24
"Killian."
Kaagad tumayo si Dawn at nagsimulang maglakad paalis sa lugar na iyon.
"Dawn, wait."
Naramdaman niya ang paghawak sa kanyang braso ni Killian, para bang may nakakadiring sakit si Killian at agad binawi ni Dawn ang braso at nilingon si Killian. "Huwag mo akong hawakan." Madiin niyang sabi at masama ang tingin kay Killian.
Nakatitig si Killian sa kanyang kamay na dumapo sa braso ni Dawn kanina, malungkot na ngumiti ang binata atsaka lumingon sa kanya. "I'm sorry."
"Sorry saan Killian?"
Napatingin sa kanya si Killian, "Sa lahat, Dawn." Humakbang palapit si Killian pero napaatras si Dawn kaya napatigil ang kaharap. "You really hate me."
Dawn scoffed, "Why? You expect me to be delighted?"
Killian nodded and smiled at her, she was surprised that he still managed to smile at her, like nothing happened long ago. "How do you find teaching here?"
Nanguyom ang isang kamay ni Dawn, "I have to go." Iyon lang at nagmamadaling pumunta sa may parking lot si Dawn.
Nanginginig pa ang kanyang mga kamay na binuhay niya ang kanyang sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon palabas ng university.
Nang lumiko ay bigla siyang pumreno at isinandal ang noo sa manibela. Sumunod ang kanyang mahihinang hikbi.
Muling nanumbalik sa kanya ang sakit. Nakita niya ulit ang sarili noong araw na sinaktan siya ni Killian at ngayon ay para bang isang malaking joke lang ang ginawa ng lalaki dahil sa kung paano siya itrato ngayon ni Killian.
He's here? Why? I thought they migrated already, and he's married!
Ilang minuto pa ang kanyang itinagal doon sa kantong iyon. Inangat niya ang ulo at mabilis na pinunasan ang basang pisngi.
Inilabas niya sa kanyang bag ang isang pressed powder para makita ang sarili sa compact mirror at para na rin makapagtouch up.
"Don't let him bother you, Dawn." Sambit niya sa sarili atsaka na pinaandar ang sasakyan para sa kanyang private tutorial.
Pinilit niya ang sarili na magfocus sa pagtuturo sa kanyang tutee. Laking pasasalamat niya at nakaraos siya sa araw na iyon, pero ramdam niya ang bigat ng damdamin pagkauwi.
"Dawn, are you okay?"
Natigilan siya sa pag-akyat nang marinig ang boses ni Lincoln. Inayos niya muna ang sarili bago nakangiting nilingon si Lincoln. "Hi, Lincoln!"
Pinakatitigan siya ni Lincoln hanggang sa umakyat si Lincoln para pakatitigan siyang mabuti, "Did you cry?"
"H-Huh?" Sagot na lamang niya.
"You cried. Bakit?"
Bumuntong-hininga si Dawn, mukhang sa sobrang kilala na siya ni Lincoln ay alam niya kaagad kung may nangyari.
Hinawakan ni Lincoln ang kanyang siko, iginigiyang maupo muna sila sa may staircase. "Come on, you can tell me."
Magkatabi silang umupo roon, "Nakita ko si Killian sa school kanina."
"Your cheater ex?" Bakas ang pagkayamot sa mukha ni Lincoln.
Tumango-tango si Dawn, "Shocking, right? Alam mo kung ano pa ang nakakagulat? He was so damn casual! Para bang walang nangyari."
"Paano mo nasabi?" Tanong pabalik ni Lincoln.
"He has the guts to touch me. Tapos nakikipagkamustahan pa. How could he? May ganong kakapal na tao ba talaga sa mundong 'to? Kung meron man, I nominate Killian as a living example!" Marahas ang galaw ng dibdib ni Dawn halatang gigil na gigil pa rin nang maalala kung paano kumilos si Killian sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...