41
Ilang beses siyang pabalik-balik sa tapat ng pintuan habang hawak-hawak ang isang file folder na naglalaman ng minutes of the meeting noong nakaraang project planning meeting.
Napakislot si Dawn sa kinatatayuan nang bumukas ang pintuan at bumungad sa kanya si Ridge.
"Dawn?" Takang tanong ni Ridge dahil nakita siya.
"Ahm, p-pakatok na sana ako, Sir Ridge." Bumalik ang trato ni Dawn kay Ridge kahit pa nangyari ang halik na iyon sa loob ng opisina ni Ridge.
"I'm about to meet the CEO. What is it?" He looked at the folder she was holding. "What's that?"
"Ahm, minutes of the meeting lang, Sir Ridge."
This time, Dawn created the minutes of the meeting with an unusual content and arrangement. Ibang-iba iyon sa mga ginawa niyang minutes of the meeting dahil hindi ang standard template ang kanyang ginamit.
Ridge took his luxurious fountain pen on the pocket of his suit jacket. "Let me sign it."
"Here." Inabot naman niya kay Ridge ang folder.
Dawn was praying that thing to happen, but when she saw Ridge immediately went to the last page and signed it, her shoulders dropped.
Iniabot ni Ridge ang folder na hindi man lang niya binasa, "There you go. I'll be back by lunch time, I brought my own food again. Let's eat inside my office."
Tinanggap ni Dawn ang folder, "Ahm, hindi mo man lang ba babasahin?"
Ridge gently tapped her shoulder, "I trust you. You always submit a well-written report."
"Pero dapat binabasa mo pa rin."
Ridge slightly laughed, "I need to leave now. See you later." One tapped on her shoulder again and Ridge walked and went inside the executive elevator.
Nang mawala sa paningin niya si Ridge ay laglag ang balikat na bumalik siya sa kanyang pwesto. Napatingin naman siya ngayon sa ibang dokumentong ginawa niya para makita kung gaano nga ba siya pinagkakatiwalaan ni Ridge.
Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga files sa database para makaisip ng paraan kung paano hindi matutuloy ang plano ni Estevan ng hindi niya nalalamang siya ang may gawa o may sadyang ginawa si Dawn.
Sampung minuto bago ang lunch break ay bumalik si Ridge sa 38th floor. Nang magkatinginan sila ay tinuro ni Ridge ang suot-suot niyang wristwatch.
"It's lunch time." Lumapit pa sa kinauupuan niya si Ridge. "Is there something wrong?"
Napakurap siya ng ilang beses hindi niya namamalayang titig na titig si Ridge sa kanya. "Nothing."
Ngumiti si Ridge, "I'm starving. Let's eat our lunch inside my office."
Talagang hinintay siya ni Ridge na makatayo at bitbitin ang kanyang lunch bag. Naging araw-araw na ang pagbabaon ni Ridge ng kanyang pagkain, kaya naging madalas na rin ang sabay nilang pagkain sa loob ng kanyang opisina.
"So Summer is not around in your house?" Tanong ni Ridge sabay kuha ng dumpling sa baunan ni Dawn.
"Nasa tiyahin ni Tevan. Kami lang dalawa ngayon ang nasa bahay. Medyo malungkot nga dahil walang makulit. Pero malapit na rin naman siyang ibalik sa amin."
Bumagal ang pagnguya ni Ridge atsaka tumikhim, "You and Tevan, alone in your house?"
Tumango naman si Dawn atsaka kumuha naman ngayon sa baon na paella ni Ridge, "Mmm."
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...