10

562 35 5
                                    

10

Kinaumagahan ay mahapding mga mata ang bumungad sa kanya. Halos hindi na niya maidilat ang mga mata dahil sa pamamaga, gawa ng walang tigil na pag-iyak kagabi.

Mabigat ang kanyang katawan pero kailangan niyang kumilos dahil may pasok siya. The cold shower helped in easing the stinginess she is feeling on her eyes. She wore her black skirt and white school uniform blouse.

"Maybe I should put a concealer." She commented when she saw her face in front of the vanity mirror. Nag-apply siya nang kaunting concealer para mabawasan ang pamamaga at pangingitim ng mga mata.

Hindi alam ni Dawn paano haharapin ang araw na ito, ayaw niyang pumasok sana pero wala naman siyang valid reason para lumiban ng klase. "You can do this, Dawn." She cheered then wore her tote bag and carried her violin case.

Pagkabukas niya ng pintuan ay natigilan siya dahil sa malapad na bulto na tumambad sa kanya. Dahan-dahang pumaitaas ang titig niya at laking gulat niya nang makita ang mukha ni Killian.

"Killian." Hindi makapaniwalang sambit niya.

Ngumiti si Killian at bahagyang yumuko para sipatin ang kanyang mukha, "Umiyak ka pa kagabi?"

Dahan-dahang tumango si Dawn. "Oo."

Bumuntong-hininga si Killian, "Come here." Ang isang kamay ni Killian ay pumuwesto sa batok ni Dawn atsaka marahang tinulak iyon para kintalan siya ng halik sa noo, sa magkabilaan niyang mga mata, ilong at labi. "You should eat some breakfast first."

"Okay."

Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ni Dawn dahil sa presensya ni Killian, ano kaya ang magiging lagay niya kung wala si Killian para icomfort siya. Mababaliw na siguro siya!

"Dawn, Killian. Mag-agahan na tayo." Nasa may dining area na ang kanyang Kuya Dusk at Mama Autumn.

Nakita ni Dawn ang nag-aalalang hitsura ng kanyang ina at kuya, pagkauwi kasi kagabi ay kinuwento niya ang nangyari.

"Ikaw ba ang maghahatid kay Dawn sa school, Killian?" Tanong ng kanyang Kuya Dusk.

Tumango naman si Killian, "Oo, Dusk." Inilagay ni Killian ang isang pancake sa maliit na plato ni Dawn. "Do you want maple syrup, Dawn?"

Ramdam ni Dawn ang panonood ng kanyang Mama Autumn at Kuya Dusk sa kanilang dalawa, lalo pa at si Killian ay todo asikaso sa kanya sa hapag.

"Ahm, kaunti lang. Tsaka butter." Sagot niya.

Tumango si Killian atsaka mabilis na nilagyan ng maple syrup at butter ang ibabaw ng kanyang pancake. "T-Thank you." Mahinang sambit ni Dawn at medyo kabado dahil sa kakaibang titig ngayon ng kanyang Kuya Dusk sa kinalulugaran nila ni Killian.

Ang kanilang agahan ay sinabayan ng mga kwentuhan, pero hindi nila pinag-usapan ang nangyari kahapon at malaking tulong kay Dawn iyon. Makakamove on siya kung hindi na pag-uusapan.

"Kung tapos na kayo Dawn at Killian, pwede na kayong mauna. Ako na ang bahala rito." Nakangiting sambit ng ina.

"Sige po, Mama." Sagot naman ni Dawn.

Akmang tatayo na sana si Dawn pero laking gulat niya nang hawakan ni Killian ang kamay na nasa ibabaw ng lamesa.

"Tita Autumn. Dusk." Pagtawag ni Killian sa dalawa.

Napaupo ng tuwid ang kanyang Mama Autumn habang ang kanyang Kuya Dusk ay humalukipkip at seryoso ang tingin kay Killian.

"Ano yun, hijo?"

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon