25 (SPG)

675 38 5
                                    

25 (SPG)

Nanginginig ang mga labi ni Dawn at takot na takot na nakatitig kay Ridge.

"You are clearly avoiding me." Ridge accused. "You won't answer my calls since last night. You even left so early."

Napatitig na lamang si Dawn sa kanyang sapatos, hindi makayanan ang hitsura ni Ridge. Dawn felt guilty on what she did, and she also feels bad towards Ridge.

Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hangin ni Ridge. Naramdaman niya ang dalawang palad ni Ridge sa kanyang magkabilaang pisngi upang marahang iangat ang kanyang mukha.

Napalunok siya nang masipat niya ang mukha ni Ridge, napupuno nang pag-aalala at parang pagod.

"Baby, why are you here, hmm? Did you drink?" She closed her eyes when Ridge's face went closer to smell her. "You did."

Iniwas ni Dawn ang kanyang mukha kay Ridge. "It was just one glass. I'm not drunk." Nilingon niya ang kanyang sasakyan, "Pauwi na rin ako, Ridge. You should go home too, you look tired."

Di makapaniwalang tinitigan siya ni Ridge, "Pinapauwi mo 'ko? Gayong hindi tayo maayos?"

"W-We're okay, Ridge. We are." She cursed silently when she sounded like she is convincing herself.

"Why are you avoiding me, huh? Are you even aware how I missed you? How worried I am?" Sunod-sunod na tanong ni Ridge. "Ngayon hindi mo 'ko matignan? You look at me when I'm talking to you, Dawn."

She shut her eyes for a second and faced him, "BECAUSE I'M CONFUSED!"

Nagulat si Ridge dahil sa pagsigaw niya. Ramdam ni Dawn ang mainit na mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. "I cannot even look at you because I'm scared I might see the difference! Nalilito ako, Ridge! Hindi ako sigurado at naiinis ako kaya kinailangan kong mapag-isa!"

"What confused, Dawn?" Lumapit si Ridge sa kanya at masuyong pinunasan ang kanyang pisngi, lalong naiyak si Dawn dahil sa sobrang rahan nang pagkakahawak ni Ridge sa kanyang pisngi at sobrang lambot ng kanyang titig. "Tell me, baby. Let me clear your mind." Malamyos na pagkakasabi ni Ridge.

Dawn slowly shook her head, "I don't want to hurt you. Oh God, I don't want to hurt you Ridge." Her voice cracked until sobs came. She does not want to hurt him just because she won't understand her feelings.

"Jordan, take her car and drive it to her address. Tell Tita Autumn, Dawn is upset and I need to accompany her first. Ihahatid ko rin siya sa kanila."

"Yes, Sir."

Naramdaman ni Dawn ang pagkuha ni Ridge sa kanyang kamay sa hawak-hawak na car remote key at iniabot iyon kay Jordan.

Sunod ay marahang hinila ni Ridge ang kanyang kamay at pumasok sa isang BMW na sasakyan. Wala silang imikang dalawa ni Ridge habang bumibiyahe.

Nakatitig lang si Dawn sa may bintana at malungkot na pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga sasakyan at mga building.

Hanggang sa nakarating sila sa isang basement parking ng isang residential building. Ridge parked his car on the VIP parking space where a VIP elevator is also there.

Pinagbuksan siya ng pintuan ni Ridge atsaka inalalayang makalabas. Pinagsiklop ni Ridge ang kanilang mga kamay at nagtungo sa VIP elevator. Nakatingin lang sa saradong pintuan si Dawn habang nakikita niya sa reflection na nakatitig si Ridge sa kanya.

The elevator chimed and they immediately went out. They stopped at the top floor where the sole penthouse of the building is located.

Pagkapasok nila ay bumungad ang isang modernong disenyo ng lugar at ang mga mamahaling muwebles at mga kagamitan.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon