8
Hapong-hapo na napaupo sa hardwood flooring si Dawn atsaka marahas na bumuga ng hangin. Kasunod din niyon ang pabagsak na pag-upo din ni Karter sa tabi niya.
"This is the most tiring practice I've ever done!" Malakas na sambit ni Karter atsaka itinabi ang hawak-hawak na cello.
Tumango-tango si Dawn, "I agree." Minasahe niya ang kanyang balikat, "Karter, pagkatapos ng audition, magpamassage tayo!"
"Talaga! Grabe, one week pa lang tayong nakakapagpractice ganito na yung nararamdaman natin. Paano na lang kung di tayo nakapasok?"
Napatingin si Dawn sa sinabi ni Karter, "Hey, don't say that." Nakaramdam tuloy siya ng kaba. "Kailangan makapasok tayo. This is not just a simple event, dadaluhan ng mga malalaking tao ang play Karter. We have to get in."
Nginitian siya ni Karter atsaka hinaplos ang buhok, "We will get in. You're right. Eh ano ngayon kung halos araw-araw ding nagpapractice iyong sina Danica, tss!" Siniko siya ni Karter, "Wag kang papatalo sa isang 'yon! Kapag natalo mo, ipukpok mo yang violin mo sa kanya." Dagdag pa ni Karter sabay halakhak.
Napatawa na lamang si Dawn sa biro ng kaibigan. "Baka may makarinig sa'yo. Kilala naman natin si Danica, she could even pass as a concertmaster. She will surely get in the first violin."
Sumimangot naman si Karter, "You will be the concertmaster! You should be!"
Niyakap naman niya si Karter, "My ever supportive best friend, thank you so much for believing in me."
Yumakap din naman pabalik si Karter, "Alam ko kung gaano kahalaga sa'yo 'to. Sa ating dalawa, ikaw talaga yung may matinding passion sa music. Music is your first and true love, Dawn."
Hindi niya itatanggi ang sinabing iyon ni Karter. Dawn loves music so much. Anything that has something to do with music, she surely loves and appreciates it. Maraming tao ang mababa ang tingin ngayon sa music industry, ang sabi ay hindi magtatagal at lalong hindi mapagkakakitaan pwera na lang kung sisikat kang talaga.
Lalo na ang mga may kaya sa buhay, ang mga elitista, sila ang madalas na mababa ang tingin sa mga taong nasa larangan ng musika ang linya ng trabaho. People nowadays often give great recognition to those high-profiled profession, attorney, doctor, engineer and all, but not so much in entertainment like music.
"To hell with them." Inis na sinipa ni Dawn ang isang maliit na batong nakita habang naglalakad na siya palabas ng university.
"Who made you upset?"
"Ah!" Napasigaw si Dawn dahil sa boses na iyon. Napatingin siya sa kanan niya at nakitang nandoon si Ridge. "Ridge, ano ba!"Asik niya sa lalaki habang naglalakad patungo sa may gazebo kung saan nakaupo na naman si Ridge sa may konkretong lamesa.
Tinapik ni Ridge ang espasyo sa tabi niya. "Come here."
Sumimangot si Dawn, "You sound like a person calling his pet."
Humalakhak si Ridge, "Mmm? Come here, baby." Tila nang-aasar pa si Ridge dahil pinalambing niya ang boses.
"Tss." Itinabi niya ang violin na nasa itim na case atsaka bubuwelo na sanang maiangat ang sarili paakyat sa lamesa, pero laking gulat niya nang hawakan siya sa gilid ng baywang ni Ridge at iniupo sa tabi niya. "Salamat."
Tumango naman si Ridge, "Pauwi ka na?"
"Oo. Katatapos ko lang magpractice." Sagot naman niya atsaka pinagmasdan ang kasuotan ni Ridge.
Hindi siya nakasuot ng executive attire, nakasuot siya ngayon ng navy blue polo shirt na may logo ng isang taong nakasakay sa kabayo at grey pants. "Di ka galing sa work?"
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...