27 (SPG)
Halos hindi makagalaw si Dawn habang nakatingin lang ang kanyang mga mata sa bintana nang sinasakyang Lexus SUV.
Inaya siya kaagad ni Mrs. D'Matteo na mag-usap pero hindi niya inaakalang hindi pala sila sa hotel mag-uusap.
Shit, I even forgot my phone.
Hindi niya matawagan si Ridge para sabihing kasama niya ngayon ang kanyang ina. Paniguradong mag-aalala si Ridge sa oras na bumalik ang nobyo sa suite at wala siya roon.
Napatingin siya sa kanyang suot na damit, napangiwi siya dahil amoy aromatherapy oil pa siya dahil galing siya ng spa!
Nakakahiya, hindi sa ganitong pagkakataon niya nais makilala ang ina ni Ridge. Ngayong magkatabi sila sa backseat ay nagmumukhang hampas-lupa si Dawn. Pasimple niyang pinihit ang ulo para sana makita ang ginang na nasa kabilang dulo ng upuan, pero kaagad siyang napayuko dahil nakatingin pala ang ginang sa direksyon niya.
Pansin ni Dawn na mukhang malayo na sila sa Mandarin Oriental at kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ni Dawn.
Is she going to throw me somewhere? Oh gosh! Ipapabugbog?!
Sa sopistikada at eleganteng anyo ni Mrs. D'Matteo ay malabong gagawin niya ang ideyang pumasok sa isip ni Dawn.
Namangha si Dawn nang mapagtanto niya saan sila pumunta. Right now, she is seeing one of the best restaurants in Taiwan, the one for the elite!
"Let's go."
Hindi na kailangang mag-effort ni Dawn na buksan ang pintuan ng sasakyan dahil sa pinagbuksan siya ng isa sa dalawang assistant o bodyguard ng ginang.
"T-Thank you." Tumango lang ang lalaki atsaka na sila sinamahan papasok sa mamahaling restaurant, ang Raw Taipei.
Parang gustong umatras ni Dawn pagkapasok nila dahil nakita niya ang nakakamangha at kakaibang interiors ng lugar.
Pansin niyang iilan lamang ang kumakain doon, kaya ang lagay ay may napapatingin sa kanya, siguro dahil sa kakaibang kasuotan.
Pinaghila siya ng upuan ng isang staff ng restaurant. Nakita pa ni Dawn na pumunta sa may isang tabi ang dalawang lalaki na kasa-kasama nila sa sasakyan kanina.
"Have you been here?"
Nilingon niya ang ginang, "Ahm. No po."
"Raw Taipei is a Michelin star restaurant."
Dawn is aware about the Michelin star, it is like a rating system for restaurants. "I heard po."
Hindi ngumingiti pero hindi naman nakasimangot ang ginang, pero hindi talaga mapigilan ni Dawn ang kabahan.
"That ring," Awtomatikong tinakpan niya ng isang kamay ang kamay ni Dawn na may suot na singsing, "it looks expensive with a heavy promise."
She swallowed an imaginary lump in her throat and sat straight, she has to be honest now.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...