7
"Lunch is ready."
Napalingon silang lahat kay Killian na dumating sa living room. Lumingon si Killian sa kanya nang nakangiti, bilang tugon ay ngumiti din pabalik si Dawn atsaka tumayo na.
Hindi niya alam pero nagmamadali siyang lumapit kay Killian. Napansin iyon ni Killian, "Hmm, hungry huh?"
Nahihiyang ngumiti si Dawn, "H-Hindi naman."
Tumango naman si Kieran atsaka nilingon ang mga taong nasa likuran niya, "Lunch is done. Let's go."
Sumunod naman sila kay Killian. Nakita niyang halos katatapos lang ng kasambahay at ng ina ni Killian sa paghahapag ng mga pagkain.
Mukhang gutom naman na talaga si Dawn dahil ramdam niya ang pagreact ng kanyang tiyan habang tinititigan ang iilang putaheng paborito niya.
Chinese fried rice, fried shrimp dumplings, Mongolian beef and there is a familiar Chinese dessert!
"Is that ..." Nilingon niya si Killian na siyang naghila ng upuan para sa kanya, "fried nian gao?"
Ngumiti si Killian, "It is. Mom prepared it."
Natutuwang nilingon niya si Tita Kirstie, "Wow, Tita! Thank you."
Humalakhak ang kanyang ina, "I only made the dessert. The rest?" Tinignan niya ang kanyang anak na si Killian, "Si Killian halos ang naghanda."
Nilingon naman ni Dawn ang katabi niya, "Thank you."
Nakangiting tumango lang si Killian at inanyayahan na ang lahat na mananghalian.
"Hmm, Killian cooks great!" Puna ni Fritz habang tinitignan sa tinidor ang nakatusok na Mongolian beef. "Magaling ka pa yatang magluto kay Mom, Kill."
Nagtawanan naman silang lahat dahil sa tinuran ni Fritz. Napunta ang titig ni Fritz kay Dawn, saglit din siyang napatingin sa bihasa na paggamit niya ng chopsticks. "Wow! Half-Chinese ka ba, Dawn?"
Umiling si Dawn, "No. We're Pure Chinese."
Fritz looked surprised, "You are? Hmm, pero magaling kang managalog. Very fluent."
She wiped her lips using the table napkin and continued speaking, "Iyong grandparents ko sa paternal side, nagkaroon kasi ng business opportunity dito sa Pilipinas, hanggang sa dito na rin naipanganak si Papa ko. Nakilala ni Papa si Mama kapag umuuwi siya sa China, got married there but stayed here."
Tumango-tango naman si Fritz, "Hindi ba mahigpit kayo sa mga tradition? Dahil Chinese ka, you need to marry a Chinese too. Does your family follow that rule too? A Chinese for a Chinese?"
Nakita niyang natigilan sa paggalaw ng kubyertos sina Killian at Ridge at sabay napatingin sa kinalulugaran ni Dawn.
Ngumiti si Dawn, "I won't deny that fact. Medyo strict kami sa mga rules." Sagot niya.
"So you need a Chinese for a husband?"
Lahat sila ay napalingon kay Ridge nang magsalita siya. Maging si Fritz ay namangha dahil nakisali sa diskusyon si Ridge.
"Ah, paano ba 'to." Natatawang sambit ni Dawn. "Well, in my family. It might be a long discussion if I am to marry a man who is not from a Chinese family. My Ama and Angkong are not around anymore, so my Guakong and Guama are there to discuss it in the family."
Nangunot ang noo ni Fritz. "I'm sorry what were those terms?"
"Yes, Ate. What's ang..k-kong?" Nilingon ng batang si Kieran si Ridge na katabi niya, "Di ba gulay yun, Kuya Ridge?"
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...