30
"Welcome to the family, Ate Donna!"
She twisted the small party popper and colorful confetti blasted.
"Dawn!" Napakislot siya dahil sa galit na boses ng kanyang Kuya Dusk. "Bakit, Kuya?"
"She's pregnant! Hindi mo siya dapat binibigla."
Ngumuso naman si Dawn, "Ang oa."
Humalakhak lang si Ate Donna, "Dusk, it's okay. Chill."
Tinignan naman ni Dusk si Donna, "I'm just worried, okay? Masyadong magaslaw si Dawn."
"Ano?" Asik naman ni Dawn, "Hindi na nga namin mahawakan yang si Ate Donna. We feel like she is so sacred to be touched." At nagtawanan silang lahat na nandoon.
Naganap na kasi ang civil wedding ng kanyang ahia at ni Ate Donna, ngayon ay dumalaw sila sa kanilang bahay para kuhanin ang mga gamit ni Kuya Dusk.
"Hindi niyo ba kailangang kumuha ng kasambahay sa condo niyo, Dusk anak?" Tanong ni Mama Autumn habang sila ay kumakain.
"Meron na, Mama." Sagot ng kanyang Kuya Dusk tapos ay nilingon ang asawa para ipasubo ang pagkain. "Pero may araw lang na may kasambahay. I asked the company to reduce my working days, I want to be with Nasreen and our child most of the time."
Sa kanyang isipan ay napa-aww si Dawn dahil sa sinabi ng kanyang ahia. "Paano ang work ni Ate Donna?"
Sumagot naman si Donna, "I can work at home. Isang project na lang muna ang tinanggap ko. Ayaw kasi talaga ng ahia mo na nagpapagod ako, buti nakalusot 'tong isang project ko."
Tumikhim naman ang kanyang Kuya Dusk, "Nasreen, make sure you will not forget your promise, this will be the last. I told you, I am financially-stable to support you and our child." Hinalikan pa ng kanyang Kuya Dusk ang noo ni Ate Donna.
Napalabi naman si Dawn dahil sa nangulila siya kay Ridge, isang buwan na rin ang pagtatago nilang dalawa, naging madalang ang kanilang pagkikita pero hindi naman ang pag-uusap nila tuwing gabi at kung may mga pagkakataon sa umaga o hapon din.
"Kailan ang church wedding niyo?" Tanong ni Dawn kay Ate Donna. Silang dalawa ay nasa may sala dahil ang kanyang ahia at ina ay inaayos ang kanyang mga gamit na ililipat niya sa condo.
"Hmm, Dusk and I planned to have it months after I gave birth to our child."
Napapalakpak si Dawn, "That's great! If ever gawin mo si baby na ring bearer o kaya flower girl kung babae!"
Humalakhak ang kanyang Ate Donna, "Naisip ko rin yan. You'll be one of the bridesmaids, okay? Inuunahan na kita."
Napalabi naman si Dawn, "Sana makauwi ako nun."
"Right, next year pala pupunta ka na ng Vienna?" Napalabi na rin si Donna at napatingin sa kanyang baby bump. "Sayang baby, baka hindi pa kayo agad magkita ni Auntie Dawn?"
Hinaplos ni Dawn ang baby bump ni Donna, "Don't worry, baby. I will do my best to see you right away."
"Ikaw? Wala ka bang boyfriend ngayon? Ang ganda-ganda mo, I'm sure boys are into you." Hinaplos ng kanyang Ate Donna ang pisngi niya, "If our firstborn is a girl, I hope she's as pretty as you."
"Naku!" Nahihiyang sambit ni Dawn, "Ate, don't hope. You're so beautiful kaya! Ikaw ang may pinakamalaking contribution ng magandang genes ng baby ninyo."
"Talaga? Hay, love talaga kita Dawn." Niyakap siya ng kanyang Ate Donna. "I wish you find a love with the kind of love that your ahia has for me—hard and painful to let go."
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...