9
"You're here again?!"
Sa paglalakad ni Dawn palabas ng university ay nakita niyang nakatambay ulit si Ridge doon sa gazebo. Nakasuot pa nga ngayon ang binata ng kanyang usual na executive attire.
Umangat ang kilay ni Ridge, "Done with your practice?"
Lumapit si Dawn sa kinalulugaran ni Ridge, "Tapos na. Bakit araw-araw ka yatang may meeting sa school?"
Simula noong maihatid siya ni Ridge sa kanilang bahay ay araw-araw na niyang nakikita sa may gazebo si Ridge, kaya naman araw-araw din siyang naihahatid ng lalaki.
Bumaba sa kinauupuang lamesa si Ridge. Ridge towered over her the moment he stood up in front of her, she needed to crane her neck just so she could see his face.
"Uwi na tayo." Aya ni Ridge atsaka kinuha ang hawak na violin case.
Wala namang nagawa si Dawn kung di sundan si Ridge patungo sa parking lot. Ganun na lamang ang panlalaki ng singkit niyang mata at pag-awang ng bibig nang makitang panibagong model ng sasakyan ang dala ni Ridge.
"Aston Martin?!"
Pinatunog ni Ridge ang sasakyan gamit ang isang smart remote key atsaka siya pinagbuksan ng pintuan. "Get in now, Dawn."
Nang hindi sinasara ang bibig ay sumakay si Dawn sa Aston Martin ni Ridge. Kumikinang ang mga mata ni Dawn habang hinahaplos ang mamahaling leathered seats ng kotse.
"Do you always do that?" Nakita ulit kasi siya ni Ridge na ganun ang ginagawa sa kanyang sasakyan.
Ngumiti si Dawn, "Di ko mapigilan! Kahapon yung Alfa Romeo ang dala mo, and now Aston Martin. Pinatulan mo talaga yung sinabi kong kapag iba-ibang sasakyan ang dadalhin mo, isasakay mo 'ko no?"
"If I could give what you want, Dawn, then I'll give it to you." Seryosong sambit ni Ridge atsaka binuhay ang makina ng sasakyan.
Relax na isinandal ni Dawn ang likuran sa backseat. "This last day exhausted and starved me so much!" Iyon kasi ang last day practice nila sa school, sa weekend ay balak na lamang niyang magpahinga dahil Lunes ay magsisimula na ang mga audition.
"Gutom ka?" Tanong ni Ridge habang palabas na sila sa gate ng university.
Napahawak sa tiyan niya si Dawn, "Medyo. Parang gusto ko tuloy nung street food."
"Pwede ko namang daanan. Gusto mo na talagang umuwi? I could bring you somewhere so you could relax."
Nilingon niya si Ridge, "Talaga? Sige, daan tayo kay Mang Rey! Ahm, saan mo naman ako dadalhin?"
"Paragon Lakeshore."
Dawn immediately moved on her seat, "Paragon Lakeshore? Pwede ba akong pumasok doon? I'm not a member of that place."
Ridge cocked his head with a smirk on his face, "Baby, I think you forgot you're with a D'Matteo."
Her lips parted when she just realized something, "You mean? Sa inyo rin yung The Paragon Malls and The Paragon Lands?"
Tumango-tango si Ridge. "Yes. So, let's go there? It's just a thirty-minute drive from here or less than that."
"Okay!"
Dumiretso sila sa isang street kung saan nandoon ang mga nakahilerang stalls ng mga street food. Marami-rami silang binili tulad ng calamares, isaw at chicken skin.
Pagkatapos niyon ay tumulak na sila papuntang Paragon Lakeshore. Hindi matanggal sa pagkaawang ang kanyang bibig nang marating na nila ang lugar. Entrance pa lang ay alam na niyang mamahalin.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. COMEBACK DUOLOGY #2 "I am so upset." lasing na wika ni Ridge mula sa isang tawag. "Why are you upset, Ridge?" tanong naman ni Dawn pabalik hab...