13
Hindi mapakali si Dawn habang nakatayo sa harapan ng salamin at tinitignan ang suot na damit. Nakasuot siya ngayon ng isang plain white dress na pencil cut ang skirt, umabot iyon ilang pulgada ang layo mula sa kanyang tuhod. Sleeveless iyon at crossed front fit.
Sinuklay niya ang kanyang mahabang buhok, "It looks boring."
"Do you need help, anak?"
Napalingon si Dawn at doon niya lang napansin na nakapasok na pala sa kwarto ang kanyang ina. Nakangiting lumapit ang Mama Autumn niya sa kanya at pinagmasdan ang kanyang kabuuan.
"Is this what your Ate Luna bought for you?"
Dawn nodded, "It is po." Humarap siya ulit sa salamin at pinagmasdan ang buhok. "Mama, ano po kayang dapat gawin sa buhok ko?"
Pinaupo siya ng kanyang ina sa vanity chair, "Let's do a half-up one." Kinuha ng kanyang ina ang scrunchie na nasa vanity table. "Hmm, this looks pretty? Binili mo 'to?"
Umiling si Dawn, "Binigay po ni Ridge."
Natawa pa si Dawn dahil inamoy pa ng ina ang scrunchie, "Hmm, ang bango. This must be expensive."
Nagkibit-balikat na lamang si Dawn at hinayaan ang ina na ayusin ang kanyang mahabang buhok. Nang makita niya ang kinalabasan ay napapalakpak si Dawn, "Wow, Mama! Thank you."
Inayos ng ina ang ilang hibla ng kanyang bangs sa magkabilaang gilid, "Susunduin ka ba ni Killian para sa party?"
Tumango si Dawn at eksakto ay tumunog ang kanyang phone. Napatingin din doon ang kanyang ina at ganun na lamang ang pagngiti nang malapad ni Mama Autumn nang mabasa ang pangalan ng caller.
"Your boyfriend is calling you. Sige na, doon na ako sa baba."
"Sige po."
Pagkaalis ng ina ay sinagot ni Dawn ang tawag ni Killian, "Hi!"
"Hi! Five minutes and I'm almost there. Are you done?"
Tumango naman si Dawn atsaka kinuha ang kulay white na sling bag na may gold chain. "Yup! I will wait for you sa living room."
"Alright, darling. See you in a bit. I love you."
Napangisi naman si Dawn, "I love you too."
Gaya nga nang sinabi ng nobyo kanina, limang minuto lang at nakarating na rin si Killian sa kanila. Bumati muna si Killian sa kanyang ina atsaka na sila bumiyahe papuntang Paragon Lakeshore.
"Macey will be with us when we go home. I hope it's okay with you, Dawn."
Napalingon siya kay Killian, "Si Direk Macey?"
Tumango si Killian, "Oo. Sinundo siya ni Dean Galuego, mamayang pagkatapos ng party sa atin siya sasabay, mauna nating dadaanan ang hotel kung nasaan siya."
"Okay." Nakangiting sambit ni Dawn.
Napangiti din si Killian, "My girlfriend is really an understanding one." Pahayag niya at tinuro ng hintuturo ang kanyang kanang pisngi, "You didn't kiss me there, miss." Ang tinutukoy niya ay ang hindi niya paghalik noong sunduin siya ng nobyo sa bahay.
Humalakhak naman si Dawn atsaka kumilos para halikan siya sa pisngi, "There."
Hindi rin naman nagtagal at nakarating na nga sila sa Paragon Lakeshore. Gaya nang sinabi ni Ridge noon sa kanya, sa main clubhouse sila dumiretso.
Katabi niyang naglalakad si Killian habang pinagmamasdan ang buong lugar. "Grabe, sino architect nito? Ang ganda!" Puri ni Dawn.
Ang main clubhouse ay malawak at naglalaro sa kulay krema at light colors ang interiors. Napupuno iyon ng mga mamahaling muwebles.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...