40
Naghahanda na si Dawn sa kanyang pagpasok sa MDM. Napangiti naman siya sa harapan ng full-body mirror dahil suot-suot niya ang Michael Kors suit and skirt na binili ni Ridge para sa kanya.
Sunod ay sinuot niya ang kanyang pointed heels atsaka na binitbit ang shoulder bag palabas. Habang pababa siya ay naririnig niya ang masayang boses ni Estevan sa may living room.
"I told you. I will get the MDM Venture to fund our product! The due diligence went well, it was smooth! Why not? He's Von Henstridge, that's why." Humalakhak pa si Estevan atsaka napalingon sa direksyon niya. "Why don't we meet tonight? My treat. Alright, see you then dude."
Lumapit naman si Dawn sa kanya at tinitigan. "Tevan."
"Hmm?" Bored na sambit ni Estevan. "Nasa dining room na si Summer, kumain na tayo." Pag-aaya niya.
"Tevan, saglit lang."
Natigil sa paglalakad si Estevan at lumapit naman si Dawn. "W-What's next now?"
Humalakhak si Estevan atsaka lumapit sa kanya. Hinaplos-haplos pa ang buhok ni Dawn, "My ever beautiful wife, you're very excited hmm?" Sunod ay hinalikan siya ni Estevan sa pisngi, "Hintay ka lang, unti-unti mapapayaman mo 'ko ng walang kahirap-hirap."
Muntik sumigaw si Dawn nang dakmain ni Estevan ang kanyang leeg at marahas na hinila iyon palapit sa mukha niya.
"Huwag kang atat. Matagal-tagal pa 'to at huwag mo 'kong pangunahan." Matapos niyon ay pinakawalan niya ang leeg ni Dawn, inubo-ubo pa si Dawn habang haplos-haplos ang namumulang leeg. "Now, breakfast?" Nakangising inakbayan siya ni Estevan atsaka masaya nilang hinarap si Summer.
Pagkatapos kumain ay hinatid muna nila si Summer sa Little Bright Folks Learning Center kung saan siya nag-aaral bilang isang pre-schooler.
"May lakad ako mamayang gabi, kaya sunduin mo ang anak natin." Habilin ni Estevan sa kanya ng nasa tapat na sila ng MDM Tower.
"Okay." Akmang lalabas na sana siya sa sasakyan nang pigilan siya ni Estevan. "Tevan?"
Ngumisi si Tevan, "May kasalanan ka pa sa'kin, Dawn."
"A-Ano?"
Humigpit ang pagkakahawak ni Estevan sa kanyang pulsuhan, "Akala mo hindi ko alam na sinusubukan mong idelay ang pag-uusap namin ng D'Matteo na 'yun? You never open up about him again, huh?"
"I'm just being careful, Tev. Please, let go of my hand now, it's hurting me."
Pero hindi pinakawalan ni Estevan ang pulsuhan niya, "Pasalamat ka at masyadong baliw sa'yo ang lalaking iyon, kahit anong sabihin ko walang palag at naging maayos ang pag-uusap namin ng gabing iyon. Do things against my plan, you see what happen."
Pinakawalan naman ni Estevan ang kanyang kamay. Nagmamadaling lumabas ng sasakyan si Dawn. Hindi na niya sinubukang lumingon at dali-dali siyang pumasok sa building.
Habang nasa elevator siya ay pinaikot-ikot niya ang kanyang kamay dahil ramdam niyang nananakit iyon. Halos mabali yata ang kamay niya kanina sa sobrang higpit nang hawak ni Estevan.
Nagchime na ang elevator hudyat na nasa tamang floor na siya. Huminga siya nang malalim atsaka lumabas mula sa elevator.
Sinimulan niyang ayusin ang mga dokumentong kailangang basahin ni Ridge. Habang ginagawa iyon ay tumunog naman ang chime ng executive elevator.
Napalingon doon si Dawn at niluwa ng elevator si Ridge na binubutones ang dulo ng kanyang suit jacket. Napangiti naman si Dawn habang pinagmamasdan gaano kapulido ang kanyang buhok at kung gaano kaperpekto ang kanyang panga.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...