1
Breathe in. Breathe out. She did it many times.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata, at maayos na ipinatong sa bandang collar bone ang bagay na iyon, sa kabilang kamay ay hawak ang isang de kwerdas na bagay na siyang pares ng isang instrumento.
Iginalaw niya ang kamay at ang bagay na hawak ay lumikha ng klasikong tunog. Sumabay doon ang isang pre-recorded piano version nang tinutugtog niya ngayon.
Napakalumanay ng buong paligid habang itinutugtog niya ang biyolin. Tila nagliliwanag siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa papalubog na araw na sumisilip sa napakalaking bintana ng kanyang kwarto.
She is so enthralled in playing the violin. When she is on the chorus part of the beautiful song, a beautiful voice sang so she opened her eyes.
Tonight, I need your sweet caress
Hold me in the darkness
Tonight, you calm my restlessness
You relieve my sadnessNapangiti siya nang mapagmasdan kung gaano kagaling kumanta ang babaeng nasa harap niya. Tinuloy-tuloy niya ang pagtugtog at patuloy na sumabay ang magandang boses sa kanyang tugtog.
Pumalakpak ang babaeng may mala-anghel na boses nang matapos siya. "Yin Li Chen, you really are a muse. A goddess of music."
She jokingly rolled her eyes after hearing her Chinese name. "Xie xie, jiejie." She thanked her elder sister using their language.
Lumapit ang kanyang ate at niyakap siya. "I'm sorry if you need to substitute for me. Everything is just so sudden, they need me back."
Tinapik-tapik niya ang balikat nang nakatatandang kapatid. "It's fine with me. Excited ako para sa'yo, Ate Luna. Les Misérables is such a magnificent play. You should not miss it. It's your career. At least limang buwan ka naming nakasama rito."
Her elder sister is a member of a famous theater group. They've been performing in different places, such as London, New York, China, and more. Pinagbigyan lamang siyang makapagbakasyon ng kanilang handler kaya nakauwi siya sa kanyang pamilya sa Pilipinas, ngunit ngayon ay kailangan na niyang umalis.
Luna touches her soft cheek, she looks at her with admiration. "Ni hen piao liang, Li Chen." Her elder sister praised her beauty.
"Ate Luna, stop with the Mandarin now. Nasa Pilipinas tayo. It's Dawn, come on."
Dawn, she is referring to her English name.
Humalakhak si Luna. "Right, your name is Li Chen. It means beautiful dawn."
"Well yours too, Yin Li Ue. It means beautiful moon."
"I need some help in packing my things, can you help me?"
"Okay, si Mama ba ang maghahatid sa'yo bukas?" Pansamantala nilang iniwan ang kwarto niya at dumiretso sa kwarto ng kanyang Ate Luna.
Umiling si Luna. "Hindi. Si Kuya Dusk ang maghahatid sa akin."
Si Dusk naman ay ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid.
Sinimulan niyang ilagay sa kanyang malaking maleta ang kanyang mga damit. "You and mom need to rest, your performance will be tomorrow and I heard that it is such a big event. Anniversary ng isang multinational company at the same time wedding anniversary ng kasalukuyang chairman at ng kanyang asawa."
Tumango-tango si Dawn at nakaramdam ng kaba dahil sa narinig. Napansin naman iyon ng kanyang Ate Luna. "Hey, nervous?"
Bumuntong-hininga si Dawn, "Who would not be? I mean, hindi naman iyon ang kauna-unahang magpeperform ako, it is just that it is my first time to perform in such a grand event. I don't want to screw up, Ate. Our business is involved here, mayayaman mga nandoon baka mamaya ikabagsak pa natin kung pumalpak ako."
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...