16
Nakangiting pinagmamasdan ni Dawn ang isang batang babae na tumutugtog gamit ang piano. Napapikit pa si Dawn at ang ulo ay bahagyang kumukumpas dahil sa napakarelax na tugtog mula sa piano.
The young girl is playing a very classic song of Tchaikovsky named Swan Lake. She could almost drift off to sleep because of the sound, but the last key came.
"How was it, teacher?"
Idinilat ni Dawn ang kanyang mga mata. Sumalubong sa kanya ang nagtatanong na mga mata ng pitong taong gulang na bata. Ngumiti si Dawn at tinabihan siya sa piano bench. Masuyo niyang sinuklay ang buhok ng bata, "You played it beautifully, Riah."
Napangiti naman ang bata at niyakap siya, "Because you're a great teacher, and very pretty too!"
Her heart swelled with her tutee's remark so she embraced her too. "Ang sweet mo talaga!"
Tumingala ang bata at nangingislap ang mga mata, "Ikaw po ang pinakapaborito ko sa lahat ng tutor ko!"
Humalakhak si Dawn at kinurot sa ilong ang bata, "Mambobola ka pa hah!"
Riah is just one of her tutees. Noong makagraduate siya ay marami siyang nakuhang trabaho, isa na rito ang pagiging private tutor sa mga batang katulad ni Riah na may potensyal sa music at mayroon naman ay yung mga mayayamang angkan na gustong may pinagkakaabalahang talento ang kanilang mga anak.
She also has gigs in different luxurious hotel and restaurants, and sometimes to some pubs that have live band every night.
Pero araw-araw ay nagtatrabaho siya bilang isang music teacher sa grade school department ng TPU, inirekemonda kasi siya ng Dean at ni Professor Estacio kaya naman kaagad siyang nakapasok doon.
"Ma'am Dawn, uwi na po kami."
Napalingon siya sa grupo ng mga grade six students na tumawag sa kanya. Ngumiti siya at tinanguan sila, "Galingan natin bukas, ingat kayo."
"Kayo rin po!" Masiglang sabi ng mga estudyante atsaka na lumabas sa practice room.
Katatapos lang ng huling practice nila para sa competition sa Buwan ng Wika. Si Dawn ang naatasang maging vocal coach at conductor na rin ng department nila na lalaban.
Nang okay na ang lahat ay ikinandado na niya ang practice room at dumiretso na sa may faculty room para kuhanin ang kanyang gamit.
"Tapos na ang practice Dawn?" Tanong ng kanilang head.
"Opo, Mrs. Estacio." Magalang na sagot niya sa head teacher na siyang asawa ng dating professor niya sa School of Music, si Prof. Philip Estacio. "Mauna na po ako."
"Mag-iingat ka, hija."
"Kayo rin po."
Habang naglalakad siya patungo sa parking lot ay di niya mapigilang lingunin ang building ng high school department. Malungkot siyang ngumiti habang pinagmamasdan ang pamilyar na building.
"It's been three months." Mahinang wika niya atsaka nagpatuloy na sa paglalakad patungong parking lot.
Tatlong buwan na ang nakakaraan nang magkahiwalay sila ni Killian. Wala na siyang anumang balita dahil pinili niyang hindi makibalita noong mga unang linggong nangyari ang hiwalayan nila ni Killian.
Hanggang sa makapasok na nga siya sa TPU ay nalaman niyang nagresign na si Killian Mijares dahil sa nagmigrate na raw ang buong pamilya nila sa States.
It was really hard for Dawn to move on. Killian was her first real love. It started with a crush but it was never a puppy love. It was never an infatuation. It was love, but not a love that lasts.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...