siya sa pagtitig sa kalangitan. She gulped when Ridge pulled the neckline of his cashmere sweater. Lo and behold, his sculpted abdomen and well-toned chest blew her mind. He held the waistband of his grey sweat pants, and Dawn panicked.
"Don't!"
Takang lumingon si Ridge sa kanya, "What? Why?"
Napahawak sa dibdib niya si Dawn, pilit kinakalma ang sarili. "Are you suggesting to skinny-dip?"
Umawang ang bibig ni Ridge at kalaunan ay humahalakhak at naglakad papalapit sa kanya.
"Baby, what skinny-dipping are you saying?"
Nailang naman si Dawn nang pasadahan ni Ridge ng tingin ang kanyang kabuuan sabay balik ng tingin sa mukha niya, "I'm wearing trunks beneath my shirt and pants, Dawn. We're not going to swim naked."
Kahit papaano ay kumalma naman si Dawn sa sinabi ni Ridge. "Baka magkasakit tayo? Tingin ko sobrang lamig huwag na—"
Natigilan si Dawn at nanigas ang kanyang katawan nang yumakap si Ridge sa kanya. Ramdam niya sa kanyang pisngi ang matigas niyang dibdib at tila nanunuot sa kanyang balat ang init na nagmumula sa katawan ni Ridge.
"Ano, nilalamig ka pa? Stop worrying, night and cold swimming would give us a good night sleep and releases endorphins that would reduce stress."
She lifted her chin to look at him, "Saan mo naman nakuha yan?"
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...